Chapter 46

2.4K 73 5
                                    

Chapter 46

Frances' POV

I closed my skype account at hininto na ang pag-uusap namin ni Franky. I didn't see that one coming. Na shock talaga ako na may girlfriend na ang unggoy na yun. Wala man lang sinasabi sa akin.


I opened my fb account to see if he's online. Lagi naman yun tambay sa facebook eh. I just want to talk to him and to know something.


Miguelito Santos


I found his name on the online list. So I started typing to seek for truth.


Frances Martinez: Hoy Migs. Ano tong nalaman ko na may girlfriend ka na daw. You didn't tell me.


Miguelito Santos: Kanino mo naman nalaman?


Frances Martinez: Kay Franky. You promised na sasabihin mo lahat especially kapag tungkol sa kanya.


Miguelito Santos: Hindi naman lahat dapat na malaman mo.


Frances Martinez: But you promised. Akala ko ba siya ang gusto mo. Anyare?


Miguelito Santos:Hindi mo rin naman maiintindihan pag sinabi ko sayo.


Francheska Martinez:Oh come on, Migs. Hindi ako nagpaubaya for you and my sister for nothing. Ano ba.


Miguelito Santos: Hindi naman ganun kadali ang lahat, Frances.


Franky's POV

February 14, XXXX

Halos color red ang nagdominate na kulay sa buong high school building ng Dindleford. Natural, Valentines daw eh. Malamang masaya ang may mga kasintahan ngayon kasi araw ng mga puso.


May program nga mamayang hapon sa gymnasium. Valentines Concert daw pero exclusive lang sa lahat ng 4th years dahil wala naman daw kaming ginagawa sa school kundi ang pagpractice sa prom na one week away na lang.

At eto, nandito na kami sa gym at nakaupo sa mga bleachers. Katabi ko sina Selena na katabi si Zeke, Si Zeke katabi si Mika at ang boyfriend niyang si France at katabi naman ni France si Gab at syempre kasama niya si Edward. Minsan nga, nararamdan kong mag-isa ako kahit andyan sila. Ewan ko ba, tignan niyo naman ako lang ang walang kapareha. Panira lang ata ako sa grupo nila.


Di ata ako bagay dito sa valentines concert na to. Masyadong nakakaout of place.


Nagstart na ang concert at ang unang production ay ang Dindleford Sessionistas na nagpaulan ng sari-saring love songs. Maraming kinilig at nakarelate sa mga kinakanta nila.


Ako? Hindi relate. Busy ako maglaro ng racing sa cellphone ko eh.

Nagpatuloy ang concert. Hindi ko na nga masyado napansin kung ano nang nagyayari sa stage. Busy ako sa paglalaro nang may naramdaman akong biglang tumabi sa akin.


Nung lumingon ako, mga nangungusap na mata ang nakatitig sa akin. Napatigil ako. Napagmasdan kong maigi ang mukha niya. Makinis na balat, makakapal na kilay. Malalalim na mata na parang hinihigop ang pagkatao mo, na parang nawawala ka sa sarili pag tinignan mo ang mga matang iyon. Matangos na ilong at mapupulang labi.


Kinabahan ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Parang ngayon ko lang napagmasdang maigi ang mukha niya. Bakit hindi ko pa napasin ang kagwapuhan niya noon? Bakit ngayon ko lang nararamdaman ang lahat ng to? Bakit ngayon ko lang siya minahal kung kailan hindi na pwede.


Ilang segundo at umiwas ako ng tingin. Hindi ko na kakayanin ang bilis ng tibok na puso ko. Kung tahimik lang ang mga tao ngayon, malamang narinig na nila ang pagkabog nito. Hindi rin ako makahinga dulot ng kaba.


"Hey. Ayos ka lang ba?" Parang tumigil ako sa paghinga nung nagsalita siya.


"Ha? Ah haha. Okay lang." Sinubukan kong huminga. Baka ikamatay ko pa ang sobrang kaba.


"Anong ginagawa mo?"


"Naglalaro ng racing."


"Psh. Barako ka talaga." Napangiti lang ako sa sinabi niya. Bakit ang awkward? Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Namimiss ko na yung dating kami.


Walang tensyon. Masaya. Malaya. Hindi nagtatago ng nararamdaman.

Yung mga panahon na hindi pa ako nagkukunwari. Yung hindi pa ako nasasaktan.


Napatingin kami sa stage nang biglang lumabas ang principal ng school, ang tatay ni Selena at hinawakan ang mic.


"Last two songs for today and we'll end the show. So, for those people na may gustong bigyan for the one they love, go." Naghiyawan naman ang mga students at agad nagsitayuan. Karamihan na rito ang mga lalake. Nakita ko pa ang ungas boys na lumalapit sa like girls. Napangiti ako sa inasta ng mga like girls. Kunwari ayaw pa nila pero gusto naman nila.


Nakaramdam ako ng inggit. Alam ko, dahil gusto kong may matanggap rin. Gusto ko rin maramdaman kung ano ang nararamdaman nila. Kung kinikilig ba sila, kung masaya ba. Hindi ko alam. Kaya gusto kong maramdaman. Kaso mukhang malabo yun para sa akin.


Aakto na akong aalis dahil magmumukha lang akong tanga rito. Wala naman akong hinhintay.


Humakbang ako nang nakaramdam ako ng paghawak sa kamay ko. Napalingon ako at nakita si Migs.


Wala siyang sinabi at biglang inabutan ako ng isang long stemmed white rose.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Pabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa rosas na binigay niya. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi.


Maraming pumasok sa isip ko nung mga oras na yun. Bakit binigyan niya ako nito? Para saan to? Magagalit kaya sa akin si Angel pag nakita niya kami? Hindi ko na alam.


Hinawakan niya ang kamay ko at nilakip niya ang rosas dito.


"Happy Valentines, Franky." Ngumiti siya sa akin at umalis. Alam ko kung saan siya pupunta, pupunta siya sa totoong mahal niya.


Pero kahit ganun pa man, masaya na rin ako. Masaya pala. Masaya na nakakakilig. Hindi lang paru-paro ang naramdaman ko sa tyan ko kundi ang buong zoo kung saan lahat ng mga hayop ay nagwawala. Kahit paano naramdaman ko, kahit kalahati lang ng nararamdaman ng iba.

Ugly Duckling's Makeover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon