Chapter 41

2.7K 82 6
                                    

Chapter 41

“Class, exams niyo na in two days. Sa Wednesday to Friday na yan. So sa iba na wala pa nakabayad, settle your accounts na. Hanggang ngayong araw na lang kayo pwedeng magbayad. Closed na kasi ang Cashier’s office during the exams day, understood?”

 

“Yes, Ma’am!” Sagot naming lahat. Hay. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nung galing kaming Christmas break tapos eto na, exam days na. Ni isa nga, wala pa akong napag-aaralan. Nakakatamad kaya. Saka lang ako nag-aaral kapag the night before the exam na. Kapag kasi one week before, nakakalimutan ko rin. Short memory lang ata ako.

 

“So, I hope nagstart na kayong mag-review ng mga lessons niyo ah. Remember, seniors na kayo. Kapag may failing grades kayo, hindi kayo makakagraduate. I know walang may gusto sa inyong mas-stuck sa high school right?” sabi ni Ma’am kakatapos lang magbura ng mga writings sa blackboard. Medyo malapit na kasing mag-bell kaya nagstopna ring magturo si Ma’am.

 

“Tama yan Ma’am. Gusto ko na makatapos mag-aral. Nakakapagod na eh.” Ungas 1 na parang ginawa ng higaan ang upuan niya. Kung makaupo naman kasi oh.

 

“Halata nga sayo na pagod ka na mag-aral.” Pambabara naman sa kanya ni Ma’am na nagpatawa sa aming lahat. Cool talaga na teacher si Ma’am Mira. 1 year pa lang siyang nagtuturo dito sa Dindleford pero gusto na siya ng mga estudyante. Effective kasi siyang English teacher.

Nakakasabay rin siya sa mga kalokohan ng mga kaklase ko dahil bagets pa siya. Nasa 21 years old pa ata siya. Kaya nga masaya kaming siya ang nglish teacher and at the same time adviser.

 

“Basta ako Ma’am, gusto kong makatapos na mag-aral para magkapera na ako tsaka makahanap na ng chikababes. Sabi daw ng iba, pag marami kang pera, mas madali ng pumorma sa mga chix.” Napatawa nanaman kami kay Ungas 2. Hindi ko ba alam dito sa mga kaklase ko kung ang utak lang ba nila ay puro chikababes ang laman.

 

“Hay nako. Kayo talagang mga bata kayo. Wag kayo masyadong magmadali sa pag-ibig. May tamang oras para dyan. Mga bata pa lang kayo. Andami pang pwedeng mangyari sa buhay niyo.”

 

“Grabe talaga si Ma’am. Love guru.” Narinig kong sabi ni Selena na nasa likuran ko.

 

“Hayaan mo na yang si Ma’am. Hindi naman kita sasaktan eh.” hirit naman sa kanya ni Zeke.

 

“Haaay. Grabe, masaydong corny dito, shet. Nakakasuka!” bigla naman akong tumayo na parang nababadtrip. Tong mga katabi ko, masyong pumapag-ibig. Masyado akong out of place. Haha. Charing!

 

“Selos ka nanaman, Franky.” Pagbibiro sa akin ni Zeke.

 

“Kapal mo ah. Naiihi lang kaya magc-CR ako.” Agad na akong  lumabas para pumunta ng comfort room. Nadaanan ko nanaman yung  office ng College of Engineering. Naalala ko tuloy yung Mr. Inhaler na yun. Mr. Inhaler ang tawag ko sa kanya kasi yung inhaler niya nasa akin. Nalaglag niya yun nungnagkabanggaan kami. Di ko napansin. Ah basta. Ewan ko ba, pag naiisip ko yung pagmumukha ng lalaking iyon, nababadtrip ako. Wag ko na nga lang isipin yun.

Ugly Duckling's Makeover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon