Chapter 27

3K 82 3
                                    

Chapter 27

"Franky. Sabay tayong maglunch mamaya ah." sabi ni Migs na kakaupo lang sa tabi ko habang tinitignan kung ano ang ginagawa ko.

"Ano ba yang ginagawa mo?" di ko nala siya sinagot at pinagpatuloy lang kung ano ying ginagawa ko.

"Esh. Di nanaman niya ako pinapansin." wait. Paano nga yung solution dito? Iuuna ko bang i-add yung nasa loob ng parenthesis bago imu-multiply yung sa labas? Yun ba yun?

Haaay. Pesteng algebra.

"Isa pa, Franky. Pag di mo pa rin ako papansinin, hahalikan talaga kita!"

Silence.

Natahimik ang buong klase. Yung mga nagchi-chismisan, napatigil sa kakachika. Yung mga nagbabasa, naisara nila yung librong kanilang binabasa. Yung mga naglalaro at gumagawa naman ng kahit ano, napatigil rin sa kanya kanyang ginagawa.

Napatingin ako kay Migs. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya?

"Aaaaaaaaa. Like did you hear what he said, girls??!!" nagulat ako nung may biglang sumigaw na like girl.

"Like siguro naman, mali yung narinig natin right? Nabingi lang tayo kanina." anlalakas na talaga ng mga tama nito sa utak.  Di daw nila narinig. Ano yun, kung may sabayang bigkas, may sabayang pagkabingi?

"Like, yeah. Mahihimatay talaga ako pag hinalikan niya ang palaka na yan!!" kinuha niya yung paypay niya sa kanyang bulsa saka binigyan ang sarili ng hangin. Kapusin ka na talaga sana. Arte.

"Like that's so ewwwieee."

At anong palaka kayo dyan? Inggit lang kayo kasi hindi kayo ang binigyan ng offer ni Migs! Hahahaha. LOL. Dejk. Talagang mahihimatay kayo pag nalaman niyong nahalikan na niya ako. Hanggang paglalaway na lang kayo, likers. :P

At kailan ka pa naging ganyan, Francheska? Kailan ka ba natutong mag-isip ng mga malalanding bagay?

Kahapon,  nagnanasa ka sa taong pinagsawaan mo ng makita ang katawan tapos inaalala mo pa yung paghalik niya sayo. Di ka ba makaget-over dun?

Haay. Tukso, wag mo lang basta ako layuan, layasan mo na ako. Wag ka nang babalik. Ginagawa no akong manyak. Leche ka.

"Woyyy. Pareng Migs! Iba ata type natin ngayon ah. Hahaha!" -ungas 1

"Akala ko gusto mo ng mga hot na chikababe. Ibang bebot pala ang gusto. Wooo." -ungas 2

"Gayuma ata yan, pre!" -ungas 3

"Tawagin si Abra! Ga-ga-gayuma. Ga-ga-gayuma!" -ungas 4

Ugly Duckling's Makeover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon