PROLOGUE

44 0 0
                                    

Ngayon dapat gaganapin ang na-postponed na practice ng WHAN, isa sa mga bandang tumutugtog sa Art High.  Kasama si kuya ay tinungo namin ang daan patungong practice room. Agad kong nakita ang prenteng pagkakaupo ni Hana sa sofa. Agad din naman syang nilapitan ni kuya pagkapasok na pagkapasok nito sa silid.

Nathaniel Valdez. Sya ang nag-iisa at natatanging gitarista ng grupo. At kasama nya nga sa bandang ito ang girlfriend nya.

Hana Riñas. Sya ang aming bokalista. Sa totoo lang, pwede namang maging vocalist ang kahit na sino sa aming apat. Si kuya at Hana lang talaga ang madalas na kumakanta para sa banda. Si Hana rin pala ang isa sa mga bestfriend ko.

Nakabalik ako sa reyalidad ng maramdaman ko ang pagyakap ng isang lalaki mula sa aking likuran. Sa amoy ng pabango, tindig ng pangangatawan at ang marahang paglapat ng mukha nito sa aking balikat ay tila ba kilalang kilala ko na kung sino ang nagma may-ari ng mga bisig na ito.

"Sorry babe. May pinagawa pa si mama sakin e." Kitang kita ko ang pagod at puyat sa mapupungay nyang mata.

"Uyy Nate! Hi Hana," bati nya sa dalawa. At kasabay nun ay ang paglalakad namin patungo sa sofa. Agad nya ding nilapag ang 3 box ng pizza sa mini table.

Ang lalaking iyon ay si Alex Santos. Ang drummer ng WHAN at ang pinaka perpektong nobyo sa buong mundo.

Ako. Ako nga pala si Waynee Vargas. Kuya ko si kuya Nate. Bestfriend ko si Hana. At boyfriend ko si Alex. Ako ang may hawak ng keyboard.

Waynee, Alex, Hana, Nathaniel. Kaming apat ang miyembro ng bandang hinding hindi nyo makakalimutan...

WHAN.

WHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon