Chapter 1

24 0 0
                                    

Waynee's POV

Elementary palang kami ni kuya ng mag simula kaming mag perform sa mga school programs at lumaban sa mga singing contest. Sabi nga ng iba na ang swerte daw namin dahil sa murang edad ay nakuha na namin ang aming mga talento. At hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing naaalala ko lahat ng mga pinagdaanan namin ni kuya para lang mapunta sa kung nasaan man kami ngayon.

Kita ko rin naman sa mga mata nya na masaya sya. Kahit madalas na poker face yung lalakeng yun, mararamdaman mo yung galak nya sa bawat pag strum nya sa gitara.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iidolo kay kuya ng makarinig ako ng mahihinang katok kasabay ng pagpasok ni Yaya Jessa.

"Maam, tawag na po kayo ni Sir. Nakahanda na rin po yung almusal nyo." Nginitian ko lang sya at inayos na rin ang mga gamit ko para sa school.

Pagkababang pagkababa ko sa sasakyan ay sinalubong agad ako ni Hana. Balita ko pa naman ay may tampuhan sila ni kuya. Magsusumbong to sakin panigurado.

"Wayneeeeeeeeee!" Sigaw nya habang mahigpit ang pagkakayakap sakin.

"Yung kuya mo..."
"Akala ko susunod sya..."
"Tapos hindi man lang sya tumawag! Ni text wala! Hmp."

Ang daming hanash ng babaeng to. Asan narin ba kasi si kuya?!

"Hanalove..." Speaking of the devil -_-

Iniwan ko na sila. Ayokong makita ng kahit anong kasweetan ngayon lalo na't hindi ako nakabili ng ponkan kanina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon