Chapter 2
Her PoV
Nandito na ako ngayon sa airport. Kukuhain ko na lang yung maleta ko tapos didiretso na ko sa school. Sabi kasi ni daddy may susundo daw sakin dito sa airport tapos ihahatid na ako sa school.
Siguro nagtataka kayo kung bakit ako umuwi no?
Well hindi talaga dapat ako uuwi ng Pilipinas kase pinayagan ako nila mommy na magstay sa states kaya lang may nangyaring hindi inaasahan kaya umuwi na lang ako... nailibing nga ang lolo ko na hindi ako nakakadalaw sa kanya kahit nga nung libing ni lolo hindi ako nakapunta eh.
*FLASHBACK*
(a week after my dad left)
Magkikita kami ngayon ni John kasi monthsary namin kaya naman sobrang excited.
Napagkasunduan namin ni John na magkita na lang kami sa favorite restaurant namin.
Nang makarating ako sa restaurant agad na nahagip ng mata ko si John na handsome as ever.
Hahalik sana ako sa pisngi niya kaya lang umiwas siya. Medyo nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko na lang pinansin kasi ayaw kong sirain tong araw naming dalawa.
"Hi! :)" bati ko sa kanya nang makaupo ako sa harap niya.
"Hi. Lets order?" tanong niya sakin
Bakit parang ang cold ng pagkasabi niya sakin?
Aish. Ano ka ba naman Yannah?! Magtigil ka nga!
Dumating na yung order namin kaya nag-umpisa na kaming kumain. Habang kumakain tahimik lang kaming dalawa kaya naman medyo nanibago ako kasi hindi naman kami ganito.
"Aya." pagbabasag ni John sa katamikang bumabalot saming dalawa.
"Hmm?" tanong ko pabalik sa kanya.
"I want to tell you something." seryosong sabi ni John sakin.
Bakit parang kinabahan ako?
Hindi naman siya makikipagbreak sakin diba?
Lately kasi napapansin kong ang cold ng treatment niya sakin.
"Let's break up." seryosong sabi niya sakin.
Parang nanlanlamig ako sa narinig ko.
Hindi ako nakagalaw. Bigla na lang tumulo yung luha ko.
"Y-you're kidding right?" I asked him hopelessly.
"I'm serious." diretsong sabi niya sakin.
Nabato ako sa kinauupuan ko.
Biglang nanghina ang buong katawan ko.
Kung hindi lang siguro dahil sa upuan baka kanina pa ako bumagsak sa sahig.
"W-why?" pagpipigil ng iyak kong tanong sa kanya.
Tahimik lang si John. Hindi niya sinagot yung tanong ko.
Ganon na lang ba kadaling kalimutan ang pinagsamahan namin.
Isang taon niya akong niligawan. Anim na buwan kaming naging mag-on.
Ganon na lang ba talaga kadaling itapon lahat yon?
"Why John? Why?" pag-uulit ko ng tanong ko kanina at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.
"Stop it, aya. You're making a scene." he said with a hint of annoyance while trying to get my hands off him.
Nasaktan ako sa tono ng pagsasalita niya.
Tuluyan akong nanghina sa sinabi niya dahilan para matanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.
Agad siyang tumayo at lumabas nang hindi manlang ako nililingon.
*END OF FLASHBACK*
Sinubukan ko siyang kausapin matapos ang araw na yun pero hindi ko na siya nakikita. Narinig ko na lang na may bago na daw siyang girlfriend. Hindi ko na siya sinubukang kulitin pa. Natakot kase akong malaman ang totoo.
--------
Votes and comments please.. Thank you :) :* :)
![](https://img.wattpad.com/cover/16574067-288-k746855.jpg)
BINABASA MO ANG
When She Met a Jerk
Teen FictionThis is a story of two different person who eventually fell inlove with each other despite of their differences. They started as an mortal enemy and became lovers.