Chapter 3

13 0 0
                                    

Chapter 3

His PoV

"O pre, kala ko ba uuwi kapatid mo?" bigla kong tanong kay Wesley.

Andito kami ni Wesley ngayon sa school. Nakatambay kami sa office habang naghihintay para sa first subject namin. Ganda ng tambayan namin no?

Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo, pamilya nika Wesley ang may-ari ng school kaya like a boss kami dito.

"Hindi na daw uuwi sabi ni daddy nung dumating siya. Ayaw daw iwanan yung ugok niyang boyfriend." sabi ni Wesley na parang naiinis.

"Haha! Pinagpalit ka ng kapatid mo sa boyfriend niya?!" pang-aasar ko kay Wesley.

"Tsk. Wag na nga nating pag-usapan yan... Teka nga, ilan na naman ba ang naging syota mo sa states huh?! At ganyan ka kasaya?" Pagbabalik sakin ni Wesley ng tanong.

Oo nga pala, hindi pa ako pormal na nakakapagpakilala sa inyo.

Hi, girls! (^_-)-☆ I'm Ivanne Kyel Clemente the well-known cassanova of this campus. Pinakagwapo dito sa campus.

"Mga nine lang naman." casual kong sagot kay Wesley.

"Nak--ng dalawang linggo ka lang don tapos nakasiyam ka agad?" hindi makapaniwalang tanong sakin ni Wesley.

Tignan mo tong isang to. Hindi na nasanay sa lifestyle ko.

"Alam mo? Minsan talaga iniisip ko kung bestfriend ba talaga kita eh. Parang wala ka namang alam tungkol sakin." medyo nagdadrama kong tanong kay Wesley..

Haha! Para akong bakla na nagtatampo sa bestfriend niya.. :D

"Yuck pare. Halika na nga sa classroom baka mamaya halayin mo pa ako dito." sagot naman ni Wesley na parang nandidiri.

Sa gwapo kong to? Ako pa ang manghahalay sa kanya?!

"Ulol. Baka mamaya diyan, ikaw pa ang manghalay sakin eh." sabi sabay smirk kay Wesley.

Di na ko pinansin ni Wesley at papatayo na sana ng biglang bumukas ang pinto at pumasok yung dalawang bugok.

Mga kaibigan din namin yang dalawang yan. Si Ethan ang pinakamakulit saming apat at si Jonathan na pinaka malakas saming lahat dahil galing sa angkan ng mga mafia.

"Nandito lang pala kayong dalawa. Tara na sa classroom at malapit na mag-time!" masiglang sabi ni Ethan at tumakbo na palabas ng office na sinundan naman ni Jonathan.

Tumayo na din kami ni Wesley at lumabas.

Hindi pa nakakalayo yung dalawa nang makalabas kami ni Wesley kaya naman kasabay namin sila sa paglalakad.

Habang naglalakad nakatingin lang samin ang mga estudyante especially girls...

Ang gwapo ko talaga! *insert smirk here*

Nasa hallwayma kami nang may makita kaming babae na naglalakad na para bang may hinahanap.

Napalingon siya samin at ngumiti. Teka, ako ba nginingitian niya?

Lakas talaga ng charms ko haha!

Naglakad ng yung babae palapit samin. Ang ganda niya.

Simple lang ang pananamit niya pero nagmukha parin siyang sexy. Shoulder length na buhok, tantalizing eyes, white and flawless skin, and her kissable lips makes her more beautiful in my eyes..

Aish! ano ba tong pinagsasabi ko?!

"Wesley!" tawag nung babae kay Wesley nung medyo malapit na siya samin.

T-teka! Akala ko naman sakin siya nakatingin. Kay Wesley pala!

Si Wesley naman sobrang lapad. Tsk. okay lang! Hindi ko type yung babae no.

"Aya!" sabi naman ni Wesley habang kinakaway yung right hand niya.

Yumakap agad kay Wesley yung babae nang makalapit kay Wesley.

"I miss you so much!" agad na sabi nung babae nang kumalas siya kay Weslexm sa pagkakayakap.

Yung mga estudyante nakatingin na parang nagtatanong kung anong nangyayari.

Kaming tatlo? ayun nganga!

Seriously?! What's going on?

"I thought you're not coming?" amused na sagot naman ni Wesley.

"Well, something happened to states last week so I decided to come." parang nalungkot siya bigla habang nagsasalita.

"Teka nga! Magkaano-ano ba kayo?" sabat ni Ethan.

Ayan di rin nakatiis ang loko!

----------

Votes and comments please... :) :* :)

When She Met a JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon