8• Her Debut

164 11 0
                                    

Eight.

-----

Joy.

"Your first MV with Yeri will be release at 11pm. I'm excited, ladies." sabi ni Manager-nim sa amin.

Nandito kami ngayon sa lobby ng SMEnt. Katatapos lang rehearsals namin at bukas ng hapon ipeperform na namin ang comeback song namin na kasama si Yeri.

"Excited na ko." sabi ni Wendy unnie.

"I know." nakangiting sabi ni Irene unnie.

"Kinakabahan ako unnies." saad ni Yeri at napakagat pa sa labi niya.

Ang cute tuloy niya.

Hinawakan ko ang isang kamay niya kase magkatabi kame ngayon. Nanlalamig nga yon, seryoso kinakabahan nga talaga siya.

"Tandaan mo, ano man ang maging reaksyon ng mga fans sa pagdedebut mo andito lang kame sa tabi mo." seryosong sabi ko bago siya ngitian.

"Wow, bati na. Naks." pang aasar ni Seulgi unnie.

"Walang may pake sayo, unnie. Ikaw kase insensitive." pang aasar ko din.

Nilingon ko naman si Irene unnie na busy sa pakikipagkwentuhan kay Wendy unnie kawawang beaaar.

"Girls, balik na ng dorm. Kailangan niyo ng magpahinga." saad ni Manager-nim. Kaya sumunod nalang kame at lumabas na ng building tsaka sumakay sa van namin.

Nagbiyahe kame ng nagbabatuhan ang asaran yung tatlo kame naman ni Yeri may kanya kanyang kumento sa kawalangyaan ng tatlo naming unnies.

"Madaya! Oy, nagkamali ka sa dance practice kanina kala mo di ko halata eh." akusa ni Seulgi unnie kay Wendy unnie.

"Oo nga naman. True. Gago mo yabang mo kanina sabi mo master mo na." gatong pa ni Irene unnie.

"Nobody's perfect naman. Mga walangyang 'to." pairap na sabi ni Wendy unnie.

"Ang yabang kanina ngayon siya naman ang talo." pang aasar ni Yeri sa kanya.

"Hoy mga gago kayo. Tigilan niyo nga ko! Sooyoung oh inaaway ako!" sumbong niya sa akin pero napailing nalang ako.

"Inumpisahan mo, bahala ka sa buhay mo oy!" pambabara ko. Kaya ayun yung tatlong loko rin ayan ngiting wagi.

Habang nasa biyahe kala mo naman mga baliw. Ang kukulit namin, sadyang ganito na talaga mula nung una pero di ko inasahang pati narin si Yeri makakasabay sa ganyang kalokohan.

Sa bilis ng oras nairelease na ang MV namin. Umabot narin ng million views kaya masayang masaya kame.

Nandito kame ngayon sa studio, ngayon ang comeback performance namin.

Unang pagtungtong namin sa stage na lima kame.

Nakita ko si Yeri na nananahimik, hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamay at nginitian siya.

"Wag kang kabahan. Kaya mo yan, kahit na anong mangyare nandito lang kami nila unnie sa likuran mo. Red Velvet tayo and we got no chill. Andito lang ako para sayo." pagpapagaan ko ng loob niya.

"Thank you unnie." she took a deep sigh. "Gagawin ko ang best ko, para sa inyo." pilit siyang ngumiti at yumakap sa akin.

Ilang sandali ang lumipas tuluyan na kaming tinawag sa entablado.

Naramdaman ko ang suporta ng mga fans sa fanchants nila.

Habang nagpeperform kame napifeel ko yung happiness kase kahit na nag uumpisa palang kame marami ng nakasuporta sa amin.

Sa tuwing linya na ni Yeri di ko maiwasang mapalingon sa kanya. She's so adorable, her charms really got me.

She did great hindi halatang stage debut palang niya.

Naramdaman ko nadin ang warm welcome sa kanya ng mga fans.

Kagabi palang sa release ng MV namin andaming possitive comments pero syempre di padin maiiwasang mabash siya.

Pero hindi ko hinahayaang makita niya yun, kase ayoko na makaramdam siya ng doubt sa performances niya.

Sa galing ng ipinamalas niya habang nagpeperform kame naisip ko kinabahan ba talaga siya?

Kinakabahan pa siya nun? Paano kaya kapag hindi na siya kabado.

After naming magperform, pinakilala ni Wendy unnie si Yeri bilang bago naming member.

Fans are cheering na para bang tanggap na tanggap nila si Yeri.

Pag alis namin sa stage, pagtungtong ko palang sa mismong flat form ng back stage bigla akong sinugod ng yakap ni Yeri.

"Thank you, thank you because of you I made it." masayang sabi niya.

"Yes, you did great. I'm so much proud of you. Welcome to the family, Maknae."

---

When You Came|JoyRiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon