3•Tease

190 13 14
                                    

Three.

-----

Wendy.

Oh ano kayo dyan?! Haha. Wala pa ngang PoV si Yeri may PoV na agad ako. Ganyan talaga kapag maganda.

Maganda? Pwe. Tatanda namang dalaga.

Shut up!

Oh so I was saying napakaano eh. Napakaano ni Joy.

Ang kulit kulit niya, ang init ata talaga ng dugo kay Yeri.

"Oy, Wenderp unnie!" halos malaglag ako sa pagkakaupo sa sofa ng gulatin ako ng kapreng 'to.

"Sooyoung naman. Walangya ka talaga!" bulyaw ko sa kanya.

"Chill. Haha. Tarling nang boses. Anong bang iniisip mo loka?" nang aasar na sabi niya. Tanginang Sooyoung, napakademonyo talaga.

"Siraulo. Iniisip ko lang kung kamusta kayo ni Yeri?" great ang galing ko naisingit ko yun.

"Ewan ko sayo unnie. Anong kamusta ka dyan?! Ayoko padin siya aish." ay napakadefensive.

"Wew. Defensive. Samantalang gumawa ka nga ng eksena nung isang araw na nasa grocery kayo!" asar ko sa kanya.

Natatawa ako up until now. Nakuhanan at nakita pala silang dalawa ng mga fans nasermonan pa nga si Sooyoung dahil may nagleak na ng information na magdedebut na si Yeri sa next comeback namin.

Kaya lalong nag init ang dugo kay Yeri nacombo kay Manager-nim. Abswelto si Yeri dun syempre kase bago lang siya sa ganitong estado.

"Nakooooo! Wag mo ng ipaalala unnie!" nagdadabog na sabi niya. Tignan mo 'to para talagang bata.

"Seungwan, Sooyoung come on! We're going to be late!" Irene unnie blurted out. Kaya lang naman ako makatunganga sa may sofa dahil hinihintay ko silang mag ayos.

May shoot kase kami ngayon para sa MV namin sa darating na comeback namin with Yeri syempre.

"Ikaw pang nagsabing malelate tayo ah?! Wow naman unnie kayo nalang kaya ni Kkangseulbear mo ang hinihintay." pang aasar ni Sooyoung. Demonyitang batang 'to.

"Whatever Park Sooyoung. Tara na nga. San si Yeri?" pairap na sabi ng gurang na leader namin. Hard ko ba? Sorry na.

Bungangera yang si Joohyun unnie pero idol ko yan kase pati si Seulgi titiklop sa kidleader na yan.

"Nasa van na. Kanina pa yun dun." edi si Sooyoung na lahat ang nasagot. Prenteng nakasandal sa may pintuan with matching nakapamulsa pa yan.

"Tara na oyy. Joy unnie ang panget mo!" nagulat ako ng biglang sumulpot na parang kabute si Yeri sa tabi ni Joy.

Wow. Grabe 'tong si Yeri parang di naman sila nag away ni Sooyoung nung isang araw ah.

"Panget?! Itong mukhang 'to?! Ikaw ang panget dyan noh. Sa ganda kong 'to." over acting na sabi ni Sooyoung.

"Anong panget?! Cute cute ko kayaaaa!" nakakalokong sabi ni Yeri.

Sabi ko na eh. Mala-Joy ugali neto mas matindi nga lang siya. Grabe eh.

"Ano yan? Mag aaway nalang kayo? Mga demonyong batang 'to." masungit pero nakakaasar na sabi ni Seulgi. Walangyang bear 'to.

"Tara na. Kanina pa kayo nagyayaya di na tayo nakaalis ah." sermon ko sa kanila.

"Joy unnie, ang kapre mo. MUKHA KANG KAPRE!" aba parang walang narinig si Yeri eh.

"Eh ikaw? Ano?! Tyanak? Pandak kasi." bwelta ni Sooyoung. Ayan dyan sila magaling, usapang height. Aish.

Habang naglalakad kami papuntang van nagrarambulan sila.

Yung totoo, grabe sabi ko na eh. May makakatapat na si Joy sa mga kalokohan niya.

"Hindi niyo naman ako tuluyang ininform na magiging dalawa yung evil maknaes natin sa bahay." naiiling na sabi ni Joohyun unnie habang nakatanaw sa dalawang nag aaway.

"Paano pa kaya ang ilang taon ng buhay ko kung ganyan 'tong mga batang 'to." napafacepalm na sabi ni Seulgi.

"Goodluck sa eardrums natin pagsakay natin ng van." I warned dahil yung dalawa patuloy parin sa rambulan.

----

When You Came|JoyRiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon