14 • Don't

158 9 3
                                    

Fourteen.

------

Joy.

Ewan ko kung bakit nakakaramdam ako ng inis sa nakita ko sa lobby kanina.

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis kapag nakikita ko si Yeri na sweet sa iba.

Siguro nasanay lang ako na sa akin niya lang ginagawa yun.

Ang selfish ko ba? Pero nagpapaka-honest lang ako sa totoo lang.

It's not a familiar feeling to me, hindi ko rin alam kung ano 'tong nararamdaman ko medyo magulo.

Hindi ako dumiretso sa dance studio dahil sure akong aakyat sila dun.

Sa rooftop ako ng Ent. Building tumuloy.

Tuluyan na nga kong na-attach kay Yeri.

We've been close friends and all I want is to take care of her.

Naiisip ko nga minsan responsibilidad ko pa ba yun?

Kailangan ko pa bang manatali sa tabi to the point na gusto ko sa akin lang ang atensyon niya?

It's really weird and I need to find it out.

Pero natatakot akong malaman ang katotohanan. Natatakot akong harapin maaring maging posibilidad ng lahat.

"Unnie." biglang sabi ng isang tao sa likuran ko.

Boses palang oo kilala ko na.

"Bakit?" hindi ko na siya nilingon, tinanaw ko lang ang tanawin dito mula sa rooftop.

"Galit ka?" nahihiyang sabi niya.

"Hindi. Bakit ako magagalit?" tanong ko pero nakatalikod padin ako sa kanya.

"Kase kanina? Dun sa sinagot sayo ni Saeron." sagot niya.

"Wala namang masama sa sinabi niya ah." bitter na saad ko.

"Bat di ka humaharap dito?" dama ko sa boses niya ang lungkot at pagkadismaya.

"Bumaba kana dun. Alam ko gutom kana. Hayaan mo lang ako dito, magpapahangin lang ako." plain na saad ko.

"Unnie naman." sabi niya at nagulat pa ko ng yakapin niya ko mula sa likuran. "Nagseselos ka ba?" nahihiyang bulong niya.

Dahil sa kanya nanlambot ako, ano ba yan? Bakit ba ang bilis kabog ng puso ko. Tangina, kapag narinig niya yan.

"Why would I? Ako ba girlfriend?" sagot ko.

"Hindi ko naman siya girlfriend eh." sagot niya naman habang nakayakap padin mula sa likuran ko.

Hindi ako makapagsalita, bolta boltaheng kuryente mula sa kanya ang dumadaloy sa katauhan ko.

"Unnie, tell me why are you acting like this?" bulong niya.

Lalo akong nagmemelt sa pinaggagagawa netong si Yerim sa akin.

Napatiimbagang ako, tsaka bumuntong hininga hanggang sa magpasyang harapin siya.

"I dunno, pero kapag may ibang nagpapangiti sayo naiinis ko. Kapag may humahawak sayo at hindi ako gusto kitang hilain. It's strange feels, Yerim. And I just can't do anything stop it." mahabang sabi ko sa kanya.

Nakita ko namang sumilay ang mga ngiti sa labi niya.

"Nagseselos ka nga?" napakagat pa siya sa labi niya ng wala sa oras.

"Oo! Nagseselos ako." deretsong sagot ko.

"Wala naman kasing dapat ikaselos. Wag kang mag alala lahat ng ginagawa natin sa isa't isa hindi ko hahayaang gawin ng iba. You're my favorite, you're my enemy and my ideal girl." her smiles, what the hell hindi ko alam pero it feels like seeing a miracle infront of me. She really looks like an angel. Even tho she's an evil maknae of our group.

"Talaga ba? Totoo ba yan?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Oo unnie, totoo yun. Kaya ikaw iwasan mong nagtatampo, panget mo." pang aasar niya tsaka kinurot ang pisngi ko.

"Don't make me feel jealous again." monotone na sabi ko. "Don't let me fall for you if you don't have the plan to catch me." ewan ko asan ang lakas ng loob ko ng masabi ko yun.

Pero hindi sumagot si Yerim kundi niyakap nalang niya ko ng sobrang higpit.

-----

When You Came|JoyRiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon