Part 4: "Anong sekreto mo?"

2 0 0
                                    

"Fraya! Good morning!"

Nahagis niya ang hose ng tubig sa biglaang pagtawag sa kanya. At hindi na niya kailangang tignan kung sino iyon para malaman kung ang nang-abala sa tahimik na pagdidilig niya ng halaman. Mukhang maaga din itong nakarma dahil sa lalaki niya rin nahagis ang hose.

"Mamaya pa ako maliligo, huwag mo akong basain." Gamit ang kamay, pinunasan ni Jules ang mukha nitong nabasa ng tubig.

"Bakit nandiyan ka? Ang aga aga, naninira ka ng araw." Pinulot niya ang hose.

Lumapit ito sa kanya. "Magkalapit lang ang bahay natin pero parang ang layo layo mo."

Winisikan niya pa ito ng tubig. Natawa siya sa inis na nakita sa mukha nito.

"Ano ba?"

"Umuwi ka na sa inyo. Doon ka mangulit sa bahay ninyo."

Tinuro nito ang katapat na bahay. "Diyan nga ako nakatira ngayon. Mas malapit kasi ito sa bagong opisina namin kaya dito muna ako nakituloy. Sa susunod na araw, aalis din ako."

"Mabuti."

"Ang sama mo sa akin."

"Hindi ka kasi matino. Alien ka kasi."

Natawa ito imbis na sumagot at barahin siya. "I'll ask ate Weng if I can stay for another week. Para mainis ka."

"Hindi siya papayag," siguradong sagot niya.

"Close kami kaya papayag siya."

Napasimangot siya. Iniwan siya nito at naglakad pauwi sa bahay ng dati nitong hipag. Hindi pa ito nakalalayo kaya binasa niya uli ito gamit ang hose ng tubig.

"Hey!" salubong ang mga kilay nitong lumingon sa kanya. Tuluyan na itong nabasa ng tubig. Basang basa na ang suot nitong t-shirt. Dahil doon naaninag niya ang maliit na tiyan at abs nito.

'Shit. Pang beach hunk.' Sa pagkakataon na ito, hindi niya sinadya na tuluyan itong paliguan ng tubig.

"Fraya, stop it."

Nagising siya sa sigaw nitong inis na inis. "Mas maiinis ka kung magtatagal kang maging kapitbahay ko!" tinalikuran niya ito at pumasok na sa bahay nila.

"Guwapo na, macho pa." napailing siya. "May tililing naman." Napabuga siya ng hangin, "'Di bale na lang."




Bukod sa hilig sa mga halaman, aspiring painter din si Fraya. Kung saan-saan niya ginagamit ang paint brush at ang pintura. Kadalasan, binibigyan niya muli ng buhay ang lumang sneakers, shirt at bag niya sa pamamagitan ng pagguhit doon. Minsan sa totoong canvass siya nagpipinta at isinabit niya sa dingding ng bahay nila.

Ngayon, naisip niyang gawin nang sabay ang pagpinta at ang pag-ayos ng mga bulaklak. She painted a bouquet of red and pink roses placed in front of a beach.

Napahinto siya sa ginagawa nang tumunog ang doorbell. Nasa garden siya kaya madali niyang nakita kung sino ang naghihintay sa labas.

Pinagbuksan niya ng gate si Rowena. Mayroon itong dalang mangkok na takip.

"Naparami ang luto ko ng adobong manok kaya nagdala na ako dito."

Binuksan nito ang dala nitong lalagyan. Naamoy niya ang natural na amoy ng tuyo at suka na naghalo sa niluto nito. "Tamang tama para hindi na ako magluluto."

Sumilip siya sa labas. "Umuwi na ba si Jules matapos ang tatlong araw?"

Tumango ito. Pumasok sila sa kusina ng bahay. "May project siya ngayon kaya kailangan niyang mas madalas na manatili sa opisina. Ganoon iyon si Jules, minsan sa opisina na nakatira kapag may importanteng kliyente. Nabanggit niya bang media illustrator siya sa isang malaking advertising company?"

heart + arrow = loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon