Part 5

2 0 0
                                    

Kinagulat ni Jules ang pahayag na iyon ni Fraya. Hindi niya alam kung paano napasok sa isip nito ang ideya na iyon.

"Ayaw mong mapunta si ate Rowena kay kuya Landon kasi gusto mo siya para sa sarili mo." Labis labis ang pagkakunot ng noo nito. Hindi ito makapaniwala sa ideyang nabuo nito sa isip.

"Wala ka na bang maisip na ibang dahilan maliban diyan?" tanong niya dito.

Umiling ito.

Napangiti siya. "Hindi para sa akin, kundi para sa iba si ate."

Tumayo ito. "Ewan ko. Laging palihis ang sagot mo sa mga tanong ko."

Nagsimula na itong maglakad palayo. Maayos naman niyang pinaliwanag, anong magulo doon?

"Did you understand what I said?"

Nagpatuloy itong tumakbo. " Wala akong pakialam kung anong plano mo. May sarili akong plano. Kung totoo ang lahat ng sinabi mo, bahala ka. Basta ako, gusto kong sumaya ang mga tao sa paligid ko."

Napangiti siya. Kakaiba si Fraya sa ibang babae na nakilala niya. Maaalalahanin ito, mabait at mapagmahal. Matapang ito pero nasa lugar. Lagi siya nitong binabara pero imbis na mainis, natatawa pa siya.

"Kung ganoon, paghusayan mo para maging masaya tayo."

"Ewan! Magpatingin ka na sa mekaniko, lumuwag na ang turnilo sa kaliwang parte ng utak mo."

Napangiti siya."Saan ka pupunta?" Nagpatuloy siya sa pagsunod kay Fraya. "Are you done with your regular exercise?"

"Maagang natapos dahil dumating ka."

Tuluyan na siyang sumabay sa mabilis nitong paglakad. "Do want to know another secret?"

Imismid ito. "Ayuko."

"Bakit? Masaya malaman ang sekreto ng iba."

"'Di bale na."

"Alam mo kasi.."

Mabilis itong tumakbo. "Ang daldal mo para kang babaeng tsismosa sa kanto."

Sinabayan niya ang pagtakbo nito. "Tungkol sa akin ang sasabihin ko kaya hindi tsismis ang tawag d'on."

"Ewan ko sa'yo."

"Wala akong girlfriend... okay, you heard another secret."

Nagbuga ito ng hangin. "Sekreto iyon? Ang babaw ng sekreto mo."

Natawa siya. "Dissapointed? You wanna hear another one? Yung malalim na sekreto?"

Isa pang ismid ang ibinigay nito sa kanya. "Umuwi ka na nga sa inyo. Nanggugulo ka."

Umiling siya. "Dito lang ako."

Sumigaw ito sa inis na kinalakas ng pagtawa niya. Nagpatuloy siya sa pagsunod dito hanggang makarating sila sa bahay nito.



Panay ang busangot ng mukha ni Fraya sa bawat pagsunod ni Jules. Pipigilan daw siya sa plano niya? 'Anong palabas ito? Matchmaker's enemy?' Isa iyong pelikula tungkol sa kaibigang pumipigil sa mga plano ng matchmaker sa lugar na puro single ang nakatira.

'May sayad talaga ang lalaki na 'to.' Pabalik na siya ng bahay nang makita si ate Rowena. Nasa sariling bakuran ito at abala sa lesson plan na ginagawa.

"Sumalo ka na sa almusal ko, Fraya."

"Salamat na lang. Magtatampo si Luke kapag hindi ko siya sinamahan sa agahan."

"Sweet naman," nakangiting sagot nito.

"Arte kamo."

Natawa ito sa sinabi niya.

"Ate Weng, lagi kang may ginagawa," singit ng lalaki na kanina pa sunod ng sunod sa kanya.

"Magkasama kayo?"

Umiling siya. "Nakikisabit lang si Jules."

"Sabit lang daw ako," tuluyan na itong lumapit sa kanya.

"Cute ninyong tingnan na dalawa. Bagay kayo."

Sarkastiko siyang natawa. "Maganda iyan,joke every morning keeps negative vibes away."

Lumapit pa lalo sa kanya si Jules. Maasim siyang ngumiti dito.

"Naalala ko, imbitahin sana kita sa dinner namin sa sabado. Tayo tayo lang naman, magluluto kasi ako dahil sa magaling na pagsayaw ni Luke noong Buwan ng Wika." Tuwang tuwa siyang pinanood ang pamangkin habang sumasayaw ito ng cariñosa.

Tumango si ate Rowena. "Sige."

"Ate Weng, iyong sinabi sa'yo ni mommy na dinner last week?"

Tumango ang kausap nito.

"Sa saturday na pala. Iyon din ang isa sa dahilan ng pagpunta ko dito bukod sa pagsama kay Fraya."

Nahihiyang tumingin sa kanya si ate Rowena. "I'm so sorry, Fraya. Nakapangako na kasi ako kay mommy Luz sa dinner na iyon. Bawi na lang ako next time?"

Tumango siya, "Ayos lang. Nauna na pala si Jules." Tumingin siya sa direksyon ng lalaki. Tila nanalo na ngumiti ito. Nakakainis, nakakaloko na ngiti iyon.

Kumunot ang noo niya. Sinadya talaga nito na suplahin ang imbitasyon niya? Mukha ngang totoo ang sinabi nito sa pagiging balakid sa plano niya.

Hindi siya naniwala nang una nitong sabihin ang bagay na iyon. Pero sa mga sandaling iyon, nagdalawang isip siya. Totoo nga yata.

Napakamot siya sa ulo. Nagpaalam siya sa dalawa, kalaunan. Maghahanda pa siya ng baon ni Luke.

'Sure na rin siya, baliw si Jules.'    


heart + arrow = loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon