Naging mainit ang pagtanggap ng mga suki ni Fraya sa dinagdag na feature sa bulaklak na binibenta nito. Dahilan ng palagiang pagpunta ni Jules sa shop.
Kalaunan, sa computer ng Spring Buds niya na ginawa ang mga anime portrait imbis na ginuguhit gamit ang lapis. Si Nikki na lang ang nag-iimprinta nito pagkatapos. Minsan naman kung abala siya sa trabaho at hindi na makapunta sa shop, nagpapalitan na lang sila ng mga larawan. Pinadala ni Fraya ang actual pictures sa pamamagitan ng email at pinadala niya ang chibi anime portrait sa parehong paraan. Kahit minsan, hindi na siya natutulog, pinagpatuloy niya ang pagtulong sa dalaga.
Noong una, katuwaan lamang ang sinabi niyang may gusto siya kay Fraya para makapagpatuloy na mabantayan ang ate Rowena niya. Hindi nagtagal, nasanay siya sa presensya nito at nagustuhan niya ang saya kapag kasama ito.
Nadatnan niyang sinasara ni Nikki ang shop, isang gabing pumunta siya doon. Nasa loob pa daw ang kasosyo nito at nagpapahinga. May lakad daw si Nikki at ang nobyo nito kaya nagmamadali itong umalis. Nagprisinta siyang magsara ng Spring Buds para makaalis na ito.
Nadatnan niya si Fraya na nakaupong natutulog. Mahimbing itong nagpapahinga. Hinayaan niya ang sarili na pagsawain na pagmasdan ito. Maamo ang mukha nito. Maliit ang mukha, manipis ang mga labi, at katamtamang tangos ng ilong. She was a petite woman with a strong personality.
Halatang pagod na pagod ito at kailangan ng pahinga. Umupo siya sa tabi nito habang tahimik na nakamasid dito.
Tumuwid ito sa pagkakaupo nang makita siya. Naalimpungatang tumingin ito sa paligid.
"You were still on earth. Sa pilipinas at nasa shop mo."
"Pero bakit alien ka mag-isip?"
Hindi siya nagkomento. Hinayaan niya lang itong tumawa sa biro nito. Para itong bata na nakakita ng pagtatawanang kalaro.
"Seryuso ka ngayon, nakakailang." May kinuha ito sa drawer at iniabot ang isang sobre sa kanya."Suweldo mo."
Umiling siya. "Just go on a date with me. Hindi mo na ako kailangang bayaran."
Kumunot ang noo nito.
"Please?" Ito ang unang beses na nakiusap siya sa isang babae para sumama sa kanya na makipag-date. Wala siyang girlfriend pero nakikipag-date siya.
Matagal nitong tinantiya ang sinabi niya bago nagsalita. "Bukas ng gabi, libre ka?"
"Para sa'yo libre ako."
"Sweet mo naman." Bumalik ang sarkastikong tinig nito.
Natawa na lang siya dito. "When I said, I like you, it's true. It means I like you. No joke and no game."
Nanahimik ito bigla. Napangiti siya dahil nagsisimula na siyang magkaroon ng epekto dito. Itutuloy niya ang ginagawa para magustuhan siya nito ng tuluyan.
Tumayo si Fraya at nag-ayos ng mesa. Tila may nakatulugan itong gawain. "Nakaalis na si Nikki?"
"Kanina pa."
"Ikaw ang nagsara ng shop?" Hindi makapaniwala ito sa ideyang siya ang nagsara ng shop nito.
Tumango siya. "Simple lang isara ang shop mo. I will do everything, just for you."
Tumigil ito sa pagliligpit ng mga papel. "Kung pasayawin kaya kita?"
Natawa siya. Nakikipagbiruan ito sa kanya. Mukhang kampante na itong kasama siya. Lumawak lalo ang ngiti niya. "Anong klaseng sayaw ang gusto mo?"
Nag-isip ito. "Cha cha?"
Tumayo siya at nagsimulang sumayaw. Kahit hindi siya marunong magsayaw ng cha cha na tanging mommy niya lang ang may alam sa bahay nila, ginawa niya. Malakas ang halakhak ni Fraya habang pinapanood siya. Masarap sa pandinig ang tawa nito, 'yung klase ng tawa na hindi nakakairita sa tinis ng boses.
"Samahan mo ako sa pagsayaw. Wala na ngang tugtog, wala pang kapareha?"
Umiling ito habang hawak ang tiyan. She looked adorable like a child, full of energy and passion.
"Hindi ako marunong sumayaw."
"Ako rin. Turuan natin ang isa't isa." Nilapitan niya ito. Kinuha niya ang kamay nito at pinaikot.
Mayamaya, sumabay na rin ito sa pagsasayaw niya. Napuno ng halakhakan ang flower shop nito. Hiniling niya na sana hindi matapos ang oras. Ramdam niya sa sarili kung gaano siya pinapasaya ni Fraya.
Kung ito ang unang beses na mararamdam niya ang tunay na pagmamahal para sa isang babae ikatutuwa niya.
Hinawakan niya ang baywang nito. Mayamaya, hindi na cha cha ang sayaw nila. Isa na iyong sayaw na tila sabay sa mabagal na andayog ng musika. Ang klase ng musika na tanging sila lang ang nakaririnig.
"Mas magaling ka sa slow dance kaysa sa cha cha," puna ni Fraya sa gitna ng pagsayaw nila.
"Mas forte ko nga ito."
"Ilang babae na ang naisayaw mo ng ganito?"
"Ikaw pa lang."
Nanunubok ang tingin nito sa sagot niya.
"Ikaw lang ang nakasayaw ko ng walang tugtog. It was like magic to dance without music yet we felt the beat of our hearts."
Yumuko ito at nagpatuloy lang sa pagsayaw.
Mayamaya tumingin ito sa mga mata niya. "Palaging marami kang sinasabi. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko lahat."
"Hindi ako sinungaling."
Tumitig ito sa kanya at tila may ibabatong mga salita.
"Marami kang beses na nagsinungaling." Pinakita nito ang daliri, tanda ng pagbilang. "Una, nung sinabi mo na nagkataon ang lahat ng pagmamasid mo sa amin sa gallery at sa restaurant.Pangalawa.."
Nag-isip pa ito nang nagsalita siya. Itinaas niya rin ang isang kamay at ginaya ang pagbilang nito. "Una, nagkataon lang talaga ang lahat ng iyon. Sa gallery, may nag-imbita sa akin ng araw na iyon kaya nandoon ako. Nagkataon lang na nakita ko si ate Rowena kaya sinundan ko kayo sa restaurant—"
"Ibig sabihin, hindi nagkaton iyong sa restaurant."
Tumango siya. "Sige, aaminin ko na. Pero hindi naman ako mapupunta doon kung hindi nagkataon na nakita ko kayo sa gallery—"
"Hep! One point of a liar ka na."
"Okay, I admitted it." Hindi nito palalagpasin ang palusot niya. Bakit pa siya magtatago?
"Noong sinabi mo na gusto mo ako para makasama ka sa mga lakad namin, ipaliwanag mo iyon."
Napakagat siya sa labi. "I lied at first but that was it, only at first."
Nagtaas ito ng kilay. Pilit kumalas ito sa kanya pero hindi niya pinayagan. "Makinig ka muna bago ka bumitiw." Tumingin siya sa mga mata nito. "Pero matapos kong makilala ka, naging totoo na. Maniwala ka, gusto na talaga kita. At tulad ng sinabi ko kanina, totoo na ito."
"I started to like you when I realized how beautiful person you are, Fraya. I lied few times and I'm sorry. But this time, please believe me, it was real."
BINABASA MO ANG
heart + arrow = love
RomantikHindi siya kasapi sa matchmaker's club pero magpapakamiyembro si Fraya nito para sa kapatid na si Landon. Ayos na sana ang plano niyang matchmaking kung hindi dumating ang asungot na Jules na 'yun. Ano man ang plano nitong sirain ang binubuo niyang...