"Masayang masaya ang bata. Anong meron?" bungad ni Fraya isang umaga. Nag-aalmusal ang mag-ama sa kusina. Umindak at pumalakpak si Luke na inabutan niya.
"Kumakain ka. Masyado kang malikot, Luke," puna ng kuya Landon niya.
"Tita Fraya, sasama kami ni daddy sa field trip," balita sa kanya ng pamangkin.
Umupo siya sa silya. "Wow, pupunta ka talaga kuya?" Kumuha siya ng sinangag. "Hindi ka na pumunta sa mga field trip mula nang nasaktan ka dati, 'di ba?" Kinagat ang daliri nito ng unggoy sa Manila Zoo nang walong taong gulang pa lang ito. Kailanman, hindi na ito sumama sa field trip."Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, nakakapagpabago ng isip."
Napailing na lang ang kuya niya sa narinig.
"Pwedeng sumama?" tanong niya. Uminom siya ng mainit na tsokolate.
"Yey, sasama si tita."
Kunsumindong tumingin sa kanya ang kapatid. "Wala kang trabaho? Baka hindi na pumayag si Nikki sa extension ng bakasyon mo?"
"Siya nga ang nagpapabakasyon sa akin." Ngumuya siya."Mukha ba talaga akong stress?"
Tumango ito.
"Hello! Wala akong chronic fatigue syndrome." Tumingin siya sa salamin malapit sa dining table. "Nasaan ang stress?"
Pinaikot ng kapatid kunwari ang daliri sa ilalim ng mata niya.
"Edi mas maganda kung sasama ako."
"Makikiusiyoso ka lang uli sa amin."
Patay malisyang tumingin siya dito. "You should be grateful. Tinutulungan kita."
"Thank you, then."
Pinandilatan niya ito."Labas sa ilong."
"Totoong nagpapasalamat ako." Seryuso ang boses nito.
Nginitian niya ito. "Malakas ka sa akin." Kumukha siya ng itlog. "Si Jules nakita mo?"
"Saan?"
Umiling siya. Gusto niya munang alamin kung anong dahilan ng pagsunod sunod ng lalaki bago niya ipaalam sa kapatid ang ginagawa nito.
"Nagkamali ako. Akala ko si Jules iyong nakita ko sa mall."
"Pasok na ako." Tumayo ito. "Magpakabait kay tita, Luke," bilin nito sa anak.
"Yes, po."
Nagpatuloy sa pagkain ang pamangkin.
"Tanong mo kay teacher bukas sa school kung puwedeng sumama si tita."
"Okay po."
Sumubo siya ng piniritong itlog. "Anong tingin mo kay kuya Jules? Hindi ba siya wierd?"
Cute na cute siya sa expression nitong nagpapalubo ng pisngi tuwing nag-isip ito. "Mabait po siya. Binigyan niya kami ng biscuit kahapon."
"Nagpunta siya ng school? O lagi siya doon?"
"Minsan po nagpunta. Minsan po, hindi."
"Ang ibig sabihin, nagpupunta siya doon?"
Tinapos nito ang kinakain bago tumango.
"Anong ginagawa niya? May binibisita siya o may kapatid siyang nag-aaral doon?"
"Wala po."
Tumango tango siya. "That's wierder."
"Super excited ang bata," puna ni Fraya kay Luke habang nasa biyahe sila. Ito ang araw ng field trip nito. Pumayag ang paaralan na dalawa ang kasama ni Luke para mas mabantayan ito. Malikot ang pamangkin at kadalasan ay kung saan saan pumupunta.
BINABASA MO ANG
heart + arrow = love
RomanceHindi siya kasapi sa matchmaker's club pero magpapakamiyembro si Fraya nito para sa kapatid na si Landon. Ayos na sana ang plano niyang matchmaking kung hindi dumating ang asungot na Jules na 'yun. Ano man ang plano nitong sirain ang binubuo niyang...