Chapter 8.2

497 10 0
                                    

"EHEM."

Nanggaling yun sa pintuan.

Sabay naming tiningnan yun ni Matt at nakita si tulo-laway-kaninang-nurse.

HAHAHA. Ang sama ko talaga.

"Bawal po yan dito."  sabi niya.

Agad naman akong natauhan at umalis agad sa posisyon namin.

Tumayo si Mattew at nagsimulang maglakad patungo sa pintuan.

Nilagpasan lang niya yung nurse.

"Te-teka. Dapat ka muna magpagaling!."  sigaw nung nurse.

"Wag mo nga akong pakialaman ! Di naman kita kilala. Andami na talagang kumakalat ng pakialamera dito sa mundo no? Wag mo na akong kausapin uli. Kundi...makakatikim ka."  

sabay talikod.

 Grabe naman mang-banta tong lalaking to.

Yung mukha nung nurse...

NGA-NGA.

Hahaha.

"Ah-pasensya na po."  yun nalang sinabi ko sa kanya at lumabas na rin.

                                                                              * * * *

"Dapat di mo ginaganun ang mga ibang tao..."    sabi ko kay Matt habang naglalakad.

"Alam mo, dapat, di naman kita kinakausap. Ikaw kasi yung dikit ng dikit na parang kung sinong kaibigan ko. Kaya mas mabuti kung wag mo na akong kausapin. In the first place nga rin naman, AYOKO sayo. "

"Ang sakit mo naman magsalita ! Bakit ka ba ganyan ha ! Ganyan ba talaga ang pagpapalaki ng mga taong nasa paligid at mga nag-aalaga sayo??! Ha?!! Ang sama mo  !! Walang respeto!!"

Gosh? Di ko inaasahang lalabas yun sa bibig ko !

Patay na !! Mukhang galit ata siy-

"WAG NA WAG MO AKONG HUHUSGAHAN DAHIL WALA KANG ALAM !! ISTORBO KA SA BUHAY KO EH !! DAMN IT !! "

Tapos tumakbo siya paalis.

At ako??

Naiwang nakatayo dun.

Na parang binagsakan ng mga malalaking bato.

Ang sakit.

Ang sakit ng mga sinabi niya.

Pero, totoo naman yun.

Wala akong alam tungkol sa buhay niya.

Di dapat ako nanghihimasok.

Ako ang may kasalanan.

My Four-Word Love Story : A One Sided Love ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon