Chapter 9

498 10 6
                                    

"Layuan mo si Matt. "

Napalingon naman ako sa nagsabi nun.

Si Amber.

"H-ha??"

"Ang sabi ko, layuan mo siya. Akala mo bang di ko nakikita at nalalaman ang mga nangyayari sa inyo??"

"Amber...wala namang nangyayari sa amin ah??"

"Zyra, alam kong gusto mo si Matthew."

HA??!! Paano niya nalaman?!! Wala naman akong pinagsabihan nun diba?? Ni wala nga akong kaibigan dito sa school !

"HA??? A-ano ba pinagsasasabi mo??? W-wala ah.."

Nagsmirk siya.

"Magsinungaling ka sa iba, wag lang saken."

"Anong ibig mong sabihin??"  tanong ko.

"Basta. Layuan mo siya. He's mine already. Layuan mo siya kung ayaw mong mapahamak."

*GULP*

Tumango nalang ako.

Bakit ba pilit nila akong pinapalayo sa kanya??

Paano nalaman ni Amber na may gusto ako kay Matthew??

Anong ibig niyang sabihin nung 'mga nangyayari' daw sa amin??

Andami kong tanong sa isip ko ngayon.

Ano nga ba ang tunay na pagkatao ni Matthew???

                                                                           * * * *

"May special ability kasi si Amber !"

"AY ANAK NG PALAKA ! "

Sumulpot na naman si JR.  Remember nung Chapter 6 ?? Siya yun.

Napabuntong hininga ako.

"Anong ibig mong sabihing special ability???"  tanong ko ng nacu-curious.

"Nakakabasa siya ng mga tao. Halimbawa nung sayo, nabasa niya na may gusto ka kay Matthew."

Nanlaki mata ko. Di ko alam kung anong isasagot.

"Pero wag kang mag-alala. Wala akong pagsasabihan. Makakaasa kang hindi kakalat ang sikreto mo. "

"S-salamat JR..."  Napayuko nalang ako. Ang init ng pisngi ko.

Tumango nalang siya sabay sabing..

"Sige ah?? Alis na ako..."

Napaisip naman ako. 

May special ability si Amber??

*sigh*

Habang naglalakad ako, may nakita akong hindi magandang view.

Sina Matthew at Amber.

Nasa park. 

Kumakain tapos sinusubuhan pa nila ang isa't-isa.

OUCH.

Tapos nakita ko si Matthew na tumawa.

Parang ang saya-saya niya.

Yung mga ngiti niya ngayon, alam kong kahit kailan, di ko maibibigay yun dahil pilit kaming ipinaglalayo ng tadhana.

Tanggap ko na rin ang fact na yun. 

Na di kami para sa isa't -isa.

Teka.

Nakatingin sila sa akin.

Nahuli pala nila akong nakatitig sa kanila.

Bumulong si Amber kay Matt.

Nakita ko naman si Matt na kumunot ang noo tapos tumingin sa akin ng masama.

Tumakbo nalang ako.

Tumakbo nang tumakbo kahit di ko alam kung san ako tutungo.

Pero, unfortunately, naabutan ako ng ulan.

Ang galing.

Nakikisabay ang ulan sa nararamdaman ko.

PAIN.

Yun yun eh.

Mas mabuti na rin siguro ang umulan.

Para di nila makita ang mga mata kong luhaan.....

My Four-Word Love Story : A One Sided Love ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon