Chapter 8.1

559 10 1
                                    

"Music Room. "

"1st year building."

"2nd year."

And blahblah. Yun lang ang naririnig ko kang Matt. Tas tinuro-turo niya ang mga yun. Ako naman si tanga, tango lang nang tango.   -_-

Ganito na ba magtour ng isang baguhan ngayon ??  

Napabuntong hininga nalang ako. 

Nasa may bandang park na kami naglalakad ngayon.

"Marunong kang bumasa diba? Siguro di ko na dapat basahin pa ang mga pangalan ng mga park dito. Pero if di mo kayang basahin, okay lang . Babasahin ko para sayo. "  Sabi niya sakin. May halong sarcasm pa yan ah. 

Nakuuuu !!! Pigilan niyo ako !!!

Itali niyo ako bilis kundi, gagawin ko tong barbecue tong lalaking to !!!

Duh. High School na kaya ako??!!  Urgh.

"Ano kala mo sakin? Kinder? Tch."

"Oo. Bakit? Angal ka? "  Abaaaaaa't !!! Nakooo!!! Anak ng muta naman tong lalaking to oh !! PIGILAN NIYO NA AKO NGAYON DIN !!!

UMUUSOK NA YUNG TENGA AT ILONG KO !

"Uuuurgh ! You're so annoying ! " sabi ko sa kanya .

"You're irritating ! "

Teka, magka-rhyme ata sa sinabi ko yung sinabi niya ah?? Take note, ginaya pa niya yung tono ng pagkasabi ko nung 'annoying'.  Tss.. walang originality !!

Walang duda, pirated tong lalaking to. HARHAR.   XD

"Himala ata at kinakausap mo ko ngayon?"  tanong ko.

"ZYRA !!! " Sumigaw siya tapos hinila niya ako patungo sa kanya kaya napaub-ob ako sa may bandang chest niya. Tumalikod siya na para bang iniiwas niya ako over something.

Grabe , ang bango !!!

"T-teka- M...matthew !!!"  Naramdaman kong unti siyang bumibitiiw then-

Bumagsak si Matt ! 

Nasalo ko yung ulo niya at may naramdaman akong basa sa kamay ko.

OMG, don't tell me....

"Gosh ! May dugo !! Tulooong !!! Tulungan niyo kamiiii !!! "

Nanghihina na si Matt. Namumutla na rin siya !!

"Di-diba  s-sabi ko sayo na w-wag mo kong tutulungan?"  sabi niya coldly.

Nakikita ko ang pain sa mga mata niya kahit di man niya sabihin. 

Malamang, sino nga bang hindi masasaktan pag tinamaan ka ng isang medium-sized na bato sa ulo??

"Ikaw ! Diba ang sabi mo after 3 days pa! Tulooong ! MATT !! OKAY KA LANG ?!!"

"Ah, OKAY NA OKAY LANG AKO. TINGNAN MO, WALA NAMANG DUGO ULO KO DIBA??? Damn. Common sense naman ! Ano bang okay sa bukid niyo?? At wag ka nang mang-istorbo ng klase...Iwan ...mo..na..ko. ...A-aray ! "

"PILOSOPO ! At hindi kita maaring iwan....Sa ayaw at sa ayaw mo, tutulungan kita !! Tara, punta tayo clinic ! Bilis ! "

At dahil sa wala na siyang magagawa, pumayag nalang siya.

"Ang bigat mo namang akbayin ! Ilang kilong bigas ba kinain mo ha?! "

"Tumahimik ka." sabi niya sa isang nananakot na boses.

Di nalang ako umimik sa pikon na to.

                                                                               * * * * *

Andito na kami sa clinic.

Ginamot na siya ng nurse na mukhang may pagnanasa pa ata sa kanya. Hahaha. Kulang nalang eh, maglaway siya sa harap ni Matt. 

"Okay na po siya Miss Montillano. Pero mas makabubuti kung ipapacheck niyo pa rin ang kalagayan niya sa isang hospital."

"Ok, salamat po."

Akmang tatayo na sana si Matthew nang itinulak ko siya pabalik. Pero mahina lang.

"ANO BA ??!! "

"Hoy pikon, sabi nung nurse eh magpahinga ka daw muna ng mga ilang oras ! "

"Ayoko. As if I care kung anong mangyare sa akin."

Akmang tatayo na naman ulit siya pero tinulak ko na naman siya.

Pero sa di inaasahang...........

Nahawakan niya ang kamay ko nung pagtulak ko sa kanya at nadala ako kaya napaub-ob na naman ako sa kanya...

O_O

Me on top of him.

Yun yung posisyon namin ngayon.

tugdug.

tugdug.

tugdug.

Then our eyes met...

Nakaramdam din ako ng butterflies sa stomach ko..

Yieeeeee~

Ang ingay din ni HEART..

Shh...HEART, tumahimik ka na please? Baka marinig ka pa niya.

"EHEM."

My Four-Word Love Story : A One Sided Love ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon