Wendy's POV
''Yan talaga susuotin mo?''-abby
Di ko na lang siya pinansin at kinuha ko na bag ko.
Ano ba problema niya if nakaplain white shirt ako at
skinny jeans?
''Bakit ba? Eh di ko naman gusto makipagblind date bakit ako
magaayos?''-sabi ko
''Kahit maglipstick ka man lang oh please''-abby
''Gusto mo ba talaga ako pumunta?''-tanong ko
''Hay sige na nga tara na''-sabi ni abby na wala ng magawa.
Nakarating na kami sa isang restaurant at pagdating palang namin doon ay
may nakakilala na kay abby at kumaway pa ito.
''Ayun na sila''-bulong niya at lalakad na palapit sa kanila pero pinigilan
ko siya sandali.
''Ayoko na uuwi na ako''-sabi ko bigla
''Ha? Nandito na tayo at nakita na nila tayo nakakahiya naman''-abby
Hinila niya ako palapit sa grupo nila may 3 lalake at si crystal nandito
pala so siya yung isa sa mga makikipagblindate.
''Hi guys sorry were late''-sabi ni abby
''No it's fine sit sit''-sabi nung isa sa kanila
Siniko naman ako ni abby at tinignan na parang papatayin ako anytime.
''So shall we start introducing ourselves?''-sabi nung isa pang lalake na
may makapal na salamin.
''I'm Joey Chao from college of accountancy''-pahabol niya
''I'm Crytal Liu from Computer Science''
Habang tinitignan ko silang nagpapakilala eh itong sa harapan ko naman
napansin ko na kanina pa ang titig sa akin he looks decent naman may
pagkageek pero mararamdaman mo na mahangin siya GGSS in short.
Tutusukin ko mata nito hanggang mamaya! oh no nagiging psycho na ako.
"Alex Ling from architecture department''-sabi nung lalakeng nasa harapan ko
at nginitian pa ako.
Binigyan ko lang siya ng pilit na ngiti dahil honestly di ako natutuwa sa kanya.
''Be ikaw na''-bulong ni abby
Oo nga pala magpapakilala nga pala ako bakit kasi kailangan ko pang gawin to.
''I'm Wendy Montez from Computer Science''-simple kong sabi
Pagkatapos nun ay nagpalakpakan pa sila.
BINABASA MO ANG
Destined to Love You( I'm his obsession sequel) COMPLETED!
Teen FictionLegend says that we are born with a red string of fate that connects us to our soulmate. Anong mangyayari kung ang university beauty na si wendy montez ay nakadestined sa lalaking di niya inaakalang mamahalin siya ng sobra,sino ito? Secret! Want to...