Wendy's POV
Kinabukasan ng umaga ay naghahanap na ako ng
damit para susuotin sa mini reunion namin at nandito
nanaman si mama nakikihanap.
Buti na lang okay na yung ankle ko at nakakapaglakad na
ako ng mabuti.
''Ako ng maghahanap ng susuotin mo''-sabi ni mama
''Ma nagkatrust issue na ako sayo pagdating sa mga
yan kaya di pwede''-sabi ko
Sumimangot siya bigla.
''Ito na nga lang magagawa ko para sa love life mo eh''-sabi niya
''Ma! wala naman si xian don kaya okay lang ako na''-sabi ko
''Di ka niya ihahatid tsaka susunduin?''-nagtataka niyang tanong
Umiling lang ako.
''Sobrang busy niya ma okay tsaka kaya ko naman pumunta don
kahit ako lang parang di ako laki dito.''-sabi ko sa kanya
Magpapatulong sana ako kay abby kaso naalala ko nasa cebu nga
pala siya, lumipas ang ilang oras kong paghahanap nakahanap ako
ng gray na blouse na pwedeng iterno dun sa nabili kong jumper dress.
Habang inaayos ko yung buhok ko biglang nagpm si abby at chineck
ko kaagad ito at nagsend lang siya ng link.
Binuksan ko siya at nanlaki ang mga mata ko dahil article nanaman at
this time di lang si xian ang topic pati na rin ako, kala ko patay na tong
topic na ito.
Binasa ko siya kaagad at nandun halos yung mga pictures namin na magkasama
ni xian sa university at kapag sa labas din ang daming nagcomment puro babae na
dissapointed at mga schoolmates din namin.
''Our University's Power Couple''-sabi pa nung isa
Pinatay ko na kaagad yung phone ko at mamaya ko ng proproblemahin
yan at oras na pala at kinontak na ako ng grab na pinareserve ko.
Pagdating ko dun napatingala na lang ako dahil parang ang bongga ata
kala ko bang mini reunion lang?
Pagpasok ko hinanap ko yung hall kung saan yung reunion at buti
nakita ko naman kaagad pero bago pa ako makapasok nakita ko silang
na parang nagmemeeting at narinig ko pa pangalan ko kaya nagtago
muna ako at pakinggan ang mga pinagsasabi nila.
BINABASA MO ANG
Destined to Love You( I'm his obsession sequel) COMPLETED!
Novela JuvenilLegend says that we are born with a red string of fate that connects us to our soulmate. Anong mangyayari kung ang university beauty na si wendy montez ay nakadestined sa lalaking di niya inaakalang mamahalin siya ng sobra,sino ito? Secret! Want to...