Wendy's POV
Lumipas ang tatlong araw at naging okay naman lahat ng dapat gawin
pero minsan feeling ko kulang pa din naalala ko si gian at russel kung
sana nandito sila mas mapapabilis ang trabaho.
Si Eunice naging okay naman lahat sa kanya kahit minsan ang awkard
namin nagwoworry din ako at di siya masyadong mapagod at mastress
dahil sa baby, Sa tatay nung baby ako nastrestress napakasungit at moody
di pa din siya nagbabago akala mo may period siya tss.
Ngayong araw na to maaga akong gumising para magbake ng muffin
at chocolatechip cookies dahil nadiscover ko favorite ni xian ang mga
yon at pagdadala ko siya dahil minsan di na siya nakakakain at nagpapadeliver
na lang kami minsan kapag wala ng time at ang tagal ng delivery bago
dumating kaya magdadala ako ng snacks kung man di namin kinaya.
Ilang araw ko din inaral ang pagbabake kaya ko naman dati dahil nagbabake
na si mama bata pa lang ako dahil nagtrain siya ng baking dati tinry niya akong
turuan dati pero tinatamand ako pero ngayon iba na dahil may special
reason ako kaya sumipag akong magpaturo.
Pagdating ko sa office nadatnan ko siyang kinakausap yung isang employee
at mukhang may seryoso silang pinaguusapan para di ko siya maistorbo
tumuloy na lang ako sa office niya at tinignan ang dapat gawin. Natuwa
ako ng maramdaman akong may palapit sa pinto at nakaisip ako ng plano
kaagad akong pumunta sa gilid ng pinto at pagbukas na pagbukas pa lang
ay yinakap ko kaagad siya at hinalikan sa pisngi.
''Nandito ka na pala!''-tuwa kong sabi pero bigla itong nawala at inalis
ang pagkakayakap ko ng marealize ko na hindi si xian ang pumasok.
Naramdaman kong uminit ang mukha ko dahil sa kahihiyan.
''Kian'' yan lang nasabi ko dahil biglang nanuyo ang lalamunan ko.
Di rin siya nagsasalita at nakatingin lang din siya sa akin he looks surprise
and flustered at the same time well di ko siya majujudge dahil sa ginawa
ko i don't know pero parang magaattempt ata siyang lumapit sa akin ng
bigla uli bumukas yung pinto and i felt a relief.
''Is everything alright?''tanong ni xian
''May kailangan ata si kian, punta na ako don'' sabi ko at naglakad papunta
sa pwesto ko.
Tinatry kong magfocus sa ginagawa ko pero nadidistract ako dahil i can feel
that he kept on stealing glances at me like seriously nandito si xian at yung nagawa
ko kanina it was an accident my act was not meant for him.
BINABASA MO ANG
Destined to Love You( I'm his obsession sequel) COMPLETED!
Teen FictionLegend says that we are born with a red string of fate that connects us to our soulmate. Anong mangyayari kung ang university beauty na si wendy montez ay nakadestined sa lalaking di niya inaakalang mamahalin siya ng sobra,sino ito? Secret! Want to...