chapter1 :meeting mr arrogant

302 7 2
                                    

 Sa isang Mall ay naglunsad nang isang meet and greet ang sikat na boyband na tinatawag nilang THE ACES.. 

Sa Labas pa lamang nang Mall ay kita na ang pagdagsa ng Fangirls para salubongin ang grupo dala dala ang mga banners nila at syempre ang makabibinging sigawan nang kababaihan..

[ Yssa's P.O.V ]

Ako nga pala si Ianna Yssabelle Mendoza, 20 years old at 3rd year college na sa ngayon.. Andito ako ngayon sa mall at tahimik na nagkakape sa starbucks. Magkikita kasi kami nang mga High School classmates ko.. Excited much talaga ako, minsan lang kasi kaming magkita ng mga yun dahil busy ang lahat sa school. Ilang minuto narin ang nakalipas at kahit anino nang mga kaklase ko ay hindi ko pa nakikita. nakakainis na!  Inaamin ko, sa sobrang excited ko ay maaga akong nagpunta dito.. eh miss na miss ko na sila eh.. Namimiss ko na yung mga kalokohan namin noon. Tama sila ang HS life talaga ang pinaka masaya sa lahat..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ilang minuto pa ang nagdaan at wala parin sila.. Kailangan ko munang aliwin ang sarili ko.. mag  wi-window shopping muna ako para iwas boredom.. Lumabas na ako nang biglang O.O

may sandaang kababaihan na nagtatakbuhan.. teka ano bang nangyayari dito.?? may lindol ba? oh di naman kaya sunog.? 

mabilis din akong nakitakbo sa kanila hanggang sa nakalabas na ako nang Mall, nang may biglang tumapat na Van sa harap ko at  biglang bumukas ang pinto at aksidenteng nakapasok ako roon. Nakita kong may limang lalaki na naka titig sa akin..

"teka anong ginagawa ko dito? bat andito ako? sino kayo? nako kidnappers kayo siguro ano? naku po wag niyo po akong kidnappin walang pang ransom pamilya ko saken mahirap lang po kami..." sabi kong nakaluhod at with hand gesture pa talaga...

nako nanginginig na talaga ako sa takot.. pano pag ibenta nila yung lamang loob ko? nako ayoko nun! o d naman kaya gahasain ako mas lalong ayoko nun noh!!!

Bumalik lamang ako sa katinu an nang tumawa ang apat na lalaki sakin.. bigla naman akong napahawak sa dibdib ko para protektahan ang sarili ko..

"hey miss! anong pinagsasabi mong kidnappers kami? sa gwapo kong mukhang to? pagkakamalan mo lang na kidnapper? tsss.. kung si James sana pwde pa. pero ako? no no no!" Sabi nung lalaking gwapo.. maporma saka mukhang habulin nang chix.

"hoy ken! Anong pinapalabas mo? na pangit ako?" sabi nung James

"sayo nang galing yan ahh. wala akong sinabi na pangit ka" mapangnukso nitong sabi sa kasama.

Eh? anyare sa mga to? ?_?

"tumigil nga kayo! tsk parang mga bata kayo.. ahh miss ako nga pala c timothy yung bunso saming lima. saka wag kang matakot hindi kami kidnappers hehe.. yang lalaking concieted na yan ay si kuya ken. Yang lalaking mukhang si dooley ay si kuya James. hehe kuya peaceyow! Alam mong paborito kita"saad ni timothy na nakatawa.

At parang nasuka naman si ken sa sinabi nang maknae nila na paborito nito c James.

"yan naman si kuya Onyx ang leader nang grupo namin. Antokin yan wala kang mapapala dyan. hahaha" saad niya sabay turo sa lalaking nasa tabi niya.

"narinig ko yun."saad nung Onyx habang nkakapikit ang mga mata.

"bat ba ang ingay niyo?! kita niyo namang tulog yung tao ang ingay ingay nio." pagalit na saad nang lalaking nasa harap ni timothy..

"and who are you?" biglang tanong niya sa akin habang naka titig sakin. alam mo yung stare that can burn holes on my face. yun yun ehh. naks naka english ako tuloy.

"ahh hello po. ah ako nga pala c Ianna."

saad ko saka yumuko hindi ko matake ang titig niya eh.

"and why are you here? hindi mo ba alam na tresspassing ang ginagawa mo? how rude of you entering someones car without asking any permission to the owner.tsk tsk tsk"tanong nung supladong lalaki.

abat maka english naman tong lalaking to! nanonosebleed nako eh.

"ahh ehh aksidente naman po ang la-"pinutol nya ang sasabihin ko. nako nakakainis na tong lalaking to ahh

"i'll call our lawyer. sasampahan kita nang kaso sa ginawa mo." seryosong saad niya na napanganga ako at ang mga kasamahan niya.

"k-kuya Marco h-hindi naman niya sinasadyang mapasok sa sasakyan ehh"pagtatanggol ni timothy sakin.

"hindi ko magsasampa nang kasi sa isang kondisyon. Be my P.A."saad nung Marco.

"are you blackmailing me?" tanong ko habang hindi makapaniwala sa pinagsasabi nya.

"No."tipid niyang sagot.

abat ang loko pala nitong lalaking to ehh!

"well Mr, NO dn ang sagot ko.." pagtataray kong saad.

"well see you on the court then."sabi nya sabay dial nang phone niya.

nako anong gagawin ko? hindi nman kmi mayaman para atupagin pa ang kaso na to. pang tuition ko pa nga lang butas na ang bulsa ano pa kaya pag dumagdag to? kainis tong lalaking to. ganito na ba talaga siya ka desperado para magkaroon nang P.A? palibhasa sino ba naman ang tatagal sa ugali niya? ang sama. tsss.

"Wait! ok fine. may sweldo ba ako dito?" paniguradong tanong ko.

"ofcourse, 50,000 a month.ok ba yun?. You'll start working later. Got it?" saad niya saka ipinikit ang mga mata niya.

"50 000 a month?!!" O.O wow ang yaman naman neto!

"why? are u under estimating me? your boss is an Idol at hier nang MM corporation"cool na saad niya habang nakapikit parin.

Concieted jerk din pala to tsk!

hindi na ako sumagot. lumingon ako sa apat na nakatitig sa ngumingiting nakatitig sa akinml. Inirapan ko na lang sila. Mas dumoble yung kabadtripan ko nang makita ko yung mga mukha nila ehh.

"good luck nalang miss Ianna" mapanuksong saad ni James.

"pag tumagal ka nang isang buwan sakanya, pasok kana sa guiness hahaha"patawang saad naman ni ken.

"kaya mo yan miss Ianna." pagpapalakas loob ni timothy sa akin.

Naku po. Ano ba tong pinasok ko?

Lord kayo na pong bahala sa akin..

Para sa pamilya ko at para sa sarili ko, gagawin ko to... hwaiting!!

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Hello po...

Ito na po ang first Chapter I hope na magustuhan ninyo. pasensya na sa mga grammatical errors and typos...

Feel free to comment and to vote po :) :)

-@thiaffe-

My Cold Boss Superstar (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon