Ianna
"A-ano? A-ang bilis naman ata Marco. Agad-agad?" Saad ko sakanya. Hindi pa ako ready eh! Ito naman kasi ang lalaking ito ambilis eh. Ni hindi man lang ako winarningan.
"Okay alam ko hindi ka pa ready ngayon. But don't worry i'll take it slow. I will court you" sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko. Kainis nawawala tuloy ako sa sarili sa pinag gagagawa niya.
"Is it okay? Will you let me court you" tanong niya. Wala sa sarili akong tumango. Jusko naman kapag ganito ba naman kagwapo ang sa harapan mo tatanggi kapa ba?"Pero Marco paano si Shane. Gusto ka niya sigurado akong magagalit yun sa akin." Sabi ko saka yumuko. Inangat niya ang mukha ko at hinaplos ito. Shocks ang mga paru-paro sa tyan ko pumaparty! Syeet na malagkit bakit ba ako pinapakilig ng lalaking ito? Tsk feeling ko tuloy lalabas na ang puso sa sobrang lakas ng kabog nito. bwiset na lalaki to oh! Hmp.
"It's okay. She will understand, I know Tim likes her no scratch that I know Tim Loves her so much. Hindi niya papabayaan si Shane and I'm very sure that Shane is inlove with him too. Masyado nga lang pre occupied ang utak niya sa paghanga sa akin at nakalimutan na ang bestfriend niya. And don't worry we will help them realize everything okay?" Saad niya tumango naman ako saka niyakap niya ako. I feel so secure in his arms.
"Tara samahan mo ako, nagugutom na kasi ako eh." Saad niya saka naman ako hinila papuntang kotse niya.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nakarating sila sa isang open restau. Malapad ang garden na kung saan makikita ang mga mesa. Bagay ang lugar na ito sa mga couples. Ang Romantic kasi ng ambiance.
Agad kaming inusher ng waiter sa table na kinuha ni Marco. Prepared talaga siya.
Hinila niya ang upuan para sa akin. Naks gentleman din pala to hahahah."Oh bakit ka ngumingiti diyan? Wag mong sabihing kinikilg ka sakin?" Nakangising saad niya agad namang napalitan ng pout ang nakangisi kong mukha.
"Duh! Ang kapal mo rin talaga ano! Ewan ko sayo!" Saad ko. Sinira pa talaga ang pagmomoment ko ng pagka romantic niya.
Maya't maya pa ay dumating na ang pagkain. Nangunot naman ang noo ko. Hindi nag order to ah. Ba't may pagkain na dito?
"I made a reservation earlier at kasama na doon ang order ko nang kakainin natin." Sabi niya napa "ahh" naman ako at narinig ko siyang tumawa ng mahina.
We had our dinner. It was a sweet dinner. We talked about ourselves, inshort we tried to get to know each other deeper, marami akong nalaman tungkol sa kanya. Nalaman kong mahilig siyang kumuha ng litrato. It was his past time daw. He also loves to travel a lot at mahilig din siyang kumain hahaha pero ewabn ko ba, kahit matakaw siya maintain parin ang abs. Hahaha
Nasa tapat kami ng apartment na inuupahan ko. Hinatid niya kasi ako pauwi. Di ko akalaing may ganito pa talaga siyang side.
" so uhm I'll see you tommorow. Thanks for tonight. Thanks for giving ne the chance to prove my self and to prove my sincerity to you, Ianna" malambing niyang sabi. Saka ako hinalikan sa pisngi. O.O
"Goodnight!" Dugtong niyang naka ngisi at saka nagmadaling pumasok sa kotse niya at umalis na. Naiwan akong tulala at loading parin sa nangyari. Napahawak naman ako sa pisngi kong hinalikan niya at napangiti ng wala sa sarili.
Tsk Marco Andrie Luis Buenaventura ginugulo mo talaga ang sistema ko.♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♢♡♡♡♡♡♡♡♡♡♤♤♤♤♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Hello mga readers ng The Cold Boss Superstar! Ito na at gagawin ko na ang naplano ko sa storyang ito. Hindi ko na talaga ito mamadaliin.
Please comment kayo kung sino ang babagay sa role na pinost ko kahapon since until now di ko pa alam kung kanino ko ibibigay ang role na yun.
Dont Forget to:
Vote
Comment
Share
Thank you po :) :)
-purplemoonstone-
BINABASA MO ANG
My Cold Boss Superstar (short story)
FanfictionThey said love stucks unexpectedly.. you'll never know when.... you'll never guess who it would be.. and you'll never think that it would be possible... and once you get struck.. there's no way you could get out from it.. That's LOVE once you enter...