Ianna's POV
Sunday ngayon at ito ang pinaka paboritong araw ko sa buong lingo. Alam niyo ba kung bakit? Syempre Day off ko! Yeheeeeey!!! At dahil day off ko, mag ge-general cleaning ako sa buong apartment ko! Hahaha
I braid my hair into a simple French braid, mahaba kasi ito at sagabal sa paglilinis na gagawin ko. Hinanda ko ang walis at dustpan pati na rin ang mop at basahan.
"Kaya mo to Ianna! Fighting!" pag e-encourage ko sa sarili ko habang nakaharap ako sa salamin. Effective din kasi ang self-motivation.
Masayang nag momop na ako ng biglang may kumatok sa pintuan. Sino naman kaya yun? Wala naman akong hinihintay na bisita ahh? Hindi naman ako nagpa deliver ng pagkain. Ilang minute na rin ang nakalipas masyado ata akong napa-isip kung sino ang panay katok sa pinto ko kaya di ko nabuksan sa unang katok niya.
Kunot noo akong tumungo sa pinto at binuksan ito. Nagulat ako ng iniluwa nito ang napakagwapong nilalang sa balat ng lupa! Napanga-nga naman ako.
"Ianna, kanina pa ako kumakatok dito din mo naman ako pinagbubuksan. Kanina pa din akong tumatawag sa phone mo pero di mo naman sinasagot. Hihintayin mo pa bang malanta ang bulaklak na to bago mo ako pagbuksan?" inis na saad ng gwapong nilalang na ang pangalan ay Marco. Hayaan niyo na ako eh siya ang pinakagwapong nilalang para sa akin.
Bakit ba andito to? Hindi man lang nagsabi. Tsk! Nabalik naman ako sa katinuan ng bigla siya akong ginulat. "AY ANAK NG BAKA!!" sigaw ko.
"Oy bakit kaba tulala diyan? Ganyan na ba talaga ako ka gwapo para maglaway ka ng ganyan?" sabi niya saka tumawa ng malakas. Namula naman ako sa sinabi niya..
"T-teka nga bat andito ka?!" pasigaw kong sabi. Para matakpan ang kahihiyang inabot ko sakanya kanina.
"Pwedeng papasukin mo muna ako?" tanong niya hinila ko naman siya agad an sinara ang pinto.
"okay, andito na tayo sa loob. Answer my question now." saad ko. Ngumiti naman siya at binigay sa akin ang mga bouquet na dala niya.
"Aanhin ko to?" tanong ko.
"diba yan ang gusto niyong mga babae? Kapag binibigyan kayo ng bulaklak ng manliligaw niyo" nahihiya niyang sabi sa akin. Yumuko siya saka hinimas ang batok nito. Tumaas naman ang kilay ko.
"Ayaw ko niyan." Mariin kong saad, tiningnan ko kung anong magiging reaksyon niya. napatingin naman siya sa akin.
"a-ayaw mo? B-bakit? Diba-" -Marco
"Marco, hindi ako tulad ng mga babaeng sinasabi mo. Kaya ayaw ko nito, hindi naman makakain yan eh. No offense meant ha! Gastos lang yan. Malalanta din naman yang mga bulaklak nayan, pag nalanta na hindi din naman mapapakinabangan diba? Okay na saakin na kasama ka, hindi na kailangang dalhan pa ng mga bulaklak nayan o di naman kaya mga chocolate at kung ano ano pa. Feeling ko kasi pag binibigyan ako niyan parang sinusuhulan ako" saad ko. Hindi kasi ako ang tipo na materialistic. Ok na ako na kasama ko siya.
"ahh gaun ba? Eh kasi Ianna sa totoo lang hindi ako marunong manligaw eh. It's my first time actually." Nahihiya niyang saad. Kinurot ko ang pisngi niya ang cute kasi niya pag nahihiya.
"tara tulungan mo na lang akong mag linis ng apartment ko. Mapapasaya mo pa ako." Saad ko sa kanya nan aka ngiti.
Inayos naming ang apartment ko. Nagdesisyon din kaming baguhin pati ang pintura nito. Grabe kinikilig akooo. See mas okay pang ganito mas kikiligin pa ako nito kesa sa mga bulaklak nayan.
"Ianna!" tawag niya sa akin napalingon naman ako sa gawi niya at O.O
OMG!!!! My virgin eyes!!! Agad kong tinakpan ang mga mata ko saka tumalikod, naghubad kasi siya ng t-shirt niya.
"ianna" tawag niyang muli sa akin.
" Ano??" tanong ko habang naka talikod sa kanya.
"Humarap ka nga. Kinakausap kita." Mahinang sabi niya. humarap nga ako pero nakatakip ang mga mata.
"Ano?" pag uulit ko ng tanong sa kanya. Naramdaman ko naman ang paglapit niya. Shyeeeeet ano ba ang iniisip ng lalaking ito? Nagulat na lang ako ng hinawakan niya ang mga kamay ko at tinanggal ang mga kamay kong nakatakip sa mga mata ko.
O.O Omayghaaaad! Bakit ba niya ito ginagawa?
Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Napa atras naman ako sa ginawa niya. lumapit uli siya at napa atras ulit ako. nagulat ako ng bigla na lang ako natumba, shocks may sofa pala rito. Lumapit muli siya sa akin! Omg! Wala na akong kawalaaaaa! Nagpapanick na akoooo1
"M-Marco? A-anong? A-anong ginagawa mo?" natataranta kong tanong. Hindi siya umimik, nilapit pa niya ang mukha niya sa akin. Naku naman maling move ko lang nito sapul talaga mahahalikan ko na ito.. OMG!!!!!!
Tinitigan niya ako sa mata. Pumikit ako.Hahalikan na ba ako ni Marco?
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Hi everyone! Chapter 10 done!!!! Yeheeey!!!
Thank you so much for your support!
Don't forget to read my other story as well. Forever with a Casanova!
VOTE,SHARE and COMMENT!! :)
Godbless Everyone!
-purplemoonstone-
BINABASA MO ANG
My Cold Boss Superstar (short story)
Fiksi PenggemarThey said love stucks unexpectedly.. you'll never know when.... you'll never guess who it would be.. and you'll never think that it would be possible... and once you get struck.. there's no way you could get out from it.. That's LOVE once you enter...