Huli ka!

407 23 2
                                    

June 10, 2012

AN: After almost 3 weeks ngayon lang ulit naka pag update. So sorry sa mga nag hintay. Exams kasi namin then I need to finish heaps of requirements. So yeah. XD Thank you so much to those of you who are waiting for le update. It means a lot to me. Echos. =)))

Dedicated to Skye Romarate! :D Na lagging nag dedemand ng update. Haha. Late birthday gift na rin but atleast better late than never ;)

~~~~~~~~~~~~~~~

Previously on Boyfriend

Kinantahan ni CGM si Adelaida infront of their class during Music time.

Nasa mall ako ngayon, katatapos lang namin mag simba kaya nandito ako. Kasama ko si Mama pero nakasalubong niya yung college friend niya tapos niyaya siyang kumain.

Ayoko namang sumama. "Matanda" talk lang yun pag uusapan nila kaya humiwalay na lang ako. Itetext lang daw ako ni Mama pag tapos na sila.

Habang nag hihintay sa kanila, nag libot muna ako sa mall nang may daanan akong shop. Ngayon ko lang to napansin kaya pumasok ako. Boutique siya. Ang gaganda naman ng mga binebenta nila dito. 

Hindi naman talaga ako mahilig mag shopping. Simpleng shirt o jeans ok na sa akin atsaka wala naman talaga akong pera pambili. V_________V

May kinuha akong shirt sa rack. Style niya yung parang kita yung isang shoulder tapos yung isang shoulder naman natatakpan. Off shoulder ba tawag dun? Basta yun! ˘◡˘

Color violet siya na long sleeves pero pwede siya iakyat para maging three fourths. Plain lang pero ang ganda.

(A/N: Pic of dress on the side -->)

Tingnan ko nga kung mura, baka sakaling mabili ko. Kinuha ko yung tag at... #&%@×

607 pesos?! Para eto lang?! Akala ko naman nasa 250 pesos lang! ಥ_ಥ

Binalik ko agad sa rack. Sayang. Ang ganda pa naman.

Tumingin tingin pa ako ng ibang mga damit. Pero hindi ko talaga afford. Ang mahal.

Lalabas na sana ako pero napansin ko na may jewellery section din sila. Lumapit ako for a closer look.  Mahilig ako sa jewelleries eh. Alam kong mahal pero wala namang masama kung titingnan ko lang diba? ─‿‿─

"Well, well, well. Look who's here. May lakas na loob pang pumasok sa shop na to eh halata naman di afford."

Rinig kong sabi ng isang babae. Grabe naman siya maka pag salita. Natamaan ako dun ahh. XD Pero sino kaya yung kaaway niya? Kawawa naman.

"Hoy Malandi."

Nag salita na naman yung babae. Pamilyar talaga yung boses.

"Excuse me, Miss." sabi sakin nung saleslady

"Kanina pang naka tingin si Ms. Zacarias sayo."

Ms. Zacarias? Kanina ko pa ba tinitingnan sarili ko? Sabagay, sa ganda kong to. (〃^∇^)ノ

"Oo, ang ganda ko kasi talaga diba?" pabiro kong sabi sa saleslady

"Eeeew. Who the hell told you that? Wait, no one did. *Insert Kris Aquino’s laugh* Hahaha."  tapos tumawa ng malakas yung nag salita.

Aba, at sumabat! Pag lingon ko sa pinanggalingan ng boses na mala Kris eh biglang nag init yung ulo ko.

Kaya naman pala. Ibang Zacarias ang tinutukoy nung saleslady. Sino pa ba? Walang iba kundi si Malandi.

When Love is on the lineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon