Chapter 6 - I'm Sorry

32 2 2
                                    

CHAPTER 6

Tin's POV

Pababa na kami ni Tin sa may pool area kasi dun ang Party nang nagvibrate ang phone ko pag check ko international number tapos hindi ko pa kilala, kinabahan ako bigla, nung binasa ko iyong message 

From : ************ Unknown

Sorry Sophia, I Miss You!

Kinabahan ako bigla sa nabasa kong text kanina hindi tuloy ako makapagconcentrate. Lutang na lutang ako ngayon. Impossibleng siya iyong magtext sa akin for 3 years hindi siya nagparamdam tapos biglang ganun ang sasabihin niya, impossible tlga! Baka pinsan ko lang iyon or na wrong send lang. Pero ang weird kilala niya ako eh.

" Tin, ang lalim ata ng iniisip mo ah, kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka man lang sumagot "      nagtatakang sabi ni michie

" Pasensya ka na Michie, biglang sumama kasi pakiramdam ko, pero ok naman na ako "            pagpapaliwanag ko kay michie

" Sure ka ha? halika na rarampa na tayo,hahha smile ka na tintoy! sayang ang beauty natin:)"

Nagstart na nga ang party, may mga bandang kumakanata din pero hindi talaga mawala sa isipan ko iyong message na nabasa ko. Nahahalata na nga ata ni Patrick na matamlay ako kaya pilit akong tinatanong kung nabobore ba ako or kung may problema ako.  

Tuloy pa rin ang kantahan at sayawan . Cocktail lang ang ininom ko, hindi ako sanay kaya unti lang ininom ko. Malapit ng mag 12 AM kaya medyo pagod at inaantok na rin ako pero dito tuloy parin ang party nakaupo lang ako dito sa table at kumakain ng seafoods.

Michie's POV

Ano kaya problema ni Tintoy? Bakit kaya ang lungkot ng mukha niya nagkakaganyan lang naman siya kung tungkol kay Chad ang pinaguusapan. Nagmessage na kaya sa kanya si Chad? Hay kawawa naman bestfriend ko, bwisit kasi na Chad yan eh balewala lang sa kanya si Tin noon kahit laging si Tin ang meron sa harap niya, sana subukan niyang mahalin si Pinsan para maging happy na siya

" Tintoy, pagod ka na? gusto mo na ba matulog? "

" Medyo antok na rin ako pero kung ayaw mo pa cge hintayin kita "

" Cge tara na, paalam na ako kela tita at tito, pati na rin pala kay pinsan, sama ka?"

" Cge paalam na rin ako "

" Tita , Tito , una na po kami, medyo inaantok na din po kami, thank you po ulit "

" Cge mga Hija, magpahinga na kayo at mamasyal tayo bukas '

" Cge po tito at tita ,thank you po " Malumanay na sabi ni Tin

" Tara dun kay Patrick, kausap niya bestfriend niyang si Michael "

" Patrick, una na kami ni Tin sa taas, medyo antok na din kami eh "

" Ah ganun ba, cge tin pahinga ka na, sweet dreams " nakangiting sabi ni Patrick

" Ako nagsalita ako pa ang hindi pinansin, ang tindi mo rin pinsan , haha! "

Bumalik na kami ni Tin sa kwarto, nagshower muna si Tin at sumunod na rin ako, tapos nahiga na kami mukhang pagod si Tin at madaming iniisip, hay makatulog na nga din -ZZZZZzzzzzzzzzzzzzz

Tin's POV

Ang aga ko nagising ngayon, ewan wala siguro ako sa mood. Uhm andito na nga pala kami sa Manila, 1 week na ang nakalipas ng bumalik kami from palawan, naenjoy ko naman ang palawan, nakarelax din talaga kami kahit papaano.

Worth Waiting - Under a major editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon