Chapter 13 - Goodbye?

30 3 0
                                    

CHAPTER 13

"Huli na ba talaga ako?" Bulong ko sa sarili ko

Hindi ako papayag, selfish na kung selfish pero hindi ako gago para hayaang makita ung taong mahal ko na hinahalikan ng iba

" Sophia, tara na? "

" Sasama ako, pero huli na ito "

" Please hear me first bago ka magdecide "

" Kulang pa ba ung sinabi mo, or gagawa ka ng bagong alibi mo? "

" Sophia, please? "

" Stop calling me, Sophia, call me Tin, ayoko nang matawag sa name na iyon, nakakakilabot pakinggan "

" OK, sorry, pakinggan mo ako, and after kong sabihin lahat, kung ano man ang desisyon mo, i'll follow it, if you want me to stay, i'll stay but if you want me to go, then i'll leave "

" Fine, let's go "

Lumabas na kami ng bahay nila at nagpaalam na kami sa kanilang lahat. Pagkalabas namin ng gate pagbubuksan ko sana siya sa passengers area pero

" I'm ok, no need to do it for me "

Pumunta na ako sa drivers area at pumasok. Umalis na kami kakain kami sa isang seafood restaurant seafoods kasi ang favorite ni Sophia. Walang umiimik sa amin sa loob ng kotse.

After 30 minutes nakarating na kami sa Resto, pagkaalis niya ng seatbelt binuksan na niya ang pinto at lumabas na siya

" Good morning Ma'am / Sir "

" Table for two please " Tahimik lang talaga siya

Pagkaupo namin dumating na agad ung waiter at hinintay ang order namin.

" Soph,, oh Tin, anong order mo? "

" Kung anong sayo iyon na rin ang akin " Dati pag kakain kami ni Tin, nasa kotse palang kami sasabihin na niya lahat ng gusto niya ngayon ibang iba siya. Kasalanan ko lahat to

" Uhm Causeway Prawns Ball with salad sauce and Sliced Abalone with vegetable , 2 orders for each " 

" Right away sir "

After 10 minutes dumating na din ang food namin.

" Tin, wala na kami "

" Ah ganun ba?, WHAT?! wala na kayo ni  Courtney? why mahal mo siya db? "

" I know, i have loved her pero i can't loose you "

" Eh hindi naman kita pinapapili ah, balikan mo na si Courtney "

" Are you pushing me away? "

" Ayoko na ng gulo, ayaw kong isipin ni Courtney na inaagaw kita sa kanya "

" I already told her everything, Tin I love you " Halatang nagulat siya dahil nabitawan niya ang fork niya

" Stop fooling yourself, kahit sabihin mong mahal mo ako hindi na ako babalik sayo "

" Ganyan ba talaga ang galit na nararamdaman mo para sa akin? "

Tin's POV

Hindi ako makasagot sa kanya, alam ko na mahal ko pa rin siya pero ayaw ko ng masaktan. It's like waiting for snow dito sa Philippines ang paghihintay ko sa kanya pero he ignored everything.

" Yah, maybe, I reach the end point of being stupid "

" Tin, please tell me what to do, i will change just for you but don't ever think of leaving me "

" Chad, may boyfriend na ako, ayokong sayangan ung pagmamahal niya for me, and hindi naman mahirap pag -aralan na mahalin siya kasi he's always there to understand  my flaws. "

" Tin, I can't . I know I've been stupid for years but please another chance ? "

" Sorry, pero hindi ko kayang saktan si Patrick "

" Tell me do you really love him?"

" Chad, tara na, wala na akong gana "

Sayang mga inorder namin halos hindi namin naubos food namin, pero hindi ko na talaga kaya gusto ko ng umiyak. Hindi ko kayang sagutin mga tanong niya. 

Nasa loob na kami ng kotse at sinabi ko sa kanyang ihatid na niya ako pauwi.

" Tin, I'll ask you for the last time, do you still love me?"

" Chad, sinagot ko na yan noon "    Bakit sumisikip ung dibdib ko pag tinatanong niya yan, alam ng puso ko na mahal ko pa siya pero hindi ko kayang sabihin

" Answer it please? "

" Wala na, ubos na "

" Kahit unti wala na?"

" Chad, ano ba? ang insensitive mo, sinabi kong wala na diba "  Every words I say . I can feel the pain in my heart

" Then I think, I'm too late "

Chad's POV

Wala na talaga cguro. Hindi na talaga niya ako mahal. Cguro nga eto na ang karma ko for ignoring her for years.

" You are " Iyan ang sagot niya na talagang napakasakit

Nakarating na kami sa tapat ng bahay nila pero hindi pa kami lumalabas

" Sophia, can i hug you for the last time? " 

" Pag pinagbigyan ba kita titigil ka na? "  Sh*t, I wanna cry, it's not my thing to cry pero ang sakit na tlga

" I will " Pagkatapos kong sinabi iyon, tuluyan nang tumulo nag mga luha ko pero pinunasan ko agad

" Alis na ako, salamat " Iyan ang huling sinabi niya at lumabas na siya ng kotse at pumasok sa bahay nila

" Your too late Chad, hindi ka na niya mahal "  bulong ko  sa sarili ko.

_____________________________________________________________________________

Huli na ba talaga ang lahat para sa Chad at tin?

Abangan!

SAna po magustuhan niyo")

Worth Waiting - Under a major editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon