Chapter Two - Debating Organs

15 0 0
                                    

"Hey bestfriend,kanina ka pa tulala diyan ha. Pinaglalaruan mo rin ang carbonara gamit ng fork. Problema mo?"

Sasabihin ko ba sakanya na mutual ang feelings namin o ibibigay ko nalang sakanya ang paper plane? Sasabihin o Ibibigay? Sasabihin o ibibigay? Argh.

Plane A: Sasabihin (Imagine)

"U-uhm,I l-like you too."sabi ko sakanya at sinunggaban siya ng halik.

Lah! Bakit may kissing chenes Linda? Ang dirty minded mo na ha. Wag 'yan! Naku,baka pagkamalan ka pang mapusok. Chos,mapusok talaga?

Plan B: Ibibigay (Imagine)

"Eto na ang paper plane mo. Ge,may pupuntahan pa ako."sabi ko at nagwalk-out.

Hindi na uso ang 'may pupuntahan pa ako' lines Linda. Sus,saan ka naman pupunta aber? Sa puso niya? Hihihi,pwede rin. Teka nga! Bakit kinakausap ko ang sarili ko? Nababaliw na ata ako.

"Linda Garcia! Nakikinig ka ba sakin? Kanina ka pa ha,napipikon na ako."nakangusong sabi ni Nance at nagcross arms pa. Napatingin ako sakanya at mukha siyang bata na hindi binalhan ng laruan. Oh ayan Linda,kaylangan mo naman magpalusot sa kaibigan mo para lang pagtakpan ang sekreto mo.

"S-sorry,may iniisip lang kasi ako."sagot ko kanya at kinain ang carbonara na hindi ko pa nagagalaw. Narinig ko siyang nag-tsk kaya napatingin ako sakanya. Naging seryoso na ang mukha niya.

"Siya ba ang tinutukoy mo? Siya ba ang iniisip mo? Siya ba Linda?"giit niya at tinaasan ako ng kilay. Oo,alam ni Nance LAHAT na sekreto ko pati na yung tungkol sa nararamdam ko sakanya. Pero hindi ko inasahan na nalaman niya na siya ang iniisip ko sapagkat matagal ko ng sinasabi kay Nance na lulusawin ko ang pagkagusto ko sakanya na kumakalat sa puso ko.

Umiwas ako ng tingin sakanya at binaling ang atensyon sa carbonara. Ayaw ko pati siya problemahin ang pagitan saamin ng lalakeng 'yun. Oo,gusto ko siya pero hindi ko kayang sugalin ang puso ko. No,hindi ko pa kaya.

"So siya nga? Akala ko ba lulusawin mo ang nararamdaman mo sakanya? Ilang beses mo 'yan sinabi sakin Linda at ilang beses ako naniwala. Pero hanggang ngayon pala,siya pa rin? Walang siyang gu--"

Tinignan ko siya at pinutol ang sinasabi niya. Wala siyang gusto sakin dati kaya pinangako ko sarili ko na lulusawin ko ang nararamdaman ko sakanya,pero hindi madali 'yun. Pero ngayon,gusto na niya ako. Gusto na ako ng taong matagal ko ng gusto.

"May gusto siya sakin Nance. Kanina ko lang nalaman."mahinang sabi ko. Nanlaki ang mga chinita eyes niya at napangaga sa sinabi ko. Sino ba naman ang hindi magugulat diba? Matagal ko na siyang gusto tapos hindi man lang niya ako pinapansin pero ngayon,gusto na niya ako. Galing diba?

"A-ano? G-gusto k-ka niya?"di makaniwalang tanong niya. Tumango lang ako at ngumiti ng pilit. Masaya ako dahil sa wakas gusto niya rin ako,pero hindi ko talaga kayang isugal ang puso ko. Hindi pa ngayon at hindi rin bukas.

Nagulat ako ng bigla siyang tumili at niyakap ako. Muntik pa nga akong mahulog sa stool na inuupan ko,mabuti nalang at nakakapit ako sa table.

"Oh my gosh bestfriend! Im so sooooo happy for you! Buti nalang talaga at napansin niya rin ang beauty mo! Omg,so kayo na?!"masayang bulaslas niya at kumalas sa yakap. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at niyugyog ako nung tinanong niya kung kami na ba. Bakas sa mukha niya ang saya. Sobrang saya niya. Pero ako,hindi ko kayang magdiwang dahil hanggang ngayon hindi ko pa kayang pumili.

"H-hinda pa. Pero hindi 'yun ang iniisip ko Nance. Oo,masaya ako kasi gusto niya rin ako pero hindi ko kayang isugal ang puso ko. Hindi ko kaya."malungkot na sagot ko. Duwag na kung duwag,basta hindi ko talaga kaya. Atsaka,gusto ko pa lang siya pero hindi ko pa siya mahal.

Hinaplos ni Nance ang pisngi ko at nginitian ako. Yung ngiti na 'nandito lang ako' kaya gumaan ng konti ang pakiramdam ko. Mabuti nalang talaga kasi may Nance sa buhay ko.

"Pag-isipan mo ng mabuti 'yan bestfriend. Wag kang magpadalos-dalos ng desisyon. At kung ready ka na,kausapin mo na siya."nakangiting sabi ni Nance. Tumango ako at ngumiti ng pilit. Pero sa loob-loob ko,nagdedebate ang dalawang importanteng organ sa katawan ko.

Puso: Ipaglaban mo ang nararamdaman mo. Huwag kang maging duwag at baka pagsisisihan mo na bitawan siya. Hawak-hawak mo na ang lalakeng ginugusto mo kaya huwag mo na siyang bitawan kasi siguradong masasaktan siya kapag bumitaw ka.

Utak: Minsan,kaylangan mo piliin ang bagay na mas makakabuti sayo kaysa sa ibang tao. Hindi masama ang maging masirili para sa ikakabuti mo. Mahalin mo muna ang sarili mo bago mahalin ang ibang tao.

Grabe,parang mas nahirapan ako pumili ngayon. Ano nga ba ang dapat na piliin ko,si puso o utak?

Under The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon