Chapter Ten - Sister In Law

8 0 0
                                    

Linda's POV [7]

Kanina pa ako sa harap ng condo ni Peter at wala pa rin akong lakas ng loob na mag-door bell. Jusme,bakit ba ako kinakabahan? Dahil ba dalawa lang kami sa condo niya? No,alam kong wala siyang gagawing masama sakin kasi HE RESPECT ME diba? Pero para sigurado,dinala ko ang pepper spray na niregalo ni Nance sakin nung debut ko.

Bumuga ako ng hangin at ininda ang kaba na nararamdaman ko. Pinundot ko ng tatlong beses ang doorbell at mamaya pa ay bumukas ito. Akala ko si Peter ang nagbukas,pero hindi pala. Isang matangkad,sexy,maputi at mukhang sosyal na babae ang bumukas ng pinto. Tinignan niya ako from head to toe at toe to head at napataas ang kanang kilay niya. Teka,sino ba 'tong mukhang maarte na babaeng 'to? Babae ba siya ni Peter? Anong ginagawa niya sa condo ni Peter? Jusme,bakit gusto kong sampalin ang magandang mukha niya ngayon? Ampupu.

"Sino ka?"tanong niya at nagcross arms pa. Ako dapat ang nagtanong sayo niyan! Bakit nasa condo ka ng lalakeng mahal ko? Argh.

"Ako si Linda Garcia. Ang babaeng kinakabaliwan ng lalakeng may-ari ng condo na inaapakan mo. Ikaw,sino ka ba?"sagot ko sakanya at nagcross arms din. Hindi ko talaga mapigilan ang maging maldita sa mga taong maldita. Mabait ako sa mabait at maldita ako sa maldita. At hindi ko siya hahayaan na agawin si Peter sakin.

Ngumiti siya ng malapad at bigla akong niyakap. Lah? Anong nangyayari sa babaeng 'to? Bipolar ba siya? Kanina sobrang maldita niya tapos biglang ngumiti na parang nanalo ng lotto at niyakap pa ako. Jusme!

Kumalas na siya sa yakap at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Nakangiti pa rin siya na halos umabot sa batok niya. Swear,ang creepy niya.

"So ikaw pala ang soon to be sister in law ko? Wow,you're so pretty naman! Im sorry pala kanina kasi akala ko fling ka ni Pete kaya sorry talaga kung nasungitan kita. But anyway,pasok ka!"masayang lintaya niya at pinapasok ako sa condo ni Peter. Ibig sabihin kapatid siya ni Peter? E bakit parang medyo malayo ang itsura nilang dalawa? Ampupu,okay na yun Linda! Kaysa naman malaman mong babae siya ni Peter diba?

Pinaupo niya ako sa sofa at umupo rin siya sa tabi ko. Ngumiti siya sakin kaya ngumiti rin ako. Alangan namang simangutan ko siya diba? So todo smile din ako sakanya.

"Si Peter po nasan?"nakangiting tanong ko sakanya. Nilibot ko rin ang tingin sa condo ni Peter. Infairness,ang linis at bango ng condo niya. Color white ang base tapos light blue ang mga furnitures. Super mega turn on na naman ako sakanya. Ampupu!

"Natutulog pa siya. Mga 9 pa 'yun magigising,7:30 palang. Nakabreakfast ka na?"nakangiting sagot niya. Ako na excited puntuhan si Peter! Actually,dapat lunch ako pumunta dito pero hindi ako makapali sa bahay kaya pumunta na ako dito. Hindi rin ako nagtext at tumawag sakanya para suprise. Oh diba? I'm so sweet talaga.

"Opo,nagbreakfast na ako sa bahay. U-uhm,sorry po pala k-kanina..."nahihiyang sabi ko at tumungo. Kasi naman e,nadala lang ako sa bugso ng aking damdamin! Chos. Pero kidding aside,sincere talaga ako sa paghingi ng sorry sa *ehem* sister in law ko. Oy Linda! Wag kang feeler.

"Nah,it's okay. Bakit ka pala pumunta dito? Dinadalaw mo si Pete o magdadate kayo? Yieee."biro niya at tinusok-tusok pa ang tagiliran ko. Ang kulit niya,para siyang si Peter. Napatawa ako ng mahina at umiling sa tanong niya. Hindi naman kami magdadate ni Peter e.

"A-ay hindi p-po! Hehehe."nahihiyang sagot ko at umiling ulit. Naku naman,mukhang aalaskahin ako ng sist-este ng ate ni Peter. Patay ka ngayon Linda.

"Ah ganun ba."malungkot na sabi niya at ngumuso pa. Napatawa ako ng mahina sa inakto niya,ang cute niya kasi. Ansarap kurutin nung rossy cheeks niya. Ampupu!

Nagbuntong hininga siya at pumunta sa harap ng isang pintuan. Nagulat ako ng bigla niya yung sinipa ng napakalakas na halos mabutas yung pinto. Woah! Ano naman ang nangyayari sakanya?!

"HOY PETER ISON! GUMISING KA NA DIYAN KUNG AYAW MONG SIRAIN KO ANG PINTUAN NG KWARTO MO! MAGDATE KAYO NG SISTER IN LAW KO! BILIS!"sigaw niya habang kumakatok ng malakas sa pintuan. Nakakanganga at nanlalaki ang mata ko habang pinagmamasdan ang ate ni Peter. Hano raw? Magdate kami ni Peter? Nasisiraan na ba siya? Atsaka...ANG AMAZONA NIYA HA! Grabe.

Bumukas ang pintuan na 'yun at lumabas ang isang adonis na bagong gising. Mas lalong lumaki ang mga mata ko at nahulog ata ang panga ko sa nakita ko. Nakaboxer lang siya na kulay blue at black sando na fitted. Magulo ang buhok niya at mapungay ang mata niya. Napalunok ako ng tatlong beses at napangaga ulit. He's freaking SEXY!

'May rereypin ata ako mamaya Lord. Im sorry in advance. Ampupu!'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Under The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon