Chapter Three - Butterfly Garden

13 0 0
                                    

Salita lang ng salita si prof habang ako naman nakatingin lang sakanya. Pero syempre,hindi ko pinapahalata at baka maghinala siya. Habang tinitignan ko siya,iniisip ko kung bakit ko nagkagusto sa kagaya niya.

Gwapo- Check

Matalino- Check

Mayaman- Check

Mabait- Check

No,hindi ko siya gusto ng dahil sa apat na 'yan. Gusto ko siya dahil may tiwala siya sa sarili niya. Tanggap niya rin kahit natatalo siya. May takot rin siya sa Diyos at kumakanta pa sa simbahan. Paano ko nalaman? Stalker niya kasi ako dati. Kahit yung brand ng damit at boxer niya,alam na alam ko. Kaya nga naging manyak ako e.

"Miss Garcia and Mister Ison."

Napalingon ako kay prof nung binanggit niya ang pilido ko at ang pilido niya. Oo,sakanya niya ang pilidong Ison (Ayson) at sakin naman ang Garcia. May hawak na class record si prof nung paglingon ko sakanya. Teka,bakit niya tinawag ang pilido namin?

May binanggit pa siyang mga pilido at nung matapos siya nilagay niya sa table ang class record. Nilibot niya ang tingin niya sa amin at ngumiti. 'Yan kasi eh,bakit hindi ka nakinig Linda? Wala kang alam tuloy.

"Goodluck sa special assignment niyo class. I hope lahat kayo makapasa in time. Class dismissed."sabi ni prof at inayos ang gamit niya. Nagpaalam SILA kay prof habang ako naman ay nakaupo pa rin. Nasa gulat stage pa kasi ako at wala talaga akong alam ang special assignment na pinagsasabi ni prof.

Lahat sila may pinuntahan at kinausap. Yung nakausap nila ang kasama nilang lumabas ng kwarto. Nagwave pa nga si Nance sakin nung lumabas siya ng room kasama si Girlie. Unti-unting naubos lahat ng classmates ko hanggang ako nalang mag-isa.

"Tara na. Kaylangan pa natin pag-usapan ang special assignment."

Napasinghap ako ng may nagsalita sa gilid ko. Akala ko kasi ako nalang mag-isa sa classroom,pero mas nagulat ako nung narinig ang boses niya. Ansarap sa tenga. Nilingon ko siya at nakita siyang nakangiti sakin. Grabe,nahihipnotize ako sa ngiti niya.

"A-ah oo! S-si-sige."natatarantang sagot ko at tumayo na. Lumakad na ako palabas ng classroom ng bigla siyang nagsalita.

"Iiwan mo ang bag mo?"natatawang tanong niya. Agad kong pinuntahan ang bag ko at kinuha 'yun. Nagmadali ako lumabas ng classroom habang siya naman hinahabol ako at mahinang tumatawa. Nakakahiya ka Linda! Diba dapat hindi ka magpapahalata na affected sakanya? Eh bakit ka nataranta kanina hah? Yung bag mo muntik ng maiwan sa classroom. Buti nalang good citizen si Peter. Yep,Peter ang pangalan niya. Peter Ison. Ah basta! Nakakahiya talaga! Argh.

"Nakakahiya ka Linda! Napakaobvious mo! Kalma ka nga!"inis na pinagalitan ko ang sarili ko. Nakakahiya kasi eh!

"Don't worry my angel. You are more cute if you blush like that."sabi niya at tinusok ang kanang pisngi ko gamit ng hintuturo niya kaya napatigil ako sa paglakad at nilingon siya. Nakangiti rin siya,kaya mas lalong nagkagulo ang mga butterflies ko sa tummy. Kakainis ka Peter! Bakit mo ako ginaganito? Alam mo bang nababaliw na ako kakaisip saiyo tapos papakiligin mo pa ako? Papatayin mo ba ako?

"A-anong sinabi m-mo?"mahinang sagot ko at kumunot ng konti ang noo ko. Grabe,anlakas din ng kabog ng dibdib ko. Parang lalabas na 'tong puso sa chest ko! Utang loob naman Peter,wag mo akong ganituhin.

Nanlaki ang mata ko nung nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Hindi naman ako makaatras kasi bigla niya akong inakbayan kaya trap ako. Ampupu,ang lapit lapit ng mukha niya! Naduduling na nga ako e. Pasalamat siya kasi hindi ako sadista,baka masapak ko ang poging mukha niya.

"I said,you are more cute if you blush like that. Can't resist my charm eh?"mahinang sagot niya at napalunok ako nung tumingin siya sa lips ko. Jusme,mabuti nalang gumamit ako ng lip gloss kanina kundi....Teka! Bakit ko pa iniintindi kung panget ang lips ko ngayon? Maghunos dili ka Linda!

MEDYO nalungkot ako nung inalis niya ang pagkaakbay sakin at lumayo ng mga 2 meters. OO,MEDYO LANG. MEDYO. Pero hala? Mabaho ba ako kaya lumayo siya ng 2 meters? Oa naman ni Peter.

"O-oh bakit ka lumayo?"tanong ko habang nakatingin sakanya. Bakas sa boses ko ang paghihinayang at lungkot. Ampupu naman kasi,nabitin ako! Hano daw? Nabitin? Pervert ka Linda! O siigiii,kausapin ang sarili.

Ngumisi siya at lumapit na naman sakin. Pero half a ruler yung layo ng katawan namin,hindi kagaya kanina na halos magkandaduling ako sa lapit ng mukha niya. Nilagay niya ang medyo mahabang bangs ko sa likod ng tenga ko. Gosh,itutuloy niya na ba?

"I respect you my angel. Liligawan pa kita at kahit maging tayo na,I'll still respect you. Kahit gusto ko pero kung ayaw mo,hindi ako magrereklamo."sabi niya at nginitian ulit ako. Wala na,naging butterfly garden na ang tummy ko. Lumabas na ang puso ko sa chest ko. Pinapahirapan talaga ako ng Peter na 'to. 

Oh ano Linda? Ano na ang pipiliin mo? Ang lalakeng nasa harapan mo na matagal mo ng gusto,o ang puso mo na hindi mo kayang isugal?

Under The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon