Chapter Six - Tara sa Condo

7 0 0
                                    

"Hindi ka pa rin matapos tumawa diyan? Nakakainis ka na Peter! Pagkatapos mo akong pakiligin,tatawan mo lang pala ako sa huli? Nang-aasar ka ba?"singhal ko sakanya at nagcross arms. Hindi naman talaga ko naiinis or what,pinapakita ko lang sakanya na hindi ako affected sakanya kahit affected ako. Acting ko lang 'to mga kaibigan.

Tumigil siya sa kakatawa pero ngumisi pa ang loko. May saltik na ata sa ulo ang lalakeng 'to. Don't tell me nahawa siya sakin? Dejoke.

"Kinilig ka kanina? So you don't like me pala hah? Oh wag kang magblush my angel kasi mas naniniwala akong may gusto ka talaga sa isang Peter Ison."natatawang sagot niya at tinaas baba pa ang dalawang kilay niya. May tinatago palang kayabangan ang isang 'to ah. Tsk tsk. Pero hano raw? Namumula ako? Weh? Hindi kaya ako namumula kapag kinikilig or nahihiya...nauutal lang ako! Ampupu naman.

"E-ewan k-ko sayo. Kakainis ka! Hmp."singhal ko at hinampas siya ng bag ko. Tumawa lang ang mokong kaya nilagpasan ko siya at pumasok na sa main gate. Andami kong kadramahan,hindi tuloy ako nakaattend ng Statistics. Speaking of statistics,hindi pa namin nasisimulan ang special assignment namin. Naku,next week na pala ang deadline nun!

Tumigil ako sa paglakad at nilingon siya. Pero saktong paglingon ko,tumama ako sa isang poste. Poste? May poste ba sa gitna ng main gate? Pagtingala ko,si Peter lang pala. At naduduling na naman po ako dahil sobrang lapit ng mukha namin.

"K-kaylangan n-na natin s-si-simulan ang sp-special assignment."sabi ko habang nakatingin sa lips niya. OO NA! AKO NA ANG ANGEL NA MANYAK! E KASI NAMAN,SOBRANG NAKAKATUKSO ANG LALAKENG 'TO. KAKAINIS!

Ngumiti siya at nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. Nasitaasan ang balihibo ko from head to toe nung naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. Tapos naamoy ko rin ang hininga niya,amoy listerine.

"Tara sa condo."bulong niya at inalayo niya ang mukha niya. Nakangisi pa rin siya at ang lagkit ng tingin niya sakin. Nanlaki ng bonggang bongga ang mata ko at nagform sa small letter o ang bibig ko. TARA SA CONDO? ANONG GAGAWIN NAMIN DUN? GAGAWA NA BA KAMI NG...NG....NG...JUSME! ANG BATA BATA KO PA.

Tumawa siya ng mahina at sinarado ang bibig ko gamit ng right hand niya. Lumunok ako at hinawakan ang dibdib ko. Grabe,ang lakas ng kabog ng puso ko. Ampupu naman kasi! Bakit pupunta kami sa condo niya?

"Bukas na lang pala my angel at baka hinahanap na tayo ni prof. Tutal sabado naman bukas so wala tayong pasok. Tara na."nakangiting sabi niya at kinaladkad na ako papunta sa classroom. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa braso ko at binaling ang tingin ko sa mukha niya na saksakan sa kagwapuhan.

"A-anong gagawin natin s-sa c-condo mo b-bukas?"tanong ko habang nakatingin sa kanya. Hindi siya lumingon sakin pero nakangiti pa rin ang mokong. Ikaw ba naman imbitahin sa condo ng lalakeng nasa kanya na ang lahat? Makakapagpigil ka ba o ano? Kasi kahit ata angel hindi matatakasan ang tinatawag na tukso. At nagawa ko pang magjoke no? Teka,joke ba 'yun?

"Diba sabi mo kaylangan na natin simulan ang special assignment? So bukas dun tayo gagawa. Ayaw mo ba? Gusto mo sa bahay niyo?"sagot niya at tumingin sakin. Sa bahay namin?! NO,HINDI PWEDE. HINDI TALAGA PWEDE.

"N-NO! S-SA CONDO MO NA LANG!"natatarantang sigaw ko at iniwas ang tingin sakanya. Hindi talaga pwede,kahit si Nance hindi ko pinapayagan pumunta sa bahay namin. Mahirap na at baka makita siya nina Lucille at Armand.

"O sige. Nandito na tayo."sabi niya at binatawan ang braso ko. Kumatok siya at binuksan 'to ni prof. Tinignan niya kaming dalawa at kumunot ang noo niya. Patay.

"Saan kayo galing Miss Garcia at Mister Ison? Bakit ngayon lang kayo?"tanong niya at tinaasan pa kami ng kilay. Napatingin ang mga kaklase ko samin. Jusme,sana pala hindi nalang kami pumunta dito. Sana dumiretso nalang kami sa next subject.

"Kasi prof.."

Pinutol ni Peter ang sasabihin ko at siya ang sumagot. Nakangiti pa ang mokong na para bang hindi kinakabahan. Namamawis na nga ang kamay ko sa kaba tapos siya pangiti-ngiti lang.

"Masakit po kasi ang tiyan niya kanina kaya lumabas siya ng classroom. At dahil po nag-alala ako,sinundan ko siya at tinulungan."kaswal na sagot ni Peter at inakbayan pa ako. Tinignan ako ni prof binigyan ng 'Totoo-ba-yun-wag-kang-magsinungaling-look'. Tumango nalang ako kahit ayaw ko magsinungaling. Im sorry prof.

"Sa sususunod,magpaalam ka Miss Garcia kung gusto mong lumabas ng room. O siya,pumasok na kayo."sabi ni prof kaya pumasok na kami ng classroom. Nag-yihiiiee sila kaya nagtaka ako. Yihiiee?

"Mister Ison,alisin mo na ang pagkaakbay mo kay Miss Garcia kasi hindi siya makakaupo."sita ni prof at pinatahimik ang classmates ko. Kaya pala nag-yihiiee sila. Ampupu!

Inalis na ni Peter ang pagkaakbay sakin at pumunta na sa proper seats namin. Pero before kami nagkalayo,bumulong pa siya sakin. At nagmistulang butterfly garden na naman ang tummy ko.

"Wag kang malungkot my angel,magkikita naman tayo bukas."

Under The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon