Chapted Five - Denying Angel

6 0 0
                                    

Nakapagdecide na ako. Bahala na kung ano ang kinalabasan ng decision ko,basta wala ng atrasan 'to. Siguradong masasaktan din ako sa gagawin ko,pero mas malaki ang chance na masaktan ako kapag sinunod ko ang puso ko.

Alam kong masasaktan siya kapag bumitaw ako,pero mas mahal ko ang sarili ko kaya kaylangan ko maging makasarili kahit isang beses lang. Binaliwala ko na lang sinisigaw ng puso o ng hypothalamus ko.

Ininda ko ang paninikip ng dibdib ko,umiinit na rin ang sulok ng mata ko. No,wag kang magpahalata Linda! Pigilan mo. Kaylangan mo maging mamatag okay? Breathe in. Breathe out.

'Im sorry Peter,gusto lang kita pero mahal ko ang sarili ko.'

Pinalipad ko na ang paper plane papunta sakanya at kinuha ang bag ko at lumabas ng room. Hindi ko rin kayang makita ang reaction niya sa sinulat ko sa paper plane. I know na magtataka siya kung bakit 'yun ang sinulat ko dun. Pero bahala na. BAHALA NA TALAGA!

Tumakbo ako ng mabilis,sobrang bilis. Yung parang nasa marathon ako,pero tumatakbo ako hindi dahil sa pera. Dahil ayaw ko mas lalong masaktan kapag nakita ang reaction niya.At kung tumatakbo ako,hindi magtatagumpay ang luha ko sa pagtulo. Pero sadyang tanga ako kasi nakalimutan kong nakasuot ako ng heels kaya nadapa ako. Sabay ng pagkadapa ko ang pagtulo ng luha ko sa sahig. Pinanuod ko lang ang dumadaming luha ko sa sahig kung saan ako nadapa. Nanlalambot ang paa ko kaya ayaw ko tumayo at baka madapa ulit ako.

"Bestfriend! Omg bestfriend! Ayos ka lang?!"

'Hindi ako ayos Nance. Hindi..'

Narinig ko ang yabag ng paa ni Nance,siya lang naman ang tumatawag sakin ng bestfriend e. Tinulungan niya akong tumayo pero napaupo ako kasi nanlalambot ang tuhod ko. Pinunasan ko ang basang pisngi ko at napatingin sa mga taong nasa hallway. Class hours pa pero may konting students pa ang nasa hallway. So meaning,nakita nila ang munting eksena. Kakahiya ka Linda.

"Anong nangyayari sayo bestfriend? Bigla ka nalang lumabas ng classroom kaya sinundan kita. About ba sakanya?"tanong ni Nance at lumuhod sa gilid ko. Inayos niya pa ang buhok ko na nagulo dahil sa kakatakbo ko. Umiling lang ako at kusang tumayo kahit nanlalambot pa rin ang tuhod ko. Inalis ko ang heels sa paa ako at tumakbo na naman ulit. Lumabas na ako main gate at tumawid sa kalsada,pero may bumisina sa gilid ko at laking gulat ko ng may paparating na truck. Katapusan ko na ba 'to? Dito na ba matatapos ang buhay ko?

Naramdaman ko na bumunggo ang katawan ko sa matigas na bagay at may yumayakap sa katawan ko. Teka,YAKAP? Tapos nanunuot sa ilong ko ang pabango ng bagay na 'to. Teka wait,familiar ang amoy na 'to ah! Dinilat ko ang mata ko at napatingala sa bagay na nakayakap sakin. Hindi pala bagay,TAO siya. At boom,si Peter Ison lang naman ang nakayakap sakin at ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Naduduling naman po ako. Pero bakas sa mukha niya ang INIS? GALIT? AT...LUNGKOT? LAH?

"May balak ka bang magpakamatay Miss Linda Garcia? Magpapakasal pa tayo at magkakaanak alam mo 'yun?"inis na singhal niya habang nakatigin sa mata ko. Kasal? Anak? HAH? Hindi pa nga kami mag-on tapos kasal at anak na agad? Uyyy,HINDI PA. May PA so meaning may chance pa kayo. Heh! Manahimik ka malanding konsensiya.

"H-hah?"parang tangang sagot ko sakanya at nakipagtinginan din sakanya. Syempre no,susulitin ko na ang oras na magkausap kami kasi baka eto na ang huling pag-uusap namin.

"Kahit sabihin mo na I don't like you Peter ng paulit-ulit,hindi ako titigil na ligawan kita. Kahit sobrang pakipot at hard to get ka,hindi pa rin ako susuko kasi mahal kita Linda."seryosong sabi niya at hinigpitan ang yakap sakin. Siguro nararamdaman niya ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sobrang saya sa sinabi niya. Napangiti ako ng malapad pero biglang naglaho nung naalala ko ang kalabasan nito. Kaylangan ko isugal ang puso ko kapag sinagot ko siya.

"U-uhm P-peter,pero h-hindi ako r-ready..."mahinang sagot ko. Sumapi na naman ang malanding konsensiya ko at napatingin sa pinkish na lips ni Peter. Medyo basa 'yun kaya mas lalo akong..akong..natutukso? Malanding konsensiya: Halikan mo na 'yan Linda! Jusme,pakipot ka pa kasi e! Nasa harap mo na ang grasya oh,aarte pa?

"Hindi ka ready pero ganyan ka makatingin sa lips ko? Pinagnanasaan mo ba ako my angel?"biro niya at ngumisi. Naexpose tuloy ang colgate smile niya kaya napamangha ako habang nakatingin sa lips at ngipin niya. Napalunok ako ng dalawang beses at tumingin nalang sa mata niya. Nakangiti ang mata niyang kulay chocolate. Masaya pa siya kahit binusted ko siya sa paper plane. Manhid ba 'to?

"H-hi-hindi kita p-pinagnanasaan! K-k-kapal n-ng mukha m-mo."sagot ko sakanya at hinampas ang dibdib niyang medyo matigas. Nakayakap kasi siya sakin tapos ang dalawang kamay ko nakapatong sa ehem! Sa chest niya.

"Talaga lang ha? Sige na nga,sabi mo e. Pero parang nageenjoy ka ata sa yakap ko my angel?"natatawang sabi niya kaya tinulak ko na siya at baka mas lalong maghinala ang lalakeng 'to. Tumatawa siya habang ako naman nakakunot ang noo ko. Gusto ko siyang hali-este batukan para tumigil siya.

Malanding konsensya: Pero aminin mo,pinagnanasaan mo siya kanina diba? Uyyy,peg-ebeg na ba 'yan Linda? Aminin~

Heh! Tumahimik ka. Hindi ko nga siya pinagnanasaan. Asa siya.

Under The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon