Chapter 13

11.6K 303 4
                                    

"THAT'S some kind of a great idea!" tumatawang sabi ni Pio sa telepono. Kararating lang nito at ni Sandy mula sa honeymoon. "I'll tell my very beautiful wife."

Nagkatinginan sina Georgie at Sandy.

"Ano na naman 'yan?" tanong ni Sandy sa asawa.

Ni hindi tinakpan ni Pio ang mouthpiece nang sagutin si Sandy. "Mamaya ko sasabihin sa iyo, honey babe."

"Baka kung ano na namang kalokohan 'yan," sabi ni Sandy at tumingin kay Georgie. "Alam mo ba ang ginawang katangahan ng lalaking 'yan do'n sa Boracay?"

Umiling siya.

Tumawa muna ito bago nagkuwento. "Nahulog ba naman sa bangka, eh ang layo pa namin sa Boracay. Ang kulit kasi, magpapa-picture daw. Tumuntong pa sa upuan sa bandang dulo ng bangka. 'Ayun, nabaligtad. Sabi n'ong bangkero, bukod-tangi raw si Pio na nahulog sa bangka."

Nakitawa na rin siya dahil na-imagine nga niya ang hitsura ng lalaki.

"'Tapos alam mo pa," humawak pa sa braso niya si Sandy, "may kinaibigang Amerikano. Naaliw naman yung Amerikano sa kanya, 'ayun, ayaw siyang tantanan. Kahit saan kami pumunta, nakasunod."

"Bading 'yon, honey," sabad ni Pio. Ibinalik nito sa cradle ang telepono at inakbayan ang asawa.

Wala siyang magawa kundi ang mainggit. Bakit si Sandy, masuwerte?

"Inggit ka 'no?" wika naman ni Pio na nabasa yata ang damda­min niya.

Lumabi siya.

"Maiba tayo," wika muli ni Pio. "Yaman din lang na nandito na kaming mag-asawa, hindi kaya kalabisan ka na rito?"

Napatunganga siya, ganoon din si Sandy at nagkatinginan sila.

"He's joking, right?" anas niya kay Sandy.

Imbes na sumagot ay tumingin ito kay Pio, nagtatanong din ang mga mata.

Ngumisi si Pio. "May nag-suggest lang kasi. Merong isang bahay, malapit lang dito, na nangangailangan ng presensiya ng isang babae. Baka raw gusto mong doon lumipat."

"Sino ang nag-suggest?" tanong ni Sandy. "Baka naman isipin ni Georgie na itinataboy natin siya." Bumaling din ito sa kanya. "Huwag mong seseryosohin lahat ng sinasabi ng taong 'to, Geor­gie."

"Kaninong bahay?" tanong naman niya.

Lalong lumuwang ang ngiti ni Pio. "Kay Vicente. Siya yung kausap ko sa phone. Kasi raw, maliit nga naman itong unit para sa ating tatlo. Si Melba pa. Alangan namang magsiksikan kayo sa isang kuwarto."

"H-hindi ka nagbibiro? S-si Vicente talaga ang kausap mo?" tanong niyang hindi makapaniwala, pero ganoon na lang ang ikinasiya.

"Mukha ba akong joker?" tanong ni Pio. "Mas maganda raw doon sa bahay niya dahil may aircon sa kuwarto. Dito nga naman wala."

Ayaw pa rin niyang lubusang magpatangay sa ligaya. "May bahay naman pala siya, eh, bakit hindi niya kaagad ako do'n pinatira?"

"Kasi nga, nahihiya siyang mag-offer. Baka raw galit ka pa sa kanya. Pero okay na yata kayo ngayon."

"Medyo," sagot niya. Hindi naman sila madalas magkita at magmumukha lang siyang isip-bata kung aawayin pa niya ito.

"Good. Magbalut-balot ka na at ihahatid kita roon ngayon din, para naman maipagpatuloy namin ng loves ko ang honeymoon namin."

"Hindi kayo nagsasawa?"

"Kumbaga sa pagkain, itong misis ko, kanin. Laging kailangan para mabusog." He kissed Sandy's neck.

"Okay, I'll pack. Melba!" tawag niya sa alalay.

Kakaunti lang naman ang gamit niya kaya wala pang trenta minutos ay tapos na siya. Si Pio ang naghakot ng mga iyon sa pickup.

"Sandy, honey, dito ka lang muna. Magpahinga ka na. Sandali lang ako."

Hinagkan niya sa pisngi ang babae. "Thanks, Sandy."

"Ingat kayo," bilin nito.


SA PANGATLONG kanto buhat sa kalye nina Pio, kumanan sila. Ilang metro lang buhat doon ay huminto ang pickup sa harap ng isang bungalow. Berde ang gate, berde rin ang bubong ng bahay. Bumaba si Pio at ito na ang nagbukas ng gate, pagkatapos ay ipinasok ang pickup.

"Nasaan si Vicente?" tanong ni Georgie.

"Nasa Balayan, bumibili ng bagoong. Favorite mo 'yon, 'di ba?"

"Niloloko mo naman ako, eh. Oo, na. Kilig na kilig na ako." She giggled.

"Seriously, may problema 'yong branch ng Fortune doon kaya lagi siyang nandodoon. Mamayang gabi pa siguro ang uwi n'on." Bumaba ito at kinuha ang mga gamit niya, binitbit hanggang front door at binuksan iyon. "Tuloy ka na. 'Yong naka-lock na kuwarto, kay Vince. 'Yong hindi naka-lock ang gamitin mo."

She stepped inside. Ang una niyang napansin ay ang malaking painting sa dingding sa itaas ng sofa. Kapansin-pansin iyon dahil kapansin-pansin naman talaga ang parang apoy na kulay ng birds of paradise. The painting was done in oil at parang totoong-totoo ang mga bulaklak.

Then she studied the rest of the immediate surroundings. Simpleng-simple lang naman ang lay-out ng bahay. May dalawang magkatabing kuwarto sa gawing kanan. Sa bandang unahan ay may malaking console na siya na ring divider ng sala at komedor.

May malaking TV sa gitna niyon, then the usual appliances. Marmol ang sahig na tingin niya ay kulang sa lampaso, hindi masyadong makinang. Alam na niya ang unang ipagagawa kay Melba. Magpapabili siya ng floor wax.

She felt elated just thinking about making the floor shine. Siya ang magiging reyna ng bahay na iyon. Come to think of it, iyon din siguro ang gustong mangyari ni Vicente kaya iminungkahi nito na lumipat siya roon. Hindi lang siguro ito makapagsabi nang diretso sa kanya. Mula noon kasi, hanggang ngayon, may katorpehan pa rin ang lalaki. But that only made him all the more appealing.

"It's nice. Cozy," komento niya.

"Hintayin mong maglabasan ang mga daga," wika ni Pio.

"What? There are rats here?"

"Maliliit pa lang. Ayaw lasunin ni Vince, baka raw bumaho."

"I'll get rid of those—" Natigilan siya dahil biglang may kumahol sa bandang kusina. "May aso rin?"

"Si Douglas 'yon. Lumabas na naman, hindi naman marunong pumasok." Pumunta sa kusina si Pio, sumunod siya. Binuksan nito ang pinto roon.

Pagkabukas niyon ay agad itong dinayb ng isang pitbull. Niyakap ni Pio ang aso. "Saan ka na naman nanggaling, pare ko?"

Kumahol ang aso. Mayamaya ay naamoy yata siya, sa kanya tumingin at biglang umungol.

"Easy, Douglas. Tita 'yan." Inilapit sa kanya ni Pio ang pitbull. "Douglas, meet Georgie; Georgie, meet Douglas."

"H-hi!" sabi niyang nakangiti. "That's a pitbull. B-baka lapain niyan si Mary."

"Hindi. Mabait 'to. Hindi naman 'to trained para lumaban, eh." Inilapit pa nito sa kanya ang aso, hinayaang singhutin siya. "Hawakan mo sa ulo. Kilala ka na nito."

Ganoon nga ang ginawa niya. Sininghut-singhot lang ng aso ang kamay niya, pero hindi na kumahol.

"Good boy." Ibinaba ito ni Pio. "Hindi na ako magtatagal. Bahala ka na rito. Wala namang aano sa inyo rito. Takot kay Vince ang mga tagarito."

Inihatid niya si Pio hanggang sa gate. "Salamat, ha. Ingat ka na lang pabalik."

Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon