NILALARO ni Georgina si Mary sa kabilang kama nang maramdaman niyang gumising na si Vicente. Nang lingunin niya ito, he was staring at her. A hint of smile was on his mouth, para bang ginugunita ang nangyari nang nakaraang gabi.
"Good morning. Nagluto na ako ng breakfast. Hinintay lang kitang magising."
Hindi ito sumagot, patuloy lang siyang pinagmasdan. It thrilled her, but it also made her conscious. Bumaba siya mula sa kama at hinila ang kamay nito. "Bumangon ka na. Nagugutom na ako."
With a groan, he pulled himself up. "Anong oras na?"
"Eight-thirty."
"May kuryente na ba?" Maingat nitong itinapis ang kumot sa sarili.
"Wala pa nga, eh."
"Bakit kaya?" Tumayo ito. "Mauna ka na, magbibihis lang ako."
Nang sumunod ito sa komedor, naka-T-shirt at shorts na ito.
"Hello, Douglas," bati nito sa alaga. Tumingin lang dito ang aso.
"Manang-mana sa iyo ang alaga mo," sabi niya nang abutan ito ng kape. "Hindi malaman kung ano ang iniisip."
"'Di mo talaga malalaman ang iniisip niyan. Aso 'yan, eh."
"Ha! Ha! You know what I'm talking about. Kumain ka na."
He gave her that lingering look again, pagkatapos ay tahimik silang kumain. She wanted to ask him questions, pero hindi siya makapag-umpisa.
Pagkakain ay pumasok na ito sa banyo para maligo. Binalikan naman niya si Mary. Twenty minutes later, pumasok ang lalaki sa kuwarto, medyo tumutulo pa ang basang buhok.
"Ibinaba mo ba ang fuse?" tanong nito, kunot ang noo.
Nangunot din ang noo niya. "Hindi. Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Nakababa, eh. Kaya pala tayo lang ang walang ilaw."
Sino ang magbababa niyon, eh, silang dalawa lang naman ang tao roon? Imposible namang si Mary, lalo namang imposibleng si Douglas.
"Baka ikaw ang nagbaba," wika niya. Ang tanging eksplanasyon na naisip niya ay sinadya nitong patayin ang main switch para magkaroon ng pagkakataong makalapit sa kanya. Natotorpe siguro ito kapag maliwanag, di padilimin!
"Why would I do that?" tanong din nito.
She just shrugged.
"Kung hindi ikaw ang nagpatay ng kuryente, lalong hindi ako. Wala namang nakapasok dito dahil hindi naman sira ang kandado ng pinto. Baka napatay mo nang hindi sinasadya."
"Paano mangyayari 'yon? Ni hindi ko nga alam kung saan nakalagay 'yong switch. Hindi naman ako magagalit kung aaminin mong ikaw ang pumatay n'on. Alam na alam ko naman ang mga style mo." She grinned at him.
"Don't start with me. I didn't do it."
"Di hindi."
Parang sira na ang mood nito nang lumabas ng kuwarto. Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik ito, bihis na. "Aalis na ako."
"Ingat." Hinintay niyang gawaran siya nito ang goodbye kiss, pero si Mary lang ang nakatanggap niyon—sa bumbunan. Sa inis, hindi na niya ito inihatid sa labas.
KATATAPOS lang niyang paliguan si Mary at kasalukuyang binibihisan nang tumunog ang telepono. Agad naman niyang sinagot iyon sa pag-aakalang si Vicente iyon.
BINABASA MO ANG
Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed)
RomansPinalayas ng kanyang ama si Georgina Yulo kaya naisipan niyang humingi ng tulong kay Pio Andong. Napadpad siya sa Bud Brothers Farm. Doon ay ibinigay sa kanya ni Pio ang lahat ng kailangan niya. But there was a catch: Sa ayaw niya at sa gusto, araw...