GELLIE'S POV
"Alonzo, Maria Angelique Martin"
Eto na!! Eto na ang isa sa pinakaiintay kong araw, ang makatungtong muli sa stage na ito at tawagin ang aking pangalan. Gagraduate na ako ng highschool sa wakas!
Pag-akyat ko sa stage, kuha si diploma shake hands kay Principal Hidalgo. Tapos bigla niyang sinabin
"Gellie, galingan mo sa College tulad ng Ate at Kuya mo ha? Alam kong proud na proud sa'yo Mom mo"
Nagsmile naman ako kay Principal Hidalgo and told her
"Opo Mam, Salamat po sa lahat.", me with a wide smile on my face.
Mangiyak-ngiyak ako nung sinabi ni Principal Hidalgo yun. Siyempre nakakataba ng puso na sabihin yun ni Mam sakin. Close kasi si Mama and si Mam kasi co-teachers sila. Though minsan e madaming pinapagawa si Mam sa kanya, pero keri lang ni Mama kasi matagal na din naman siyang nagtturo.
Pagbaba ko ng hagdan, naupo na ulit ako sa upuan ko. Kami ang last section na tinawag kasi alphabetical din sa section. Halos 30 minutes din bago natapos yung pagtawag sa names naming magkakaklase kasi 45 students kami. Tumayo na ako, loyalty award na kasi ngayon ang tatawagin. Si Mama ang magssabit ngayon ayon sa napag usapan sa bahay kanina.
Naiiyak ako kasi hindi umuwi si Papa. I thought he will be here on this special day. Dati kasi pag graduation nauwi siya kahit gaano ka busy, walang absent pag dating kay Ate at Kuya. Hayyy. Baka talagang madaming tambak na gawain. Naiintindihan ko naman kasi para din naman yun sa amin. Lalo na ngayon atdalawa kaming magccollege nio Ate.
Tumaas na kami ni Mama shake hands tas nagcongratulate si Mam Hidalgo sa kanya. Then picture, then baba.
Actually I have 8 awards. Therefore, 9 times akong tataas at bababa ng stage. Yung awards ko? 2nd honorable mention, Champion Math Contest, Dalawang PTA Awards, MTAP, Girl Scout of the Year, Loyalty Award, at yung pinakamataas na award sa school is the Leadership Award.
Nakapagsabit na ng award si Mama, si Kuya, si Ate. Hayyy. Sobrang sayang talaga kasi hindi ako massabitan ni Papa ng award.
Bale natawag na lahat ng awards, pati Honorable Mentions. Ngayon, Leadership Award naman, and every year dalawa lang ang nabbigyan ng ganitong award. Usually isang boy and isang girl pero ngayon tatlo, two boys and one girl. Dalawa sa general class and isa sa science curriculum. Luckily, kaming magbestfriend ang leadership awardee at si ex crush, kung sa ranking ako pinakamataas sunod si bestfriend, Frince Daniel Perez, then si Valedictorian, si Kurt Morillo.
Si Kurt, chinito, maputi, 5'6" ang height, varsity ng volleyball, drummer and dancer din siya katulad ko. Panlaban ng school sa mga pageants kasi kung sa babae "Beauty and brains" siya. Oo ideal si Kurt. Sobrang ideal niya. Kasi bukod sa active siya sa extra curricular, active din siya sa acads. Kaya nga siya Vale e. Kasi magaling siya. At oo isa yan sa heartthrob sa buong HS dept. Dati we're bestfriends kaso nagkagusto siya sa akin sabi ko pigilan niya kasi kaya kami nasa school para mag aral saka ang bata pa namin non sabi ko pa sa kanya pag 18 na'ko or pagkagraduate ng hs saka siya maging ganun sa'kin at dapat sa harap ng papa ko. Kaso talagang bilog and mundo, ako na ang may gusto kay Kurt e. At ang masaklap may girlfriend na siya, ka-dancer ko, maldita at ubod ng arte, si Violet.
Si Frince, yung bestfriend ko, chinitong maputi din, pero sobrang liit ng mata nan, kaya kapag natawa kala mo tulog, 5'7" ang height kaya varsity ng basketball, magaling naman yan magguitara at kumanta. Kaya madaming naiinlove na babae. Naging panlaban na din siya ng pageants kaso minsan umaayaw din yan. Magaling din yan at mabait, parang ako lang din yan. Pero kabaliktaran ko yan, mahal na mahal naman niya ang science. Kaya siya lagi ang tutor ko sa science e. Di siya nakapasok sa Sci. curr kasi nalate siya ng enroll kasi nagbakasyon sila non sa US. Basta para ko na yang kambal kasi kasundo ko sa lahat ng bagay and he's a sweet guy.
Sa leadership award nga pala, kahit ilan ang pumunta sa stage kahit buong pamilya mo pa isama mo okay lang. Haha. Pero realtalk, ganun sadya, kaso sa lagay ko? Baka si Mama and Kuya na lang then si Ate mag picture.
"Best! Nasaan na sina Tita?", me
"Nagpunta pang CR si Mama, kinabahan ata e, hahaha, alam mo naman si Papa, di ppunta ng wala si Mama, eh sina Tita?", Frince
"Sabi ko kasi kapag tinawag na si Kurt saka sila pumunta", me
"Kurt Alcaraz Morillo"
Napatingin ako sa likod at nakita sina Tito at Tita kasunod si Prince at Ate Princess na isa sa bestfriend ni Ate Gellai. (Actually, tatlo silang magbebestfriend)
"Hi, Tito, Tita, congratulations po sa inyo!", me, sabay kiss sa cheeks ni Tita and hug kay Tito"Nako iha, ikaw ang dpat icongratulate namin napaka dami mong awards! Congratulations din!" , Tita Mel
"Salamat po. Hi Ate Princess and Prince!", me, sabay kiss kay Ate Princess at Prince, tas biglang yakap naman si Prince.
"Hoy Gellie, punta ka sa'min mamaya ha?", Ate Princess
"Oo naman Ate! Papahuli ba ako?
Princeeeeeee! Cute cute mo talagaaaa!", me sabay kurot sa pisngi niya.
"Frince Daniel Miranda Perez"
"Jan ka muna Gellie!", bulong ni Ate Princess.
Oh my! Tae. Ako na pala ang sunod wala pa din sina Mama at Kuya. Grabe. Ang lakas na ng tibok ng puso ko. Huhu. Kinakabahan na ako. Pag tingin ko sa likod wala pa din sila.
"Maria Angelique Martin Alonzo"
BINABASA MO ANG
My Chinita Princess
RomanceGellie is a new high school graduate. Gustong gusto niyang kasama and family niya sa lahat ng achievements niya. She's a family-oriented person. She loves to play different kinds of instrument and a very talented and very bright girl. And after he...