Chapter 3

11 0 0
                                    

"Gellie, congratulations ha?", Kurt, biglang abot ng kamay niya.  Nangangatal ako at di ko alam ang ssabihin ko.  Baliw talaga tong si Frince! Nakakainis.  Di niya ba alam na ang awkward ng ganun? Nakakahiya kay Kurt.

"Gellie? Okay ka lang ba?", Kurt, sabay smile. Tapos aaaaaaah! Yung smile niya. T.T parang matutunaw akoooo

"Ah .. E..  Ay oo! Salamat! Congratulations din!", me, sabay smile at abot ng kamay upang magshakehands kami.

"Gellie, graduate na tayo ng highschool, dami mo awards, as expected isa ka pa din sa madaming awards.  Wag kang magbabago sa college ha? Keep in --", di pa natatapos si Kurt magsalita ng biglang sumabat si Ate Gellai sa mejo malayo, mga one meter away.

Patay! Nangangamoy asar to ah!

"Ayieeee." , Ate. Sabi na nga ba e, ndi ako nagkakamali sa sasabihin ni Ate. 

"Hi Kurt! Congratulations ha! Oh picture muna kayo ni Gellie!" , Ate Gellai, sabay hawak ng SLR na nakasabit sa leeg niya.

"Thanks Ate Gellai!  Sige po.", Kurt tas nagsmile siya kay Ate.

"Oh game ha, 1, 2.." Ate Gellai

Bago pa maka 3 si Ate, nabigla ako sa ginawa ni Kurt, hinawakan niya ako sa balikat !!!!! At ayun napatulala na nga ako sa ginawa niya!! Nakakainis tong si Kurt !! Di ba niya alam na may feelings ako for him? Omoooo!!!

"Gellie! Isa pa! Huy!" ,Ate Gellai

Biglang bumulong sakin si Kurt,

"Gellie, isa pa daw saka papapicture pa tayo sa official photographer at kay Ate Kurtney. Di purkit nireject mo ako dati e ititigil ko na yun."

Lumalakas nanaman ang tibok ng puso ko. Ano ka ba Kurt!! Akala ko nalink ka na sa iba.  May Violet ka na e. Ano ba to! Para ka ding si Frince. Baka kayo talaga ang mag bestfriend ni Frince. Parehas kayong mahilig sa surprises.

Pataaaay!! Padating na din si Ate Kurtney, kapatid naman siya ni Kurt. Isa din siya sa bestfriend ni Ate Gellai. 

Kaloka.  Nakakahiya na to.  Kelangan kong tanungin si Kurt sa kalokohan niya.  Baka mamaya bigla akong sabunutan nung nakakainis niyang girlfriend.

"Kurt, nasisiraan ka na ba? Di ba may girlfriend ka.  Wag ka nga humawak sa balikat ko. Baka mamaya magselos pa yung girlfriend mong si Violet na ubod ng arte sa katawan!", sabay irap at tanggal ng kamay niya sa balikat ko.

Bigla naman niya akong hinarap at sinabing

"Nagseselos ka ba sa Violet na yun? Hahaha.  Ikaw talagaaaaa!" Sabay pinch niya sa pisngi ko

May parang biglang dumating dahil nakita ko sa peripheral view ko.

"Aray! Kurt! Tanggalin mo yan! Ano baaaaaa!", me sabay palo sa braso niya.

May bigla nnamang nagflash na camera. 

"Oyyyyyy!! Ano yan ha! Picture na! Andito na si Kurtney oh!" , Ate Gellai

"Hoy kayo ha! Hahaha. Ang sweet niyong tingnan!", Ate Kurtney, sabay apir kay Ate Gellai at biglang may nagflash na SLR. 

"Gellie, walang KAMI. ikaw pa din andito oh" Kurt, sabay turo sa puso niya. 

Di ko na alam ang ssabihin ko. Napahinto na lang ako. Is he confessing his feelings again to me? Akala ko sila ni Violet?? Ayyyy!! Ang gulo niya.  Sobrang gulo.  Bahala na. Moment ko tong graduation na'to.  Bahala siya. Bahala sila!

My Chinita PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon