Gagraduate na ako ng high school, sa wakas! Magccollege na ako at gusto kong maging isang guro katulad ni Mama pero hindi e, ayaw niya akong maging isang guro tulad niya, madali ang inaaral nila pero yung trabaho daw nila, yun ang isa sa pinakamahirap na gawain, ang maging isang guro. First choice ko ang Educ, tapos second choice naman ang Engineering, at Third Choice naman ang IT. Lagi namang top 3 ang kinukuha kaya yan lang yung gusto kong courses.
Second choice ko ang Engineering course kasi favorite ko ang Math. Hindi naman sa pagmamayabang, lagi akong top 1 sa klase. At laging nasa top 3 ang pangalan ko sa general classes. Lima ang section namin dito sa Academy na pinasukan ko. Apat na sections yung general class at isang section naman yung Science Curriculum. Di ako nakasali sa Science Curriculum dahil mababa ang grades ko sa Science. Di naman sobrang baba, average of 88.
Kaya kung mag top 1 man ako sa general classes, may mas magaling pa din sa'kin dahil nga may nagttop din or tweosa Science Curriculum. That means, hanggang honorable mention lang ako. IT naman ang third choice ko kasi wala lang. Hahaha. May maisulat lang sa lahat ng application forms.
Ay! Ako nga pala si Maria Angelique M. Alonzo, You can call me Gellie. 16 years old. Chinita, 5'2" ang height, tama lang ang katawan at tahimik(sa hindi kaclose). I love to play instruments like piano, guitar and drums. Mahilig ako kumanta pero di ako magaling. I love to dance. Favorite ko si Conan, yes tama, yung palabas sa GMA, si Detective Conan. And also, I love to watch Korean Dramas and movies gawa ng ate ko. Favorite subject ko ang Math but I hate Science the most. Ang dami kasing theories and everything, di tulad ng Math na magssolve ka lang though may theories din naman.
Bunso ako sa magkakapatid, si Kuya Angelo ang panganay, Gelo kung tawagin, 23 years old na siya, may trabaho na at isa siyang CPA--Certified Public Accountant. Tapos sumunod sa kanya si Ate Gellai, her true name is Maria Angela, 19 years old and she's an Engineering student, Computer Engineering to be exact, sa isang University sa Batangas. Dun ko din gusto pumasok kasi dun din graduate si Kuya and maganda ang benefits ng scholar don. Saka dun din daw papasok yung mga bestfriends ko.
Si Mama naman, teacher sa isang private school dito sa Laguna. And si Papa? Nasa abroad, isa siyang manager dun.
I have (three or two?) two bestfriends--one boy and one girl. Si Frince Daniel Perez and si Christina Rose Vivas. Bestfriend ko na yang dalawa since elem kaso mas naging close ako kay Frince kasi bukod sa kapitbahay namin sila e kaklase ko pa din siya nung hs.
Kilala ang mga Perez sa Laguna, Governor kasi ang lolo ni Frince then si Tito Greg, yung tatay niya, Mayor naman ng lalawigan namin. At si Tita Mel naman, kahit Mayor na ang asawa e nagttrabaho pa din sa isang company sa Cavite, mataas ang posisyon niya don kaya hindi niya din mabitawan kasi malaki ang sweldo
Sina Christina, isa naman sila sa kilalang pamilya sa Batangas. Madami kasi silang business don like resorts and restaus kaya lumipat na sila don para hindi sila pabalik balik dito sa Laguna kahit may bahay sila dito. Paminsan minsan nauwi sila dito lalo na kapag bakasyon. Taga Laguna kasi si Tita kaya nakakasama ko pa din naman siya.
Umiikot lang ang buhay ko sa school at bahay. Madami akong kaibigan pero si Frince lang ang lagi kong pinagkakatiwalaan at kasama. Ayoko kasi sa mga taong inaabuso ako. Yung tipong anjan lang pag may kailangan. At papagawa ng asssignment at mangongopya. Kaya ayun!
And oo nga pala! Sa March 29, graduation na namin! And I'm so excited kahit na hindi makakauwi si Papa. 😔. Pero sana, makauwi pa din siya. Pero ewan. Bahala na!
BINABASA MO ANG
My Chinita Princess
RomanceGellie is a new high school graduate. Gustong gusto niyang kasama and family niya sa lahat ng achievements niya. She's a family-oriented person. She loves to play different kinds of instrument and a very talented and very bright girl. And after he...