TLLLGN 1: EDITED

52.2K 857 67
                                    

CHAPTER 1: MEET THEM

CANDACE POV

"Dace, mall tayo please."-saad ni Sophia habang naka puppy-eyes. Seriously? Lalo siya nagmukhang aso.

"Mamaya na nga sabi."-sabi ko kay Sophia na kanina pa ako yinuyugyog-yugyog. Bat kasi ang kukulit nito? Inaantok pa kaya ako.

"sige na kasi please. sasama naman satin sina Laine at Hannah eh. Di lang naman ako ang kasama mo"-Pangungulit sakin ni Sophia at lalo pang nilakasan ang pagyug-yog sakin. Infairness, nakakahilo siya.

"OO na. Letche tigilan mo nga ako. Nahihilo na ko kanina pa!"-iritang sambit ko at saka pa-dabog na tumayo mula sa pagkakahiga ko sa aking kama. Antok na antok pa ko kaya muntik na kong ma-out balance buti nalang ay napakapit ako sa drawer ko dahil kung hindi, baka nabagok na ang ulo ko at di ko na makilala ang sarili ko. Bago ko makalimutan. Im Candace Smith outside the campus and Candace Orias inside the campus. Bakit? Ewan ko, tanong niyo kay author, di ko rin kasi alam ang dahilan. DACE ang tawag sakin ng mga kaibigan ko at may iba akong lahi. Half Korean and Half Filipino ako. Korean ang mommy ko at pure Filipino ang daddy ko. 15 years old incoming third year high school sa Star Academy. Nangunguna ako pagdating sa klase dahil ang pagbabasa lang naman ng libro ang isa sa mga paborito kong gawin kapag free time namin. Isa akong NERD sa CAMPUS. Sa CAMPUS LANG dahil kapag wala kami sa loob ng campus ay aakalin mong isa kaming mga modelo o artista na pinagtitinginan ng mga kalalakihan. Marami na ngang mga company na inaalok kami mag-modelling since matangkad naman kami at maganda ang hubog ng aming katawan ngunit lahat sila ay tinanggihan namin dahil wala ang modelling sa plano namin sa aming buhay.

Pumasok na ko sa CR na nasa loob ng kwarto ko at saka binuksan ang shower at dumaloy sa akin ang napaka-lamig na tubig na tuluyang gumising sa natutulog ko pang diwa.

SOPHIA POV

Nandito ako sa kwarto ni Dace at hinihintay kong matapos siya sa pagligo. Sa totoo lang, napaka-hirap mapapayag si Dace na sumama sa mall dahil mas gugustuhin niya pang matulog maghapon dito sa kama niya o di kaya magbasa ng mga libro na tungkol sa mga ilelecture sa eskwelahan. Boring ng buhay niya no? Buti pa ko, boys and boys and boys lang kapag may time. Kaya lang kailangan kong wag lumapit sa mga lalake kapag nasa campus kami dahil kailangan kong umarte na isa akong NERD at walang pake sa mga lalake. Dahil ako si Sophia Kang na mahilig magpaasa at gamitin ang mga lalake ay nagiging si Sophia de Guzman na iwas sa mga lalake. BORING. Yan lang ang masasabi ko kapag may pasok na dahil wala kaming kalayaan na gawin ang gusto namin lalo na kapag maraming mga mata ang sumusubaybay ng bawat galaw o kilos namin. 

Isa akong Half korean at Half Filipino na babae. 15 years of existence at simula ng naglabing-tatlong taon ako ay nahiligan ko nang paglaruan ang mga lalake. Kung usapang academics naman ay di ako nagpapahuli dahil ako ang laging pumapangalawa sa klase. Sino ang laging nangunguna? Si Dace. Kailangan pa bang itanong yan? Eh simula ata nung umapak yan sa paaralan ay lagi na yan ang nagunguna eh.  Siya naman lagi ang nangunguna sa lahat ng bagay maliban nga lang sa kalokohan, dahil pagdating sa kalokohan ay AKO ANG NANGUNGUNA.

"para kang asong ulol na ngumingiti mag isa"-saad ni Dace habang naka-bathrobe pa. Bigla naman akong napa-simangot kaya inirapan lang ako ni Dace at saka dumiretcho sa walk-in closet niya. Kahit kailan talaga. Matawagan na nga lang yung iba.

HANNAH's POV

~dont need a map to guide me

my heart will find a way to go

dont care how long it takes me

no matter what, ill fight for every foe~

Leche! sino ba ba ang matinong tao ang tatawag ng ganito kaaga? eh putspa lang! di ba niya alam na naiistorbo niya ang pagkanta ko? yun na eh! nandun na ko sa part na gusto ko may tatawag pa -_- sinong di mabibiwisit?

"ANO BA KAILANGAN MO?! KEAGA AGA NAM----"-bungad ko agad sa taong naglakas-loob na tawagan ako ng ganitong oras at istorbohin ang pag kakanta ko ngunit, di ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang ito magsalita. Bastos.

"punta ka dito kina Dace, magshoshopping tayo at wag na wag ka nang umangal dahil napapayag ko na si Dace. At oo nga pala, lakas mong makasigaw, masakit sa eradrums kaya wag ka nang sumigaw sa susunod okay? Okay yun lang. Bye"-halos manlumo ako ng malaman ko kung sino ang tumawag. Si Sophia lang pala at ano daw? Shopping? kaka-shopping lang ng babaitang yun shopping nanaman? Bat ba kasi ako nagkaroon ng kaibigan na shoppaholic? Buti pa ko pagkanta lang ang inaatupag kapag walang ginagawa. Isang Hannah Park na biniyayaan ng mala-anghel na boses na nakakapagpa kalma sa mga nakakarinig ngunit isang Hannah Colardo sa loob ng paaralan na walang ibang ginawa kundi ang tumahimik lang dahil sa ayaw ng gulo. Isang estudyante sa Star Academy at magti-third year na sa pasukan. Labing-limang anyos pa-lamang at maraming Entertainment ang nag-aagawan para lamang mapabilang sakanilang grupo ang may mala-anghel na boses na si ako ngunit wala sa plano ko ang maging artista at kontento na ko sa kung anong meron at kung sino ako ngayon. 

LAINE's POV

~baby dont cry, tonight

after the darkness passes by.

Baby dont cry tonight,

you wont even remember why~


Akala niyo ako ang kumakanta or may tumatawag sakin no? pero yan lang talaga ang ringtone ko kapag may nagtetext sakin. Kinuha ko na ang cellphone ko at binasa kung ano ang laman ng text sakin.

1 new message

From: Sophia

LALAINE!! Punta ka sa bahay ni Dace!! Shopping tayong apat ^_^

 End

 Tsk shopping nanaman? Di ba nagsasawa yung babaeng yun kaka shopping? hyst

 To: Sophia

 Oo na oo na!!! hintayin niyo nalang ako panget... pag nag reply ka pa di na kita sasamahan :P

 End

Akala ko magrereply pa at kokontra dahil ayaw niya sa lahat ay ang tinatawag na panget pero buti nalang di na nagreply, ayaw ko kasing mag type ng type, kakatamad kaya. 

Magbibihis na nga ko nakaligo na din naman ako ei

So habang nagbibihis ako magpapakilala na ako. I'm Lalaine Martinez inside the campus and Lalaine Young outside the campus. I'm beautiful, gorgeous, pretty, nice, cute, kind, beautiful, beautiful and beautiful and always be beautiful, really beautiful. 15 years YOUNG. Single but not yet ready to mingle. Istorbo lang ang mga lalake. Half Korean and half Filipino din ako and I love dancing and swimming. NERD din ako sa loob ng campus and top 4 sa klase. Oo. Sa aming apat, ako yung kulelat. Ayos lang. tanggap ko naman.

Pagkatapos kong magbihis ay pumunta na ako sa garage. Ako yung magdadrive. May student license naman na ako kahit 15 palang. Money money money. Yellow na fererro este Ferrari ang car ko. Pumasok na ko sa kotse at nag drive na papunta sa bahay nina Dace. Medyo mabilis ang pagmamaneho ko dahil na rin sa sanay kaming magkarera sa gitna ng kalsada.

Hindi tumagal ay nakarating na ako sa bahay nila. Ang bahay nila ay parang palasyo. Buhay prinsesa si Dace. Siya pinakamayaman sa grupo namin. Nakita ko sila na naka-upo sa sofa. I greeted them good morning ngunit tumango lang sila at saka tumayo. It means, pupunta na kami sa mall and hell, magda-drive nanaman ako.

The Long Lost Legendary Gangsters are NERDS (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon