[TLLLGN 8]: EDITED

20.4K 507 36
                                    

FAYE's POV

Nandito kami ngayon sa school at kasama namin ang DOC. Maraming nagbubulungan sa paligid namin na hindi ko alam kung bulong ba talaga dahil rinig na rinig namin. Ayos lang naman saamin kung ano ang sabihin nila. Bakit kami magsasayang ng oras kung wala namang katotohanan ang mga pinagsasasabi nila tungkol saamin? At hindi rin mapagkakaila na wala itong kwenta. 

Si Lester ang katabi ko ngayon. Nasa may garden kami at naguusap-usap. Palagi na rin naman kaming magkakasama. Ewan ko ba. Naging close nalang kami isang araw. Para bang magkakilala na kami noon pa? Ay ewan. Basta sa lahat ng members ng DOC, si Lester ang pinaka-close ko.

Pinaglalaruan niya ngayon ang buhok ko. Tinitignan ang pagkaka-braid kasi takang-taka siya kung paano daw 'yon nangyari. Lalake nga naman. Walang kaalam-alam sa mga ganito.

"Pwede ko bang alisin pagkakabuhol-buhol niyan tapos tulungan mo ako kung paano ayusin ulit?"-sambit niya. Tututol sana ako kaso naalala ko yung second sign. Na kailangan humingi saamin ng tulong ang DOC. Pwede naman siguro 'to? Counted naman sana ang ganito.

Tumango nalang ako at saka inalis ang pagkaka-braid ng buhok ko. 

"Hoy! Roleplayer ka pala?"-rinig kong sabi ni Neil kay Laine. Roleplayer? 'Yon ba yung tawag sa mga account ni Laine? Oo. Mga. Sobrang dami kasi at iba-iba pa ang mukha. Akala ko nga poser siya nung napakealaman ko yung laptop niya kaso nakalimutan ko na siyang tanungin.

"Oo. Kapag boring at walang ibang magawa, RP World agan ako napunta. Ikaw? Bakit mo alam ang RP?"-Laine. RP? RP World? Ano daw? Wala akong maintindihan sa pinagsasasabi ni Laine. May bagong diskubre ba na mundo? Hindi ako updated.

"Oo. Irene RP ka diba? Taehyung RP ako. Tara, RS tayo."-sambit ni Neil habang nakangiti. Irene? Taehyung? Kpop? Vrene? VRene shipper ako. Hindi lang nila alam. Mhayghad. I hate drugs.

"Ramen soup ba yan?"-biglang singit sakanila ni Dace. Hala siya. Gutom nanaman. Pagkain nanaman ang naiisip. Walang hiya. ANong klaseng bulate kaya ang nasa tiyan niyan.

"Hindi. Laine, tulungan mo nga akong mag-explain sakanila kung ano ang roleplayer world at RS. Tae."-sambit niya. Natawa naman si Laine at tiningnan si Dace na may ngisi sa labi. Oh right. Nagpapatulong si Neil.

"Roleplayer world yung tawag sa mundo namin sa facebook na kung saan puro RP lang. Syempre roleplayer world nga diba? Tapos ang tawag sa mga naghahandle ay operator at yung mga account namin ang ginagamit namin pag-roleplay. Ang RS ay hindi Ramen Soup, okay? Oh please. Alam kong gutom ka pero ang RS ay relationship status. Gets?"-pag-explain saamin ni Laine kaya tumango-tango naman kami. Kunwari naintindihan ko nalang. Sayang naman kasi ang effort niya mag-explain kung hindi naman namin maiintindihan, diba?

"At kaya niyayaya ko si Laine na makipag-RS saakin kasi maraming shipper ang VRene."-dagdag ni Neil. At alam ko naman ang katotohanan na 'yon kasi isa ako sa mga shipper nila. Bagay kasi sila pero syempre lam kong walang titibag sa TaeKook.

Lumipas ang oras at hindi namin napasin na lunch break na. Walang teacher na papasok sabi kanina dahil may emergency meeting na nagaganap hanggang ngayon. Ewan ko kung tungkol saan. As if I care. Hindi naman makakatulong 'yon sa pagiging gangster namin.

"Nga pala. Kung pwede bang tulungan niyo kami mamaya? Magde-design kami ng coliseum para sa gagawing event. Kami ang naatasan at ang sabi nila ay maghanap nalang kami ng makakatulong saamin. No offense pero kasi nerd kayo at alam kong maraming idea ang maiisip niyo."-sambit ni Tyrone. Tyrone omhayghad hulog ka ng langit na inuna ang mukha. Dahil diyan alam kong nangyari na ang second sign!

"Sige. Anong oras ba?"-tanong ni Sophia na ngiting-ngiti. Pare-pareho lang kami ng naiisip, siguro.

Isang sign nalang ay pwede na kaming bumalik sa pagiging gangster. Kung bakit kasi kailangan pa ng sign hindi ba?

"5:00 PM nalang. Sabay-sabay nalang tayo."-sagot ni Tyrone. Tumango na kami at saka pumunta sa canteen para kumain.

The Long Lost Legendary Gangsters are NERDS (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon