[TLLLGN 3]: EDITED

31.9K 639 34
                                    

CHAPTER 3: DACE's Brother and Slumber Party

DACE's POV

Kanina pa ako inis na inis dahil kukunin nanaman nina Mommy ang mga gadgets ko. Ginawa akong bata't tanga. Ano naman kung malapit na ang pasukan? Nakalimutan ata nilang ako si Candace Smith. Kayang gawin ang lahat ng gusto ko. Kayang kong maipasa ang exams ko at maging top 1 sa klase kahit na may mga gadgets. Hindi ako tanga. At ayaw kong may nakakalamang saakin kaya kahit na may mga gadgets pa ako, gagawin ko ang lahat manguna lang.

"Hoy bruha huwag kang mag drama diyan. Bumili ka nalang."-sambit ni Hannah. Porque hindi kukunin ang mga gadgets nila ng parents nila ganyan na siya. Kung bakit kasi itinuturing akong bata ng mga magulang ko.

"Yeah right. Dapat hindi nalang tayo nakisali sa away nung Saturday. Hindi sana makukuha ang gadgets ko. Pero bakit sainyo hindi kinuha?"-tanong ko sakanila nang may halong pagtataka. Saamin kasi, ako lang ang kinunan ng gadgets. Unfair.

"Hindi naman alam ng mga magulang namin."-sambit ni Laine. Punyeta. Kaya pala. Anduga. Ang galing nilang itago sa mga magulang nila ang nangyari. Well, busy naman kasi ang mga magulang nila sa businessm kung kaya't medyo kulang sila ng oras sa mga anak nila.

"Hay nako. Alam mo bumili ka nalang ng bago. Madami ka namang pera diyan. Yung bagong brand ng phone try mo tapos eksperementuhan mo tutal doon ko naman magaling."-sambit naman ni Hannah. Not a bad suggestion. Gusto ko rin malaman ang bagong pakulo ng bagong brand ng cellphone na lumabas kamakailan lang.

"Mag-asikaso na tayo. Bibili na rin tayo ng pang-disguise natin dahil malapit na ang pasukan. Pangit days nanaman. Kung bakit kasi kailangan pa 'nun."-pag-aalburuto ni Sophia. The fashionista. Ayaw man lang maging pangit kahit sandali. Pero wala siyang magagawa, kailangan namin maging nerd sa loob ng campus o kaya sa harap ng ibang mga estudyante. I don'y any kind of attention kapag nalaman nila kung sino ang mga babaeng nasa likod ng braces, eyeglasses at old fashion dresses. Pagkakaguluhan lang nila kami and for sure ay hindi nila kami titigilan.

Pinalabas ko na sila sa kwarto ko at naligo na. Hindi ako matagal maligo kaya natapos agad ako within 25 minutes. Sinuot ko yung simple pink polo shirt at saka jumper na white saka doll shoes. Bumaba na ako. Hindi naman ako mahilig maglagay ng make-up. Powder will do. Tapos konting suklay. Sapat na saakin yun. Sa mall lang naman kami pupunta at hindi sa bonggang party.

Nakita kong pinagkakaguluhan ng girls ang kapatid kong bunso na si Chan-chan. Chanyeol talaga name niya. Ang cute niya kasi. Kahit sino naman mahuhumaling sakanya. bata palang malakas na ang appeal sa mga kababaihan. Maganda lahi namin. Pare-pareho kaming gwapo at maganda.

"Alam niyo kuya, walang-wala talaga kayo kay Baby Chanyeol. Bata palang pinagkakaguluhan na. Kayo? Laos na ang kagwapuhan niyo."-pang-aasar ko kina kuya Xiumin at Kuya Suho. Agad naman nila akong tinitigan ng masama. Nakakatakot naman. Pero ningisihan ko lang sila. 

"Tumigil ak nga diyan, Dace"-sambit ni Kuya Suho. Siya ang pinaka-matanda saaming magkakapatid. Sa totoo lang, gwapo yan si kuya Suho sadyang medyo kulang sa height. Pero habulin ng babae. Walang girlfriend. Gangster din yan pero di nila alam na alam ko. Sinesekreto pa nila eh yung tattoo nila sa tagiliran na skull na kulay abo eh lagi kong nakikita.

"Pinagbibigyan lang namin yan dahil bata pa."-sambit naman ni Kuya Xiumin na mukhang siopao ang pisngi pero yan ang nagustuhan ng mga babae sakanya. His cheeks. Iba yung appeal ni Kuya Xiumin. Habulin din siya ng mga babae pero wala 'yan nililigawan. marami daw kasing iiyak na babae. Nasa iisang gang lang sila ni Kuya Suho. 

"Puso niyo mga kuya baka mahulog sahig nanaman ang sasalo sa mga yan. Maawa naman kayo sa sahig."-sambit ko. May sasabihin pa sana sila ngunit tumalikod na ako at pumunta sa direksyon nina Baby Chanyeol para yayain ang girls na umalis na. Nagpaalam muna sila kay baby Chan.

"Dace, saan kayo pupunta?"-sigaw ni Kuya Xiumin. Nakalimutan ko palang magpaalam sakanila.

"Pupunta lang kami sa Mall. Bibili ng school supplies at syempre pang-disguise namin."

"Magpapaka-nerd nanaman kayo? Sayang ang ganda niyo. Palagi niyo nalang 'yan tinatago sa loob ng campus."

"We don't have a choice. Alam niyo naman kung bakit namin 'to ginagawa hindi ba?"-sambit ko sakanila. Napa-buntong hininga na lamang sila. Biglang sumulpot si baby Chanyeol at niyakap ang mga binti ko.

"Noona, downt poygwet my aysh kwin"-sambit niya. Ang cute talaga ng kapatid ko. Tinanguan ko siya at hinalikan sa noo at saka na kami tuluyang umalis.

Pagkadating namin sa Mall ay marami na agad ang tumititig saamin at para bang pinagbubulungan pero isinawalang bahala nalang namin at dumiretso sa bilihan ng phone. Hindi na ako pumili. Iyon na kasi agad ang ibinigay ni Sophia kaya binili ko nalang agad. Bumili na rin ako ng laptop at pagkatapos ay pumunta kami sa National Book Store. Bibili muna kami ng mga gamit na kakailanganin sa pag-aaral.

Kanya-kanya kaming pili ng gamit. Actually, sila lang yung pumipili kasi kung saan sila pupunta, susunod nalang ako at kukuha din sa kinunan nila dahil tinatamad akong pumili. Parareho lang naman kasi 'yan. Brand lang talaga ang pinagkaiba. May nakita rin akong lunch box, kailangan namin 'yon kasi low profile lang kami sa school and ang alam nila ay scholar lang kami. Kinuha ko yung lunch box at saka binayaran na namin ang lahat ng nabili namin.

Sunod namin pinuntahan ay ang Department Store. Bumili kami ng mga baduy na damit na kailangan naming suotin. Labag man sa kalooban ni Sophia ay wala naman siyang magagawa. 'Yan ang kailangan naming gawing lahat. Binayaran na namin ang mga binili namin at pumunta sa taong gumagawa ng fake eyeglasses and brace na para lamang saamin. Yung eyeglasses ay wala talagang grado pero kapag tinitigan mo parang meron. Ang brace naman ay simple lang pero natatanggal namin kung kailan namin gusto. 

Hindi naman tumagal ay nakuha na namin ang brace at ang eyeglasses namin. Wala na kaming pupuntahan kung kaya naman ay inalok ko sila sa grocery. Bibili kami ng pagkain para mamaya. Nagkayayaang mag-slumber party. kanya-kanya silang kuha ng pagkain. Tig-iisang cart kami actually. Konti lang ang kinukuha ko samantalang sila halos mapuno na ang cart. Nung babayaran na namin ang mga kinuha namin, lahat sila ay tumingin saakin. Tinaasan ko lang sila ng kilay.

"Dace, card mo?"-tanong ni Laine. Nginisihan ko lang sila sabay sabi ng

"Kanya kanya tayo ng bayad"

-

Nandito na kami sa kwarto ko. yung expression nila kanina ay nakakatawa. Akala siguro nila ay ako ang magbabayad pero dahil sa ang dami nilang binili ay naisipan kong mag kanya-kanya nalang kami. Ayaw kong maubusan ng pera at mamulubi dahil sakanila.


"Sinong gusto ng drinks?"-tanong ko sakanila, O can mix drinks kasi at gustong-gusto nila yung mga ginagawa kong drinks, at minsan ko lang din gawin ang mag mix ng drinks. Kapag nati-tripan ko lang talaga.
"Ako!"-sagot nila kaya naman tumayo ako at pumunta sa bar station dito sa bahay namin. Kumuha ako ng ibat-ibang klase ng wines at kumuha ng chaser.  Hinalo halo ko ang mga wines at nung matapos ko itong gawin, pumunta agad ako sa guest room at binigay iyon sakanila. Tapos na silang mag pillow fight at nag mo-movie marathon na sila. hindi man lang ako hinintay.

Tiningnan ko ang pinapanood nila. Talk Back and You're Dead pala. JaDine fan ako kaya naman ay dali dali akong tumabi sakanila para mapanood ito. Fan rin ako ng KathNiel kaya naiinis ako sa mga taong gumagawa ng issue tungkol sakanila at pinag-aaway ang JaDine-KathNiel. Ang kikitid lang ng utak. Ang sarap nilang suntukin. Kung ang ginagawa nalang nila ay suportahan ang idols nila imbes na makipag-away, nagawa pa nila ang role nila bilang isang fan.

Hindi ko natapos ang TBYD dahil inantok na ako.

The Long Lost Legendary Gangsters are NERDS (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon