Chapter 24

1.8K 35 21
                                    

Mika's POV 

LET ME EXPLAIN. Mabilis ang lahat ng pangyayari. Pero hayaan nyo kong magpaliwanag. Hindi ko ginusto kung ano man ang ginawa ko kay Ara. Napilitan lang ako dahil sa tatay ni Jeron. Pinagbantaan nya ko na kung hindi ko daw iiwasan si Ara sya na daw mismo ang gagawa ng paraan para hindi na kami magkita kailanman. Alam kong sa pagtitig nya dulot non ang pagkapahamak ni Ara. Halos madurog ang puso ko habang nakikita kong umiiyak si Ara. Kaya umalis na ko agad. Hiyang hiya ako sa team mates ko dahil parang finail ko sila. Sila itong gumagawa ng paraan pero ako wala akong magawa nakulong na ko sa gustong mangyari ni Tito, ni Papa at eto pang si Kuya Perry nanggagatong pa. Hindi naman sila nagtaka nong gumising sila. Salamat naman dahil di ko rin alam kung anong explanasyon ang ipapaliwanag ko kapag nagkataon. 

Noong nakita kami ni Leslie. Sadyang pinapatawa lang ako ni Jeron para gumaan ang loob ko. Hindi masakit ang sampal nya nalumatay sa mukha ko. Mas masakit ang mga salitang binitiwan nya sa pagmumukha ko na bumabaon paulit ulit sa puso ko. Gusto ko mang ipaliwanag ang lahat pero wala na. Nagawa ko na. Tapos na kami. 

Nakita kong puro dugo ang damit nya. Di ko na nagawang magtanong pero kinutuban na ko ng masama. Mas lalong lumakas ang pakiramdam kong may masamang nangyari nung dumating na ang mga parents ni Ara. SH*T. Please No. Sana walang nangyari sa kanya. Balak ko na sanang lumapit pero..pero naunang lumapit sa kin si Tita Beth. Akala ko sasampalin nya ko. Pero hindi. 

"Mika...tara sa kwarto nyo..Jeron tawagan mo ang tatay mo ngayon din at maguusap tayo.." seryosong saad ni Tita. 

"Yes Tita..." sunod ni Jeron. 

Naglakad na kami patungo sa room ni Mama. Nakasunod lang samin si Tito. Pagpasok namin dumiretso upo lang sila at di kumikibo. 

"Uhmm..Mika sino sila?" tanong ni Mama. 

"Kami ang mga magulang ni Ara" tipid na sagot ni Tita Beth. Halos maibuga ni Kuya Perry ang iniinom nya nung malaman nya. Para syang di mapakali sa kinauupuan nya kaya tumayo sya at akmang lalabas. 

"Iho..umupo ka..walang lalabas hintayin lang natin si Alvin" umupo na si Kuya Perry. Pero di makaila sa kanya ang takot. Siguro dahil sa pananapak nya dati kay Ara. Si Papa naman ganun din. Pero hindi nya lang ipinapahalata. 

Ilang sandali pa at dumating na si Jeron kasama ang daddy nya.

"Uy! Pare! Mare! Ano ba paguusapan natin?" bati ni Tito Alvin kila Tita Beth.

"Itigil mo na ang kagaguhang to Alvin..umayos ka!" seryosong saad ni Tita Beth. "Akala mo ba hindi ko alam? Grabe ka naman Alvin! Nakatikim ka lang ng pera parang kung sino ka na? At ano to ngayon ha! Nanggigipit ka pa...." pagpapatuloy nya.

"Pero pinagkakautangan nila ako.." sagot ni Tito Alvin. 

"500000!! Ganon na ba kalaki ang halagang yun para manira ka ng buhay ng ibang tao. Kung akala mo makapangyarihan ka na? Maling mali ka! Empleyado ka lang namin" panduduro ni Tita Beth kay Tito Alvin. 

Parang nanliit si Tito Alvin sa sinabi ni Tita Beth. Gigil na gigil si Tita Beth sa galit. Punong puno ng tensyon ang kwarto ngayon walang gustong magsalita. Lahat kami nangingilid ang luha sa mata. 

"Perry...alam mo yung anak naming si Ara..nung bata yan ni hindi ko sya hinayaang padapuan sa lamok..kada madadapa sya lagi akong nandyan para gamutin ang sugat nya..pero ikaw..ang lakas ng loob nyong saktan sya..hindi ako magagalit sa iyo..pero huwag na huwag mong subukang ulitin iyon dahil ipinapangako ko sayo! Ipapakulong kita!" natahimik lang si Kuya Perry dahil guilting guilty sya sa ginawa  nya. 

"At ikaw Alvin...umayos ka! Ito ang tandaan nyo Mika..wala na kayong pagkakautang sa kahit na sino man..yung resort nyo..ok na..ready to operare na ulit.." tumayo na sila Tita Beth at papaalis na. 

Let me love you (Ara Galang - Mika Reyes Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon