Kim's POV
Hinihintay naming bumalik si Mika. Mga 1 hour na rin kasi ang nakakalipas. Pero okay lang din kahit ITANAN na sya ni Ara. RUNAWAY ang peg?! Enebe!? Sa sobrang kilig ko sa kanila. Gusto ko silang sundan sa basement. Kaya tumayo na ko at nagpaalam kila Kapitana. Bubuksan ko na sana ang pinto pero laking gulat ko ng pumasok si Mika. Wait. Umiyak ba sya? Bakit namumugto mata nito? Magtatanong na sana ako nang bigla nya kong yakapin. Ramdam ko ang pagtulo ng luha nya. Kaya hinagod ko na lamang ang likod nya.
"Thank you sa lahat...Kim ikaw na bahala kay Ara ha?" bulong nya sa akin. Ako na daw bahala kay Ara? Ano daw? Sobrang gulo ng isip ko ngayon akala ko pa naman MISSION ACCOMPLISHED na. FAILED ata. Kumalas na sya sa pagkakayakap sa kin at pinunasan ang mga luha nya.
"Mika..Ok ba? Ano nangyari?" ewan ko ba kay Cienne kung manhid o walang common sense. Umiiyak nga eh. Malamang hindi.
"Wala na kami..tinapos ko na" lahat ata kami nabingi sa sinagot ni Mika. "..tinapos ko na" nakipaghiwalay sya? Pero bakit? Sobra daming tanong ngayon ang gusto kong ibato kay Mika. Pero alam ko rin namang nahihirapan sya. Pero bakit? Bakit? Bakit? Andito naman kami para tulungan sya. Andito kami na handang sumuporta sa kanya. Andito kaming pamilya nya. Napapakunot na lang ang noo ko habang naghihintay pa ng mga susunod nyang sasabihin. Pero wala akong natanggap kung hindi katahimikan.
Sa inis ko. Bigla kong naalala si Ara. Dali dali akong lumabas ng pinto at bumaba papuntang parking lot. Hingal na hingal na ko. Pero tumakbo ako ng tumakbo para mahanap si Ara. Wala sya. Magkabilang dulo na ang narating ko pero wala talaga.
"Manong..uhmm may nakita po ba kayong babae dito kanina? Maikli po buhok nya..mga ganito po katangkad.." idiniscribe ko kay Manong Guard pati damit ni Ara. Grabe para akong naghahanap ng nawawalang kaanak.
"Ahh..oo nakita ko sya kanina..lumabas na parang nagmamadali nga eh.." sagot sakin ni Manong. Lumabas?!
"Ahh napansin nyo po ba kung saan pumunta?" tanong ko ulit kay Manong Guard.
"Hindi ehh..kasi bigla na lang syang pumara ng Taxi.." TAXI!? Ara naman!!
Nagpasalamat na ko kay Manong Guard at hinanap ko ang kotse ni Ara para madouble check lang yung sinasabi ni Manong. Kasi imposibleng di nay dalhin yung......
"Ano Kim? San si Ara?" parang lahat ata sila yan ang tanong sa kin. Pero wala akong masagot ni isa sa kanila. Dahil di ko alam. Nasa tapat ko ngayon ang kotse ni Ara. Pero san naman kaya yun pupunta. Habang nagiisip ako. Napansin ko yung susi ng kotse ni Ara sa lapag. Pinulot ko yun at pinakita kila Kapitana. Kanina pa rin kasi nila tinatawagan pero unaattended daw.
"Hayyyyy...Victonara asan ka bang bata ka!" yan na lang ang nasabi ni Kapitana. Lahat kami nagaalala na kung nasan sya.
Ara...asan ka ba?
--------------------------------------------
Leslie's POV
Bigla bigla na lang nagring phone ko. At nagulat ako sa name na nagflash sa screen ko.
Boo Calling.....
Tama kayo. I'm not yet over sa feelings ko para kay Ara. Pero nirerespeto ko ang relationship nila ni Mika. Alam kong mahal na mahal ni ang isa't isa at masaya si Ara sa kanya kaya sino ba naman ako para maging kontrabida pa di ba?!
"Hello..." bati ko sa kanya.
Walang nagsasalita sa kabilang linya. Baka namali lang sya ng pindot. Tiningnan ko kung binaba nya na pero hindi naman. Di rin naman mahina yung signal.
BINABASA MO ANG
Let me love you (Ara Galang - Mika Reyes Fanfic)
FanfictionFIRST STORY KO PO ITO!!!! :D KARA KARA KARA KARA!! #KARASHIPPER hope you like it.... paalala lahat po ito ay kathang isip lamang :))))) HAPPY READING :))) P.S: KARAMIHAN PO DITO GAWA LANG PO NG AKING IMAGINATION KAYA WAG NYO PONG DID...