Heize's Point of ViewNang makalabas kami ng Gubat ay tumambad saakin ang napakalaking bayan. Wow.
Nasan na ba ako? Anong lugar ito?
"Aray!" Daing ko nang tinulak ako ng isa sa mga humuli saakin kanina. "Bilisan mong maglakad!" Sigaw niya pabalik sakin.
Lima silang nakadakip saakin kanina sa gubat matapos akong bumagsak galing sa bangin. Isang matanda na siyang nagtanong ng pangalan ko kanina. Di ko din naman siya sinagot kaya kinaladkan nila ako patungo sa lugar na ito. At apat na lalaki na sa tingin ko ay alalay niya.
Patuloy lang kami sa paglalakad. Mukhang ghost town ang buong bayan dahil sa sobrang tahimik at walang katao-tao maliban sa amin na naglalakad sa gitna ng daan.
"Teka nga! Sino ba kayo? Saan nyo ako dadalhin? Ano bang karapatan nyong dakpin ako!" Huminto ako sa paglalakad na ikinahinto din nila. Tiningnan ako ng matalim nung matanda dahil sa sinabi ko. Nageecho pa nga yung mga sinabi ko dahil sa tahimik ng lugar eh.
"Wag kang padalos-dalos sa mga sinasabi mo, binibini. Alam mo bang lumabag ka sa batas ng Otherworld." Saad niya.
Nasaan daw ako? O-otherworld? Like what the! Pano ako napunta dito?!
"Alam mo bang lumagpas ka sa restricted area ng Otherworld? At alam mo bang malaking kasalanan yon?" Patuloy niya. Tinignan ko siya na nakatingin din saakin. "Sa tingin ko din ay hindi ka taga dito dahil sa iyong suot."
Napatihimik nalang ako dahil hindi nagsink-in saakin ang mga nangyayari. Nagpatuloy ang aming paglalakad hanggang sa makarating kami sa harap ng napakalaking gate na kulay ginto. Naunang lumapit ang matandang lalaki sa gate at parang kinakausap yung guard. Di nagtagal ay nagbow yung guard at binuksan ang gate para makapasok kami.
Tumambad saamin ang napakalaking palasyo sa di kalayuan. Am i dreaming? Nakakita ba ako ngayon ng isang tunay na palasyo?! I really am a fan of fairytales pero di ko akalaing makakakita ako ng isang tunay na palasyo.
Napaisip tuloy ako, may Queen and King din ba sa loob niyan? E Princess kaya? Prince?
Nang makapasok kami sa loob ay diniretso nila ako sa ibabang bahagi nito. Para siyang underground passage. Pagdating namin sa ilalim ay agad nila akong pinasok sa loob ng kulungan. Oh ghad! Bakit ba nila ako kinukulong?!
"Dito ka muna habang hinahanda ko ang paglilitis sa iyo." Matapos niyang sabihin yon ay umalis na sila.
Napaupo nalang ako sa sahig. In fairness, malinis dito. Di tulad sa mga nababasa at napapanood ko na mabaho, madumi at creepy na kulungan. Malinis dito at hindi mabaho. Creepy nga lang dahil madilim sa lugar na ito at tanging mga apoy sa torch na nasa gilid lang ang nagbibigay liwanag.
Tumayo ulit ako para suriin ang lugar. Sumilip ako sa harapan ng mga bakal na haral nang may napansin ako. Umuwang ang pintuan ng kulungan. Oh great! They forgot to lock the door.
Agad akong lumabas sa tuwa ko. Pero di pa dapat ako maging kampante. Maari nila akong balikan dito kaya kaylangan kong makalabas agad. Mabilis kong tinahak ang madilim na daan palabas ng kulungang ito. Di naman ako nahirapan dahil sinundan ko lang yung direksyon namin kanina.
Pagdating ko sa labas ay walang tao kaya dahan dahan akong lumakad. May nakita akong maid kaya sinundan ko ito. Kelangan kong magpalit ng damit para di nila ako paghinalaan. Pumasok yung maid sa isang kwarto kaya hinintay ko itong lumabas muna bago ako pumasok. Pagpasok ko ay agad ko itong nilock. Bumuntong hininga ako. Hay!
Sa ngayon, tingin ko ay ligtas na ako. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Ang haggard ko na. Ang dumi na din ng damit ko.
Isa isa kong binuksan ang mga pintuan sa loob ng kwarto. May nakita akong mga damit pangkatulong sa isang silid doon. Sa tingin ko ay kwarto ito ng mga maid. Bright idea!
Madali akong naligo at nagpalit ng uniporme na pangkatulong. Tinapon ko nadin ang mga damit kong marumi. Pumunta ako sa salamin at tinignan ang repleksyon ko. Hmmn, di na masama. Sinuklay ko ang aking buhok.
Pano kung makilala nila ako?
Pinagmasdan ko ang aking sarili. Kelangan ko baguhin ang features ko. Binuksan ko ang drawer at di nga ako nagkamali dahil may nakita akong gunting doon. Kaya mo to, Heize!
Pikit mata kong pinutol ang unahang bahagi ang buhok ko. Pagdilat ko, may bangs na ako. Napangiwi ako sa itsura ko. Pagnakita siguro ako ng mga kagrupo ko tutuksuhin nila akong Dora.
Inayos ko ng gupit ang bangs ko. Hmmn, di na masama. Mataas parin naman ang buhok ko sa likod kaya di na din masama.
Niligpit ko na ang mga kalat ko at lumabas ng kwarto. Kelangan kong makisalamuha sa iba para di nila ako pagdudahan.
Palakad lakad lang ako sa hallway pero wala naman akong nakikitang tao o katulong man lang. Ganito ba talaga sa loob ng palasyo?
"Aray!" Daing ko nang masapid ako ng bato na nasa harapan ko. Halos manudnod ang mukha ko sa pagbagsak ko sa sahig. Di ako nakatayo agad. Bakit ba kasi may bato dito?
"Tanga." May dumaan na lalaki sa gilid ko. Papasok siya doon sa pintuan na nasa harapan ko. Bago siya pumasok ay may sinabi muna siya.
"You're crossing on my territory. You better stay out of this side of the palace, maid."
Napanganga ako. Di dahil sa sinabi niya kundi dahil sa Ang Gwapo niya! Ang landi, Heize! Pero ano daw? Territory? Sa loob ng palasyo? May ganun pala?