Heize's Point of View
"Heto hija, Gisingin mo na si Master Zenon at ipakain mo sa kanya iyang mga pagkain." Utos ni Madam Talia. Jusko, sa bahay namin kami ang may katulong pero bakit parang baliktad ngayon?
"Opo." Sagot ko nalang at dumiretso sa Kwarto nung Gwapong Mangkukulam. Di nakalock ang pintuan niya kaya kumatok nalang ako at pumasok na.
"Master Zenon?" Tawag ko nang walang tumambad saakin. Awkward man, pero kelangan ko siyang tawagin na Master. Sabi kasi ni Madam Talia, Anak siya ng Hari at Reyna kaya siya ang Prinsipe ng Otherworld. Swerte ko daw kasi walang reaksyon ang prinsipe nung pinakilala niya ako sa kanya. Panglabing-lima na nga daw niya akong pinakilala sa prinsipe ngayong taon e. May pagka-arte din pala tong mangkukulam na 'to. Hmp!
Asan na ba 'yon? Nilibot ko ang buong kwarto pero wala akong mahagilap na Zenon. Nasaan kaya siya?
Lalabas na sana ako nang may biglang kumalabog sa loob ng Kwarto kaya sinilip ko iyon. Nagulat ako nang makita ko siya sa gilid ng kama na puro dahon ang nasa buhok. Woah! Nagteleport ba siya?!
Napansin niya ata agad ang presensya ko dahil lumingon siya sa direksyon ko. Ngumiti ito at tumayo. "Pagkain ko ba iyan?" Tanong niya. Tulala padin ako sa nakita kong witchcraft kanina. Nagteleport siya! Teleport! For Heaven's sake, Magic 'yon!.
Pinitik niya ang noo ko kaya bumalik ako sa huwesyo. Di ko man lang namalayang nakalapit na pala siya saakin. "Wala ka bang balak na ibigay yan?" Tanong niya habang tinuturo yung pagkaing dala ko.
"H-ha? Ah, Oo." Inabot ko sa kanya yung tray at tumalikod na. "Hep! San ka pupunta?" Pigil niya.
Hinarap ko siya at ngumiti, "Tapos na po ang trabaho ko ngayong umaga kaya babalik na po ako sa baba, Master." I make an awkward smile. Inaamin ko, nakakailang siya.
"Malinaw na sinabi sayo ni Madam Talia na susundin mo ang lahat ng utos ko, di'ba?" Kumagat siya ng tinapay. "At ang utos ko ay maghintay ka hanggang matapos akong kumain." Sabi niya pa. Teka, alam ko to eh. Feeling ko tuloy may gusto saakin tong witch na ito. Iba talaga ang kamandag ng lola niyo!
"...ayokong magtagal dito sa loob ng kwarto ko ang aking napagkainan kaya maghintay ka na matapos akong kumain para madala mo ito pababa." Okay, scratch that! Bwisit. Gusto lang pala niyang ligpitin ko agad yung pinagkainan niya kaya niya ako pina-stay dito. Tch.
Matapos niyang kumain ay bumaba na agad ako sa kusina. Ayoko nang bumalik doon, hoho. Naabutan ko si Yera sa kusina. Siya yung roommate ko. "Oh, san ka galing, Heize?" Tanong niya.
"Sa taas. Kay Master Zenon."
"Kay Master Zenon? Ano, sinaktan ka ba niya? Anong ginawa niya sayo?" Gulat nitong tanong.
"Wala naman." Napabuntong hininga siya sa naging sagot ko.
"Buti nalang. Alam mo bang walang nagtatagal na tagapagsilbi si Master Zenon?" Tanong niya na di ko sinagot.
"Lahat kasi ng nagiging tagapagsilbi niya ay laging nagmamakaawa kay Madam Talia na alisin sila sa kanya. Palagi niya kasing ginagamitan ng mahika ang lahat ng naging tagapagsilbi niya." Saad nito. Yeah, he just did it to me too. He uses his witchcraft against me. Ugh! Di nalang ako sumagot sa kanya dahil biglang sumulpot si Madam Talia.
"Heize, Hija. Magpalit ka na ng iyong uniporme at papasok na kayo ni Master Zenon."
"Po?" Ngumiti ito.
"Napagdesisyonan kong ipasok ka din sa OSW upang magampanan mo ng mabuti ang iyong paglilingkod sa Prinsipe." Mag-aaral ako? Sa otherworld? Like what the? Graduating na ako. Babalik ako ng 4th year?
"Wag kang mag-alala, hija. Na-enroll na kita kaya wala ka nang dapat ipag-alala." Sabi pa nito. Naenroll? How come? Ni di nga nila hawak birth certificate ko. Ni di pa nga nila ako lubusang kilala. Pangalan at edad ko lang ang alam nila.
"Kung nagtatanong ka kung pano kita na-enroll. Well, i am Madam Talia. And i have my ways." Ngumiti ito.
"Sige na, hija. Magbihis ka na. Wag mong paghintayin ang prinsipe." Dahil sa sinabi ni Madam Talia ay wala sa sarili akong tumungo sa kwarto namin. May nakita nga akong uniform doon. Kulay itim ang skirt nito. Puting longsleeve naman ang pangitaas at may blazer na kulay itim din at may logo na nakasulat ay 'Otherworld School of Wizardry'
Nakabihis na ako't ano pero di padin nawala sa isip ko kung pano nila ako na-enroll. 'I have my own ways'? Wow lang. Talagang #OnlyInOtherworld.
Andito ako ngayon sa loob ng karwahe. Di pala uso ang kotse dito kaya nasa karwahe kami nakasakay. Katabi ko ngayon si Zenon na nakatingin lang sa labas. Tahimik lang ang buong byahe namin hanggang sa huminto ang karwahe at nauna nang bumaba si Zenon kaya sumunod din ako.
Halos malaglag ang panga ko sa laki ng skwelahan. Yung totoo? Swelahan ba to o Palasyo? Pagpasok ko palang sa gate ay kitang kita ko na agad ang field. May garden din sa kabilang gilid. Gosh! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong paaralan. Kahit ang Southern Isle University na international school ay walang panama dito.
Habang manghang mangha ako sa mga nakikita ko ay di ko namalayang paakyat pala kami ng tulay. Mini Bridge, actually. Kaya ayon. Natisod nanaman ang lola niyo. Ang tanga mo talaga, Heize!
Nahinto naman si Zenon sa paglalakad at humarap sakin. Akala ko tutulungan niya ako pero mas kumulo ang dugo ko nang tumawa ito ng malakas. Ugh! Ungentleman Witch!