Heize Point of View
After ng kahihiyan ko kanina ay bigla nalang nawala si Zenon kaya heto ako ngayon nawawala na rin sa kakahanap sa kanya. Wengya talagang mangkukulam yun!
"Watch out!"
"Aray!" Shocks! Ilang kamalasan pa ba ang aabutin ko ngayong araw?
"Okay ka lang ba?" Tanong nung lalake na nakabangga saken. Tumayo ako. Sinubukan niya akong tulungan pero nakatayo ako mag-isa. Di ko nalang siya pinansin at naunang maglakad. Di dapat ako nakikipag-usap sa mga nilalang dito sa mundong ito. Mahirap na.
"Hey." Bigla niya akong pinigilan. Nahinto ako sa paglalakad at hinarap siya.
I sigh, "I don't talk to strangers. Kaya excuse me." Sabi ko then i faked a smile at binawi ang kamay ko.
Di na din naman siya sumunod kaya nagpatuloy ako sa paghahanap kay Zenon hanggang sa nakita ko siya sa tapat ng building. Ito na ata ang building namin.
"Ze--master!" Tawag ko sakanya. Muntik na akong madulas dun ah. Di niya ata ako narinig dahil patuloy lang siya sa paglalakad patungo sa building. Nung nasa harapan na siya, halos matanggal ang panga ko sa pagkamangha nung bigla nalang siyang lumipad paitaas at lumanding sa second floor. Napansin ko ding yun din ang ginagawa ng ibang mga studyante.
Lumapit ako sa building at tumingala. So pano ako makakaakyat doon kung di ako nakakalipad?
Aish!
"Wan't some help?" Napatingin ako sa gawing kaliwa ko. This gray haired guy again? Siya yung nakabangga sakin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Grey, By the way." He extended his right arm. "I don't care." Sagot ko at umalis sa harapan niya.
May hagdan ba dito? Jusko naman! "Seems like you don't know how to fly, huh?" Bakit ba ayaw niya akong lubayan? Wala ba syang commonsense? Di niya ba alam na ayaw ko sa kanya.
Not litterally 'ayaw' kasi naman eh. For heaven's sake, Otherworld to! Malay ko ba kung halimaw siya o ano?
"From the looks of you, bago ka lang dito 'no? Ngayon lang kasi kita nakita." Sabat niya pa.
Papalag pa sana ako pero bigla nalang akong lumipad at di ko namalayang nakalanding na din pala ako sa second floor ng building. Heol!
"Amazed?" Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang boses ni Grey. Isa ding 'tong witch na 'to eh. Kagigil!
Di ko nalang siya pinansin. As much as possible ayokong ma-involve sa kahit ano mang gulo. Gusto ko nang umuwi huhu.
Nakita ko si Zenon sa di kalayuan. Agad akong tumakbo papunta sa kanya. Ni di ako kumurap dahil baka mawala nanaman siya sa paningin ko. Baka kahit sa palasyo ay di na ako maka-uwi kapag nagkataon.
-
Tahimik ang klase. Kahit papano ay parang normal naman ang mga tinuturo sa paaralang ito. Katulad ng sa Human World, may academic subjects dito.
"If X is equal to..... "
"Pst!" May sumitsit kaya iginala ko ang mata ko. Di naman sa feeling ako at assuming na baka ako yung sinitsitan, sadyang atribida lang talaga ako.
"Pst!" Agad kong nakita yung sumitsit na nakatingin.... Sakin?
Sakin nga ba? O dito sa katabi ko? Pero di eh, parang sakin siya nakatingin. One table apart lang kami kaya medyo malinaw sa mata ko yung tingin niya.
May tinuturo siya kaya tinuro ko din si Zenon sa tabi ko and mouthed 'siya ba?' Para akong tanga dito na nanunuro haha.
Lumingo siya kaya hindi si Zenon yung tinatawag niya. 'Ako ba?' I said as i pointed myself. Tumango siya kaya nagtaka ako. Kilala ko ba siya?