Chapter 3

0 1 0
                                    

Heize's Point of View

Nandito ako ngayon sa kusina ng palasyo. Hanggang ngayon di padin mawala sa isip ko yung mukha nung lalaki kanina. Ang pogi niya!

"Uh, Hi." Bati ko dun sa bagong pasok na maid. Bakit ganun? Wala bang panget sa lugar na ito? Bakit ang gaganda nila?

Nagtataka siyang tumingin saakin, "Ngayon lang kita nakita dito." saad niya. Oh gash.

"H-ha? Ah E-eh, B-bago lang ako dito. Hehe" Utal pa Heize. Nang mapaghalataan ka!

"Ah. Ganun ba. Sige, Pagbutihan mo ang trabaho mo." Ngumiti siya sakin bago bumaling sa lamesa. "Ah, Oo nga pala, Anong pangalan mo?" Tanong niya na ikinalapad ng ngiti ko. Para kang ulol Heize.

Madali akong tumakbo palapit sa kanya at nakipagshake-hands. Akala ko maldita siya, di pala. "Ako po si Heize. Nice to meet you!" Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Bakit ba? Nagiging friendly lang ako. Feeling close ganun.

"Ako si Talia. Ang Head Maid ng Palasyo." Pakilala niya saakin. May katandaan na siya pero ang ganda niya parin. "Sa aking palagay ay hindi ka pa naatasan ng iyong mga dapat gawin, tama ba?" Tanong niya.

"H-ha? Ah opo."

"Kung ganoon, sumunod ka saakin." Saad niya at nauna nang lumabas ng kusina.

Umabot kami sa madilim na bahagi ng palasyo. Teka, familiar tong lugar na ito ah. Nahinto si Madam Talia, yun daw ang itatawag ko sa kanya. Sa harapan ng isang pinto.

I was right. Nasa harapan ko ngayon ang pintuan kung saan pumasok yung gwapong lalake---na may masamang ugali. Pero gwapo parin! Andito padin yung bato kanina na napatid ako.

Sinamaan ko ito ng tingin.

Kumatok ng tatlong beses si Madam Talia bago siya pumasok sa loob. Sinamaan ko ulit ng tingin yung bato bago ako sumunod sa loob.

Maganda ang kabuoan ng kwarto. Black and white ang theme nito kaya iisipin mo talagang lalaki ang nagmamay-ari rito. Tumikhim si Madam Talia kaya bumalik ako sa aking huwisyo. Nakatingin na silang dalawa sa akin ngayon. Si Madam Talia na nakatayo sa gilid ng kama at yung lalaki  na naka-indian sit sa itaas mismo ng kama. May hawak itong stick na umiilaw ang dulo. Wow! Magic Wand ba yan?

"Heize, ito ang Master mo." Saad nito at inilahad ang kamay sa kanya upang ituro. "Zenon." Pagpapakilala niya sa lalaki.

Anong gagawin ko? Kelangan ba akong magbow?

Tumikhim nanaman si Madam Talia at tinitigan ako na para bang sinasabihan na may gawin ako. "Mag-bow ka bilang respeto,hija."

"Ha? A-ah, Opo." Awkward akong nagbow sa harapan niya. Di ako sanay. Kelangan talaga may ganito? Kung nasa Earth lang ako, shake hands will do na.

Narinig ko siyang nag, "Tsk." Hmmp! Suplado. Pasalamat ka, Gwapo ka.

Nagsimula nang maglakad palabas si Madam Talia kaya dali-dali din akong sumunod sa kanya. Huminto ito kaya nabungo ko ang likod niya. "Saan ka pupunta, Hija?" Tanong niya. "Sainyo po." Sagot ko. Saan pa ba ako pupunta? As if naman alam ko kung pano umuwi.

Humarap siya saakin, "Simula ngayon, palagi mo nang sasamahan si Zenon. Sundin mo lahat ng inuutos niya. Yun ang trabaho mo." Sabi pa nito. "H-ho?" Ngumiti ito saka nagsalita ulit. "Alam kong baguhan ka palang naninilbihan sa palasyo. Masasanay ka din."

Bakit parang iba ang pagkakaintindi ko? M-masasanay ka din? Ang green ko na! Lumabas na ito ng kwarto at iniwan akong tulala. Like what the? Iiwan niya ako with this boy? Alam kung gwapo siya pero di ako ganun ka desperada para gustuhing makasama siya. At sa kwarto pa. Bad Heize!  Green minded ka!

Wala na akong nagawa kundi umupo nalang sa sofa sa gilid. Tahimik lang si Zenon habang hawak ang wand niya kaya di masyadong nakakailang.

"Hey." Naalimpungatan ako nang may tumapik saakin. "Ugh! 5 minutes pa please."

"What are you doing?" Napabalikwas ako sa Mataray na tanong nito. Nakatulog pala ako kanina habang naka-upo. "H-ha? Ah, sorry." Nakayuko kong sabi.

"Leave." Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya. "I said Leave." Ulit niya sabay turo ng pinto. "O-okay" bakit ba lagi ako nauutal? Dali dali kong tinungo ang pintuan. Pipihitin ko na sana ang Pinto nang bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Di ako makagalaw! What happen?

"Wait," kusa akong humarap sa kanya na para bang may pwersang gumagawa nun saakin. Lumapit siya saakin na di parin makagalaw. Wait, Ginamitan ba niya ako ng witchcraft?!

"Diba sinabi ko na sayong wag ka na ulit mapadpad sa lugar na ito?" Binatukan niya ako ng mahina. "Hard headed maid." Sabi niya pa saka tinapik sa ulo ko ang wand niya. Kasabay nun ay ang pagbagsak ko sa sahig na parang lantang gulay. Bigla akong nawalan ng lakas sa ginawa niyang witchcraft sakin. This witch!

Mahina siyang tumawa, "Weak." Saad niya pa bago umalis sa harap ko at bumalik sa kama niya.

Inis akong lumabas ng kwarto niya. Ugh! Gwapo siya pero i hate him na! Bigtime!

Pagbalik ko sa kwarto kung saan ako nagbihis kanina, may lumapit agad saaking babae. Feeling ko kaedad ko lang siya. "Ikaw ba yung bagong maid?" Tanong niya saakin. Kahit ang isang ito ay ubod ng ganda. Unti unti tuloy akong nawawalan ng confidence sa sarili ko. Hays.

Tinanguan ko siya na ikinangiti naman nito. "Heize, di ba?" Tanong niya. Bakit niya alam ang pangalan ko? Stalker ba siya? Ganun na ba ako kaganda at kabago-bago ko palang dito ay may stalker na agad ako?

"Sinabi saakin ni Madam Talia kanina na may magiging kasama ako sa kwarto. Saka sinabi din niya saakin ang pangalan mo." Nakangiti niya sabi. Ahh, kaya pala.

"Ahh. Hehe, Oo. Ako si Heize." Kamot ulo kong sagot. Tumawa siya ng bahagya at sinenyasan ako na sundan siya. Pumasok siya sa isang pintuan dito sa loob ng kwarto. "Heto ang kwarto mo, Heize. Doon naman sa kabila... " tinuro niya yung katabing pintuan. "...ang kwarto ko."

Woah! May kwarto sa loob ng isang kwarto?
Amazing! #OnlyInOtherworld. Lol natawa ako sa Hashtag ko.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay nagpaalam na siya. Humiga ako sa kama ko. Kung matutulog ba ako ngayon, magigising ako na nasa mundo ko na?

The OtherwordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon