"Guys ano na?" Sabi ko sa kanila habang hinahawi ang mga damo sa daan."I think we're lost." Si Thea. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. We're lost?!
Retreat kasi namin ngayon at sa bundok slash gubat ang location namin since camping ang napiling theme ni Teacher Rose para sa taong ito.
"Explain Josh. You're leading the way. How come na nawawala tayo?" Iritadong saad ni Julia. Teacher Rose gave us a mission by team consisting of 5 members each group. We need to find the base kung saan kami magsstay. But now, We're lost. Ugh.
"Sigurado akong dito ang daan dahil sa bakas ng ilang paa. I thought if we follow this footsteps we'll find the base." Nanghihinayang na tugon ni Josh. Siya ang team captain namin kaya siya ang nangunguna sa daan.
Kaninang umaga kasi Teacher Rose let us to find the base as the first mission pero hapon na at hindi pa kami nakakarating.
"We need to find the base as earlier as possible. Delikadong abutan tayo ng gabi dito sa loob ng gubat." Sa wakas ay nagsalita na din si Mr. Silent, Dwayne.
Napatingin ang lahat sa kanya. "Oh my gosh! Did he just speak?" Di makapaniwalang saad ni Thea. Totoo naman kasing bihira lang magsalita si Dwayne.
"He's right. Di natin alam kung anong nasa loob ng gubat na ito. We need to find the base immediately." Putol ko sa nonsense niyang sabi.
"Do you think may wild life animals here, Heize?" Si Julia.
"Maybe. Nasa wild tayo eh." Walang ganang sagot ko. Malamang, nasa gubat kami eh. Natural habitat to ng wild.
"Oh my gosh! We need to get out of here na!" Si Thea.
Pumunta ako sa harapan nilang lahat, "Let me lead the way." Laking probinsya ako kaya kahit papano ay sanay ako sa masusukal na daan.
Nagpatuloy ang paglalakad namin hanggang sa dumilim na nga ng tuluyan. I look at my watch at 6 pm na pala. Hinarap ko silang lahat. "Let's have a rest. Delikado nang magpatuloy." Tugon ko.
Sumunod naman sila at di na umangal pa. Dahil narin siguro sa pagod. Imagine, halos 8 hours na kaming naglalakad. Feeling ko nga narating na namin ang kabilang bahagi ng bundok e.
Kinuha ko ang yoga mat sa bag ko. Mas comfortable ako sa ganito. Ganun din naman sila. Isa isa nilang kinuha ang mga gamit nila para matulog na.
Dwayne made the bonfire para daw hindi kami malamigan sa kailaliman ng gabi. Saglit lang kaming nakatulala sa apoy hanggang sa makatulog na nga.
Naalimpungatan ako sa ingay na narinig ko. Bumangon ako. Tulog pa ang lahat at patay na din ang bonfire kaya sinindihan ko ito ulit. 3 am pa pala. Bumalik na ako sa pwesto ko para matulog ulit pero may naramdaman ako sa paligid. May nagmamasid saamin. Ramdam ko yun.
Iniikot ko ang aking paningin sa paligid. Wala akong masyadong makita dahil sa dilim at fogs na pumapalibot saamin. Pero sigurado ako, may nakatanaw saamin.
Bumangon ulit ako at naglibot sa paligid. May narinig akong kaluskos kaya naalerto ako. "Sino yan?" Saad ko. Walang sumagot. "Teacher Rose? Ikaw ba yan?" Wala paring sagot. Di na maganda ang pakiramdam ko dito. Err.
Napalingon ako sa kaliwa ko nang makarinig ako ng mga bakas. Tama ako! May ibang tao nga dito. At tumatakbo sila.
Mabilis akong tumakbo sa direksyon nila. Di ko alam kung bakit ko sila hinahabol knowing na baka wild lang yon and it may lead me to danger pero there is something in my heart telling me to follow it.
Napatigil ako dahil wala na akong naririnig na mga bakas. Napatingin ako sa likuran ko. Oh shocks! Pano ako makakabalik ngayon?
Madilim man, pinagpatuloy ko parin ang paglalakad ko. Nasaan na ba ako? Ang tanga mo Heize!
6 am na pero hindi parin ako nakakabalik sa mga kasama ko. Sigurado akong gising na sila sa mga oras na ito. Kung sumigaw kaya ako? Sana lang marinig nila.
"Guys! I'm heeeere!" Sigaw ko, umaasang maririnig nila ako. "Guuuuuys!"
Grrr......
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig ko. What was that? Nilibot ko ulit ang kabuoan ng paligid ko. Maliwanag na at masukal nadin ang daan. Nawawala na ba ako?
Grrr.....
Naalerto ako sa narinig ko. Pumulot ako ng kahoy para ipamalo kung sakaling may umatake man. Di nga ako nagkamali. May biglang lumabas na aso--no, wild dog, a wolf.
Oh crap! Is this even serious? I thought safe sa bundok na ito? Bakit may mababangis na halimaw na pagala gala? O baka naman lumagpas na ako sa safe zone? Great, Heize. Just Great!
Biglang tumalon ang lobo papunta sakin. Agad naman akong napaatras at tinapon sa kanya ang kahoy, hoping na ifefetch niya yon.Pero Hindi. Stupid! Wild yon!
Imbis na sa kahoy ang atensyon niya ay nakatitig lang ito saakin na tila gustong gusto na akong lapain ng buhay. The wolf started to walk clockwise around me.
Think Heize! Use your mind.
Nakakita ako ng bato na kasing laki ng kamao ko saka yun tinapon sa mukha niya. Di naman ako nabigo dahil natamaan ito sapul sa mukha. Pagkakataon ko na ito para tumakas.
Tumakbo ako ng mabilis. Di pa nagtagal ay nakita ko ulit ang lobo na nakasunod saakin. Gosh! Ang bilis niya.
"Ahhhh!" Napapikit nalang ako nang marealize ko na deretso pala sa bangin ang dinadaan ko. Nadulas ako pero huli na ang lahat para mapreno ang mga paa ko.
I fall slowly. Ito na ba ang katapusan ko? Ni di pa nga ako nakakagraduate, Di ko pa nakikita forever ko, di pa ako nakakaexperience na magkajowa, mamatay na agad ako?
Ramdam ko na ang mabilis na pagbagsak ko nang ramamdaman kong hindi gaanong masakit ang pagbagsak ko.
Minulat ko ang aking mata kasabay ng pagbagsak ko sa lupa. "Who are you?" Napatigil ako sa pagtayo nang may nakatutok na stick sa leeg ko. Umiilaw ang dulo nito at ramdam ko ang init na nanggagaling doon.
"I'm asking you. What is your name, stranger?"