Chapter 1

152 15 7
                                    

-1-

A very very bad day


"I'm running late!"

Pupunta ako sa locker para kunin yung gamit ko sa first class ko. And as usual, I'm late. Nakipagchikahan pa kasi ako baba na may transfer student daw at di ko namalayan ang oras!

"Denisse!" Napalingon ako at nakita ko naman ang bestfriend kong si Milly.

"Oh! Milly."

Sabay naman kaming pumunta ng classroom at buti na lang wala pa ang teacher namin. Nabalitaan kong kumuha siya ng projector para sa report nila mamaya. Nang makapasok na ko sa room ay parang palengke ito sa sobrang gulo. May nagkukulot, nagmamanicure, at iba pa. Napalingon ako sa huling row ng seats at vacant iyon. Napangiti ako at inayang umupo doon si Milly.

Kinuha ko ang sketch pad ko sa bag at nagsimula na akong mag-sketch. And yes, hobby ko ang pag drawing, painting and any art related works. Wala, feeling ko kasi gumagaan ang pakiramdam ko through art.

"Hindi niyo ba ako namiss?" Napalingon ako at si Milly sa nagsalitang si Lorraine. Andito na pala ang isa pang bruha. Napa-iling ako at hindi naman sumagot si Milly. Ang tahimik talaga ni Milly at si Lorraine ang counterpart, sobrang daldal.

Tanong ng tanong si Lorraine kung maayos ba ang buhok niya samin at wala naman siyang naasahang sagot mula samin. Hanggang sa may lalaking nang-gulo sa buhok niya. "Ano ba?!" Tinignan niya ang lalaki. "What's your problem ba, Ced?!"

"Well, ayan gulo na."

Nakangisi pa ang lalaki habang umaalis and she shouted out of frustration. Hindi naman namin kilala si 'Ced' and hindi naman siya nababangit samin ni Lorraine. Nagkatingin kami ni Milly. She just shrugs her shoulders. Hindi rin kilala ni Ced.

Napatingin kami kay Lorraine na patuloy sa pagsuklay sa buhok niyang nagulo. Nang mapansin niyang nakatingin kami sakanya ng may malisya ay nagsalubong ang kilay niya.

"Stop it, girls!" Yun lang ang sinabi niya.

Out of the blue ay napatingin ako sa phone ko. Chineck ko ang inbox ko at nagtaka naman ako sa kinilos ko. I am not expecting a text naman from anyone? I don't even have a boyfriend. Nabaliwala lahat ng nasa isip ko ng may sumigaw na nandyan na si Sir. Napaayos naman ako ng upo.

Pumasok si Sir sa room at inexplain na may meeting sila kanina kaya siya nalate. Inexplain niya rin ang agenda namin ngayon lalo na at medyo maraming time ang naaksaya. Hindi ako interesado sa agenda dahil magbobotohan lang naman ng officers kaya nagpatuloy nalang ako sa pagiisketch ko.

"You can now nominate for the position of president."

Nagdra-drawing ako ng isang cute na dinosaur. Nagfocus muna ako sa mukha niya. Hindi siya masyadong detailed dahil gusto kong ma-emphasize yung pagiging cute niya. Hindi ko nasundan ang sinasabi sa harap pero nagulat ako ng mabanggit ang pangalan ko. Gosh! Don't tell me...

"I nominate my one true love, Denisse." Sabi ng isang nerd na punong-puno ng tigyawat ang mukha.

Napa-irap ako sa nangyayaring sitwasyon. Tumayo ako agad at pinagpilitan kong gusto kong mag-object.

"Why miss? Bakit naman ayaw mo? Please explain."

Explain? Seriously? Hindi ba pwedeng ayaw ko lang? Ayoko talaga ng responsibilities na ganto. Alam ko naman kasing ako lang ang mahihirapan. And I made a promise na I will focus on my studies. Napatingion ako sa mga classmates ko at kay sir, at wala naman akong maisagot. Napamura ako ng paupuin ako ni Sir. Bigla akong nanlata. Bakit kasi walang salitang lumabas sa bibig ko! I'm good at things like these naman!

"Okay lang yan, girl." Pag-cocomfort pa sakin ni Lorraine.

"Yup." Tipid na comfort sakin ni Milly. Napatingin naman ako sakanya at naramdaman ang konting inis. Kasi naman, naiinis nako't lahat ang tipid padin niya magsalita! Oh well!

Nanlalata akong naglakad sa Canteen namin kasama sila Milly at Lorraine. Hindi nga ako ang nanalo for president but nanalo naman ako for muse. Mas bagay daw sakin 'yon sabi nila na mas kinainis ko kasi mapipilitan ako sumali sa mga pageants na di naman ako interesado. Lorraine was the secretary at hindi naman naboto si Milly dahil part siya ng Student Council.

Uupo na kami sa usual spot namin kaya lang may isang lalaki na nakaupo doon. Lalapit na kami nang makaramdam ako ng. . . call of nature.

"Wait lang guys ah!"

Nagsimula na akong maglakad sa CR. Bakit naman kasi bigla bigla tong parang lalabas, eh! Still, I walked with confidence parin kaso nararamdaman ko nang pinagpapawisan ako. Pero di parin ako nagpahalata.

Bigla akong nainis at napaisip, this is not my day and I hate it. A very very bad day.



Secretly Inlove [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon