-2-
Scared
Nakaupo ako ngayon sa trono. And I swear, nakakahiya 'to. Binilisan ko naman ang ritwal ko at nainis pa ako sa sarili ng nalimutan kong gawin iyon kaninang umaga. Late na kasi ako nagising. Nag-flush ako at diring-diri lumabas.
"Grabe, Ihing-ihi ako ah!"
Kunyari, Umihi lang ako. Sinadya ko talagang lakasan at ipaglandakan na umihi lang ako. Sana ay di nangamoy. Napailing ako sa naisip ko dahil nakakadiri.
"Dapat po kasi di kayo nagpipigil ng ihi." Sabi sakin ng isang student at nahiya naman ako. "Masama po iyon." Hindi ko alam kung sarcastic ba siya o ano pero di ko nalang pinansin.
Naghugas naman ako agadsa lababo at sa tingin ko ay wala namang nakahalata sa ginawa kong milagro. Binilisan ko kasi eh. Napatawa ako ng mahina pero sapat na para marinig ng katabi ko. Napataas ang kilay niya at nahiya ako kaya umiwas ako ng tingin. Siguro ay iniisip nito na baliw na ko.
Agad kong pinuntahan sina Milly sa Canteen. Tinawag koagad si Milly ng Makita ko siyang nakaupo sa usual spot namin pero tumingin lang siya sakin. Well, sanay na. Nang makalapit ako, napansin kong nakatayo si Lorraine.
"Lorraine, bakit ka nakatayo? Tsaka, di ba may naka-upo dito?"
"Eh tignan mo naman ang dumi dumi!"
At tinignan ko naman yung upuan...? At hindi naman ah? Wala namang dumi. Tingnan ko pa nga iyon ng maigi pero wala akong Makita. Napaka-OC talaga ng babaeng 'to. Gusto pa ata e 'yung kumikintab na upuan.
Napatingin naman ako kay Milly na biglang natawa. Ang weird weird talaga ng mga kasama ko eh noh? Tinuro niya 'yung duming sinasabi ni Lorraine at nung una ay di ko pa makita pero napansin ko nga na may kurumpot na dumi ang silya sa gilid nito. Jusko, ang liit liit lang naman pala. Parang galling lang sa biscuit 'yung dumi. Arte ni Lorraine kahit kailan.
Nagpigil nalang ako ng tawa at hinipan ito at pinagpag gamit ang kamay ko. Na-upo na ako at si Lorraine naman, chineck pa yung upuan bago na-upo. Natatawa nalang kami ni Milly sa kanya. Ayaw na ayaw talaga niya sa dumi. Pano kaya pag na-call of nature ang isang to no? Ilang oras kaya maghugas? Natawa ako lalo sa naisip ko.
"Parang baliw 'tong dalawang 'to oh." Sabi pa ni Milly.
"Aba, Look who's talking." Sabi ni Lorraine na nagpatawa saming tatlo.
Kumuhana kami ng food at kumain. Medyo nagmamadali kami kasi malapit na mag-bell. Agad naman nag-aya si Milly na bumalik ng room ng tapos na kami kumain. Siya kasi ang matalino sa grupo at makikitaan mo talaga ng leadership. Never pa 'yan nag-absent at na-late out of laziness.
"Gusto kong mag-toothbrush! Feeling ko ang dumi ng ngipin ko." Sabi pa ni Lorraine.
Hinatak ako ni Milly at hinawakan ko si Lorraine kaya bali, dalawa kaming hatak niya pabalik ng room.
"Kainis! Ang dumi ng ngipin ko! I feel uneasy!" Hindi naman mapakali ang katabi ko kahit nasa room na kami dahil hindi siya nakapag-toothbrush. Sanay na kami sa mga ganyan niya kaso minsan hindi ko mapigilang hindi matawa.
Tinignan ko lang siya. Nakita kongdinukotniyasa bag 'yung toothbrush at toothpaste niya at umalis. Napailing ako at natawa ng bahagya. Kaso, pagdating niya sa pinto ay humarang si Ced. Nag-away nanaman ang dalawa at ang iba ko pang classmates ay tinukso sila.
"Malapit ng magtime! Can you please move." Napahinto ako sa pag muni muni at tinuon ang atensyon kay Lorraine. Si Milly, nakatingin lang din habang may binabasa siya ng book. Tinignan ko naman yung title, 'How to be a good leader'. Napasinghap ako. Nerd Alert! Nerd Alert!
President kasi siya ng student council kaya siguro niya binabasa 'yan. Hiraminkokaya? Joke, ano ba 'tong pumapasok sa isip ko.
"Alis! Sabi e..." Nanlaki ang mata ni Lorraine ng Makita si Sir. Malas naman at strict 'tong teacher namin na 'to. Gwapo sana pero sobrang baba magbigay ng grade at ang sungit sungit.
"Anong alis? Miss Cruz?"
"Sorry po Sir."
Naiinis siyang bumalik ng upuan pero di nakaligtas sa mga mata ko ang irap niya kay Ced. And who the hell is Ced ba? Nakakalimutan ko kasi itanong kay Lorraine.
Nilagay na ni Sir 'yung books niya sa table at nagstart mag-discuss ng Advanced Algebra. Napangiwi ako. Pinaka ayoko talaga ang Math. Ang boring at allergic ako sa numbers... pag nakakakita ako ang sakit sakit ng ulo ko.
Medyo nakikinig naman ako. Yung tipong nakikinig lang ako pero hindi ko siya iniitindi. Alam ko naman kasing wala rin akong maiintindihan in the first place. Pasoksa right ear, labassa left ear. Nagulat ako ng kalabitin ako ni Lorraine. Hindi nanaman siguro mapakali.
"Oh, Bakit?" Sabi ko ng pabulong pero nakatingin parin sa harapan para naman di ganong halata.
"Mag-CR kaya ako? Yung ngipin ko kasi, ang dumi." Mahina rin niyang sabi sakin. Dahil nakaharap ako sa teacher namin nakita kong nakatingin siya samin with nakakunot na kilay. Patay.
Napaubo pa siya bago magsalita. "Ms. Avicles at Ms. Cruz, anong business niyo dyan? Hindi ba ninyo alam na oras ng klase ko at hindi oras ng daldalan?"
That line. Laginiyang speech 'yansimula first year kami. Kaya 'yung ibang kaklase ko nagbuka-bukahan ng bibig at ginagaya si Sir. Tumayo si Lorraine at umamin na gusto niyang mag-cr. Galing talaga ng damoves nitong babaeng 'to no? Makapag-toothbrush lang.
Hindi siya pinayagan ni Sir at napa-upo siya na dismayado. Nagpatuloy lang si Sir sa Algebra na ipinu-push niya.
"Di ba kaka-recess lang? It's not my problem. Take your sit." Aniya.
Napaisip ako na ang hirap pala maging OC. Parang love, hindi ka mapakali dahil alam mong may mali. Napailing ako sa naisip ko. Aga-aga ay humuhugot ako!
"May meeting kami ngayon kaya di ko kayo masasamahan pauwi." Sabi ni Milly samin. Angdakilang leader. Angdakilang president.
"Aba, sumisipag na ata si Milly sa pagsasalita a." Kantyaw ni Lorraine.
Nainis si Milly at binatukan si Loraine. Nag-away pa ang dalawa dahil magugulo daw ang buhok ng kaibigan kong OC. Natawa ako sa away bata nila. Tumigil din sila ng natatwa at tinanong ko naman si Milly about sa librong binabasa niya.
"Wow. Bookworm na ang peg?" Sabi pa sakin ni Lorraine. Minsan talaga ang lakas nito manginis e.
Binigay naman sakin ni Milly 'yung book at nagpaalam na kami sakanya dahil mukhang marami pa siyang gagawin. Napatingin ako sa hawak ko at nagulat akong dalawang libro iyon. How to be a good leader at Innocent Love.
Innocent Love?
Natawa ako out of no reason. Hindi ko maimagine sa sarili ko na I will fall in love with a guy. No, I never had one because I'm so damn scared to fall in love.
**************************
Sorry kung may typos. :)
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove [On-going]
HumorI love him, secretly. I don't know why. If I confess, Do we have a chance?