-7-
Nagpasalamat ako kay Lorraine sa paghatid sakin sa bahay. Kumatok ako at pumasok sa loob. "MA, PA, Naka-uwi na ko!" Masaya ko pang sigaw. Pero walang sumagot sakin.
Pumunta ako sa sala at napatingin ako sakanya. . . What the hell happened to you?
Kung kanina, abot tenga ang ngiti ko, ngayon hindi naman ako maka-ngiti. What the hell is this!?
"ANONG NANGYARI SAYO, BABY BROTHER?!" Kung kahapon ang gwapo pa niya, ngayon, gwapo pa rin siya minus one. KAWAWA NAMAN ANG BABY BROTHER KO! I touched his face. "Sinong gumawa sayo nito ha!? HA!?" Galit kong sabi.
"Aish. OA." Yun lang ang sinabi niya at umalis na. "Aba! Ako na nga 'tong concern sayo!" Sigaw ko pa. pero nagpatuloy pa rin siya sa pag-akyat sa kwarto niya. WAAAHHHHH! BABY BROTHER! Teka, nasaan ba si Papa at Mama, masumbong nga!
'Yan na pala napapala ng mga pa-bad boy. Naku! Pag nalaman ko talaga kung sino ang gumawa non, naku! Malilintikan sakin 'yun. Kapatid ko yung sinaktan niya, ah.
Maya-maya dumating na si Mama at Papa, Tumayo agad ako at lumapit sakanila. "Ma, Pa, San ba kayo galing?!" Tanong ko na may galit tone. Tagal kasi nila eh.
Ngumiti si Papa. "Mamili kami ng groceries, anak. Namiss mo ba kami ng Mama mo?" Tinaas baba pa niya 'yung kilay niya ng tatlong beses. Hmp! Si Papa. "Baby, Minsan lang naman kami mag-bonding ng Papa mo no." Assure pa ni mama sakin. Hayys!
Tignan ko lang kung pano kayo mag-rereact pag nalaman ninyo. Tsk, tsk. Pa-feeling badboy kasi ang anak niyo eh. Pfft.
Pumunta na sila sa kusina para ilagay yung pinamili nila at sinundan ko naman sila. "Papa, nabugbog si Dan." Sabi ko ng mahinahon with matching hands sa likod. "Ha? Nabug-?! HA!? ANO!?" Sabi ni Papa, muntik na kong matawa pero pinigilan ko lang.
"ANO ANAK!?" Late reaction ni Mama. "Nabugbog po si Dan." Inulit ko pa at nang ma-digest nila ang pinahihiwatig ko, umakyat agad sila. Pfft.
"ANAKK!" Rinig kong sigaw pa nila habang umaakyat. Natatawa nalang ako.
Pinalabas nila at pinababa si Dan. "MA! ANO BA!" Inis pa na sabi ni Baby Brother. "OKAY LANG BA ANAK!? A-ANONG NANGYARI SAYO?!" Sunod sunod na tanong ni Mama at inis na inis si Dan sakanila.
"SINONG MAY GAWA SAYO NIYAN HA!?" Hinawi pa ni Papa 'yung sleeves ng T-shirt niya at pinakita 'yung muscles niya. "TARA UUPAKAN KO." pagkasabi nun ni Papa, nabaling naman 'yung atensyon niya kay Papa. "Naku, Papa, wag mong gagawin yan." Mahinahong sagot ni Mama sa galit na si Papa.
Wow, nice view. Parang sa Movie lang. Hahahaha!
Pina-kalma muna ni Mama si Papa at si Baby Brother, napakamot nalang ng ulo. Aakyat na sana siya kaso pinigilan siya ni Mama. "Pa, Ipacheck-up natin si Dan. . . baka may nabaling buto sakanya." Sabi ni Mama with nag-aalalang tone. Hay. OA ng family, for-evs.
Sumang-ayon naman si Papa, at may kasama pang nod. "Sige, Mama. Tatawag lang ako ng tricycle. I-upo mo muna si Dan, baka magkabali-bali ang buto n'yan." Sabi pa ni Papa at hindi ko na talaga napigilan ang tawa ko.
Pffft. Napatingin ako sa direksyon ni Dan, which is nakaupo at masamang nakatingin sakin. Umiwas nalang ako ng tingin. CONCERN LANG NAMAN AKO, BABY BROTHER! HAHAHAHAHA!
Over-acting? Well, that's okay. The most important thing is, I love my family the most.
****************************************
HABANG NASA OSPITAL sila Mama, Papa at Dan. Ako ang naiwang mag-isa sa bahay. Niligpit ko muna 'yung mga pinamili nila Mama kanina sa grocery kasi malamang pagod na sila pag-uwi dito.
Kahit mejo di kami mayaman, para kina Mama at Papa, ang most important, ay 'yung health namin. Kaya kahit masugatan kami ng sobrang liit or what, ganyan siya mag-react. Concern sila samin. That's why I love them.
Umakyat na ko sa taas at nahiga sa soft bed ko. Naalala ko 'yung mga stuff toys na bigay sakin kaya dinisplay ko sila sa kwarto. "HAYYYY! KAPAGOD!" Nahiga ulit ako sa kama.
Ang daming nangyari ngayon. . . Nasugatan si James, Napunta ako sa book lovers club, May nagustuhan akong guy, May napulot akong picture, Nabugbog si Dan. . . ? Di kaya. . .
Napa-iling ako. Aish. Impossible.
Sa gitna ng pagmumuni-muni ko, my phone suddenly beeped. May nag-text sakin?
Akala ko si mama pero when I opened it, Siya nanaman. . . Yung nagtext sakin the last time.
Baby. . . How's your day? Did you just saw my pretty handsome face? Sleepwell.
Imbis na kiligin, nainis ako. Sobrang taas naman ng expectations ng lalaking 'to! Sino ka kaya? Pag ikaw nalaman ko kung sino ka! Naku!
Teka, Hauntingin kaya kita!? Hmmm. . .
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove [On-going]
HumorI love him, secretly. I don't know why. If I confess, Do we have a chance?