9: She likes him...

74 3 2
                                    

-9-

Papasok ako ngayon ng school. Kasabay ko ngayon si Baby Brother. 5 minutes nalang kasi magbebell na. Na-late ako ng gising! "Aish. Bilisan mo!" Sabi ko sakanya. Malalate na nga kami, kampante pa kung maglakad! Hinatak ko nalang siya. 

MA. BI. GAT. Nabitawan ko siya at hingal na hingal ako. "Aish! Bilisan mo naman maglakad! May mga paa ka naman!" Singhal ko pa sakanya. Pa-cool pa kasi! 

Naglalakad kami ngayon kasi wala kaming choice. Walang nagsisidaan na tricycle. Kasama ko naman siya kaya ayos lang. 

Nakahinga ako ng maluwag nang dumating kami sa school na hindi pa bell. May naririnig nga lang ako na bulung-bulungan.

Yaaa, bakit sila magkasama!

Mas bagay sila ni James!

Kaya siguro sila nagsuntukan noon.

Sabi ko na nga ba, issue na naman 'to. Hindi naman kasi alam ng mga tao dito na magkapatid kami. Ang may alam lang ay sila Milly at Lorraine. Kaso. . . suntukan? AT AKO ANG DAHILAN!? A-- *Ringgggggggggggggggggggggggggggg* Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ang bell. Agad ako pumunta sa room.

"Hayyy. Buti tamang tama lang ang dating ko." Sabi ko ng maka-upo sa upuan katabi sila Milly at Lorraine. Ako ngayon ang nasa upuan ni Lorraine. Bali, ang nasa gitna ay si Lorraine. "Ang dumi kasi dyan kaya hindi ako na-upo dyan." Sabi pa niya sakin. Napatingin naman ako sa armchair ko.

Wala namang dumi 'yung armchair ko. Kaya hinayaan ko nalang. Malakas talaga ang detector ni Lorraine sa dumi. Dust lang naman ng konti siguro ang meron sa upuan na ito. Psh. "Nakakuha kaba ng gamit mo?" Tanong ni Milly kaya napatingin naman ako sakanya. "Hindi nga eh. Sana wala tayong sasagutan sa  textbooks." Sana. Hays! Na-late kasi ako ng gising eh, di tuloy ako nakakuha ng gamit sa locker.

"Girls. May sasabihin ako sainy-" Naputol ang sasabihin ko ng dumating si Ma'am. Values Education kami ngayon. "Mamaya nalang pala." bulong ko kayla Lorraine at Milly. Napatingin sila sakin at nag-nod.

Nakinig kami sa teacher. Buti naman at nagdiscuss lang siya. 

"Class, Reporting tayo this week. Group yourselves into three." Pagkasabing pagkasabi nun ni Ma'am nag-ingay ang klase at nagsihanapan na ng partners for reporting. Nagkatinginan kami nila Milly, Lorraine at ako. Walang nagsalita samin. Pero 'yung tingin namin parang nagsasabing PARTNERS-TAYO-HA look. Nagtawanan kami ng malaman na pare-pareho pala kami ng iniisip.

"Okay class. Harap na dito." Sabi ni Ma'am at nagsi-tahimikan naman ang mga kaklase ko at humarap na sa teacher. Tinuloy lang ni Ma'am ang sinasabi niya.  Nag-tawag siya ng names at ng topic. "Milly, Lorraine, Denisse, LIFE ang sainyo." Nag-nod lang kami nang marinig ang grupo namin.

"Be creative, guys. Ayoko sanang puro cartolina at powerpoint ang makikita ko ha? Anyways, pataasan 'to ng grade. Dahil ABSENT nanaman si James, sainyo siyang grupo. . . Milly. Bali, ito na rin 'yung magiging project ninyo." Sabi ni Ma'am at umalis na.

Porket first honor si Milly, samin na siya? WHUT!?!

************************************

NASA CANTEEN KAMI at kumakain. Lunch na namin kaya medyo mahaba ang time. "Girls, May idea na ba kayo sa project?" Tanong naman samin ni Lorraine. "Wala pa." Mabilis kong sagot.

"Meron? Pero try ninyo rin magresearch ha? Tutal, BOOK LOVERS CLUB KAYO. HAHAHAHAHA." Sabi samin ni Milly. Napa-pokerface ako. Psh. 

"Tse." Sabi ni Lorraine at tumingin sakin. "Denisse, Ano nga pala 'yung sasabihin mo?" Baling sakin ni Lorraine at tinignan lang ako ni Milly. 

"Girls, Magkasabay kami ni Dan kanina." Pasubo na si Lorraine ng sabihin ko iyon kaya naman nabulunan siya. "Ehem! tu-tubig!" Inabutan naman siya ni Milly ng tubig habang ako hinihimas 'yung likod niya.

"Okay na ko." She paused. "Anong reaksyon ng mga tao?" Tanong niya sakin. Si Milly, nakikinig lang. "'Yun nga eh, kahapon daw si James tas kay Dan naman ngayon. Naku, kung alam lang nila!" Palabirong sabi ko pa.

"Alam ang alin?" Singgit ni Cedric sa usapan namin. Namutla ako. K-kanina pa ba s-siya dyan? Sht. Napatingin lahat kami sakanya. Naglakas loob si Lorraine magtanong. "Kanina ka pa?" 

"Hindi naman. Teka, pwede ba kong makisali sainyo?" Tanong ni Cedric. "NO!" Sabay sabay naming sagot sakanya na kinataka naman niya. Tumayo narin kami at binalik 'yung pinggan. 

************************************

PABALIK NA KAMI ng room. "Grabe, kinabahan ako kanina!" Sabi pa ni Lorraine. Napatingin ako sakanya. "Mas lalo naman ako!" Tinapik ko pa 'yung dibdib ko. Grabe, ang bilis parin ng tibok ng puso ko. Kabado pa rin. Muntik na 'yun. Sht. Tumingin samin si Milly ng KINABAHAN-DIN-NAMAN-AKO look. Natawa nalang kami kasi di siya nagsasalita, ulit. Pfft.

Habang naghihintay kami ng teacher, tinawag kami ni Lorraine. "Girls, may ishe-share ako. . ." Kinilig pa ang bruha. "Ano naman?" Tanong ni Milly. Ako, naghihintay lang ng sagot.

"Ano. . . hihihi. . . kasi. . . hihihi. . . Ahm-"Hindi naituloy ni Lorraine nang batukan siya ni Milly. "ARAY! MILLY!" Sabi pa ni Lorraine. "Itutuloy mo ba kasi o magbubungisngis ka dyan!?" 

Ngumuso naman si Lorraine. "Oo na, eto na. . ." She paused. "Crush ko si Cedric." Sabi pa niya samin. Hindi kami nakakibo.

"I like him. . . I like Cedric Min Lopez. Waaaah!" Pabulong niyang sinabi na kinikilig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretly Inlove [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon